00:00Higit isang libong manggagawa sa sektor ng turismo sa Provinsya ng Aurora
00:04ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng bayanihan sa bukas na may pag-asa
00:09para sa turismo program ng Tourism Department.
00:13Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:15layan itong tulungan ang tourism workers na isa rin sa lubos na apektado tuwing may kalamidad.
00:22Si Rod Lagusad, sa Sentro ng Balita.
00:24Bilang pag-suporta sa sektor ng turismo at mga manggagawa na umaasa dito,
00:33higit isang libong tourism workers na naapektuhan ng mga kalamidad sa lalawigan ng Aurora
00:37ang nabigyan ng tulong pinansyal.
00:40Ito ay sa ilalim ng programang Bayanian sa Bukas na May Pag-asa para sa Turismo
00:44o BBMT ng Department of Tourism at Department of Social Welfare and Development.
00:49Isa na dito si Nana ay rin na isang tour guide sa Mother Falls sa bayan ng San Luis.
00:53Isang malaking tulong po ito para sa amin na sinilanta ng bagyo.
00:59Napakalaki-laki pong tulong nito para po sa aming mga anak sa pag-aaral po
01:03at syempre po sa aming mga panghanap buhay po, tulong hanap buhay po para sa amin.
01:09Magiging dagdagpuhunan po namin para sa amin magiging negosyo po.
01:16Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. layan ng programa na maabutan ng tulong
01:21ang mga manggagawa na nasa sektor ng turismo na naapektuhan ng kahit anong sakuna.
01:26Kasama rin sa atin dito ang training para sa tourism workers.
01:29Magsasagawa ng training ang Department of Tourism para sa mga interesadong magkakaroon ng bagong kabuhayan.
01:37Kabilang dito, mga beads, mga artwork training, pagawa ng pastry, fun farm tour product, development,
01:46tourist reception seminar, at iba pa.
01:48Lahat ng iba't ibang pangangailangan na karunungan at sanayan para sa industriya ng turismo.
02:00Binigyang din ng Pangulo ang malaking ambag ng turismo sa gross domestic product ng bansa
02:04na umabot na sa higit 8%.
02:06Kasama niya sa selling point ng bansa ay ang mismong hospitality na meron ng mga Pilipino.
02:12Ang turismo hindi lamang tungkol sa pagdating ng mga bisita.
02:16Kung hindi, tungkol sa tao at sa kabuhayan.
02:20Milyon-milyong Pilipino ang umaasa rito.
02:24Kaya nararapat lamang na pahalagahan at alagaan ang mga manggagawang bumubuhay sa ating industriya.
02:31Sa ilalim anya ng kasalukuyang administrasyon, patuloy ang binibigay na suporta nito sa industriya ng turismo.
02:38Rod Lagused, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.