00:00Tiniyak ng Philippine National Police na nananatiling profesional ang kanilang organisasyon
00:05sa kabila ng bigla ang pagpapalit ng liderato.
00:09Kaya naman makakaasa umano ang publiko sa patuloy na tapat na servisyo
00:13at pinaigting na operasyon kontra kriminalidad.
00:17Si Ryan Lasigues sa Sentro ng Balita.
00:22Nananatiling mataas ang moral ng buong hanin ng pambansang pulisya.
00:26Ito ay sa gitna ng biglaang palitan ng liderato kahapon
00:29ayon sa pamunuan ng pambansang pulisya.
00:32Nananatiling profesional ang organisasyon.
00:35Hindi rin daw maudlot ang operasyon at pagbibigay servisyo ng PNP sa publiko.
00:40Nananatiling rin naman silang tapat sa kanilang mandato
00:42na protektahan ang kapakanan at siguridad ng taong bayan.
00:46Of course, even before the 5 minutes response or 3 minutes response or any response,
00:51we should respond to any distress call or call for help from our community.
00:58Yan naman ay part ng ating managing police operations.
01:01Ating dati, alam pat si pat yan eh.
01:05And then managing police operations and enhance natin.
01:11It is about patrolling and investigation.
01:16Proactive and reactive.
01:18Kasunod nito, sinabi ng PNP na nare-respeto nila ang direktiba mula sa Malacanang
01:23at buo ang kanilang suporta sa kanilang bagong pinuno
01:26na si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
01:30Ang iba't ibang regional offices, naglabas na ng kanikanilang statement of support
01:35para kay Nartates.
01:37Kanila ring sinabi na buo ang kanilang pakikisa sa gagawing mga direktiba at programa ni Nartates
01:42upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad, katiwalian at terorismo.
01:49Gayun din ang pagpapaiting ng ugnayan sa komunidad para sa isang ligtas,
01:53maayos at maunlad na bagong Pilipinas.
01:56Ilan lang sa naglabas ng statement of support ang Police Regional Office Cordillera 3, 4A, 4B, 6, 8, 11
02:06at maging Police Regional Office Bangsa Moroto Namas Region.
02:10Tiniyak naman ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
02:15na idadaan sa tamang proseso ang pagpapatupad ng balasahan.
02:18About the reshapal, about placement, we will go with the normal procedure.
02:27May process yan eh, no?
02:28Especially when our former chief PNP ay nagbigay ng order, of course may procedure yan.
02:35And then kung merong changes, sabi ko kanina, officers come and go,
02:39we always serve at the trust and confidence of the appointing authority.
02:46Samantala isang araw matapos masibak sa sarbisyo,
02:49binasag na ng dating PNP chief, Police General Nicolás Torre III, ang kanyang katahimikan.
02:55Sa kanyang official Facebook account, nagpasalamat si Torre sa kanyang suporta mula sa publiko.
03:00Nakasaad din sa kanyang Facebook post na sa kahit anong laban, ang tagumpay ang laging para sa bayan.
03:07Nakasaad din sa kanyang post na ang tapang at lakas niya ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
03:12Dahil ang tunay na tagumpay ay ang patuloy na paglilingkod sa bayan.
03:17Si Torre, na kauna-unahang PNP chief mula sa PNPA, ay tumagal lamang ng mahigit dalawang buwan sa pwesto.
03:25Mula dito sa Kampo Krame, Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.