00:00Hauwak na ng Ombudsman ang mga computer at dokumento sa DPWH ni dating Undersecretary Catalina Cabral
00:06bilang bahagi ng investigasyon kaugnay ng kickback umano sa flood control projects.
00:12Ang ilang isinasangkot na dating opisyal ng DPWH Bulacan,
00:16tiyak nang magpapasko sa Senate Detention Facility sa kabila ng hiling nilang makalabas ngayong kapaskuhan.
00:23Nakatutok si Maki Pulido.
00:24Ito ang mga computer at files ni Yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
00:34na itineron over ng Department of Public Works and Highways sa Office of the Ombudsman.
00:38Ipinasubpina ito kaugnay ng imbesigasyon sa mga maanumalyang flood control projects at sistema ng kickback sa mga ito.
00:46Ayon sa DPWH, galing ang computer at files sa tanggapan dati ni Cabral sa kagawaran.
00:51Kasama sa mga ibinigay na dokumento ang mga request na mga opisyal habang inihahanda ang National Expenditure Program sa nakalipas na sampung taon.
01:00Bago mamatay, inaasahan sana si Cabral na makakapagturo sa mga mambabatas na sangkot sa anomalya.
01:06Sa pagdinig kasi dati sa Senado, lumabas na si Cabral Umano ang kumakausap sa mga mambabatas
01:12kung meron silang gustong ipasok na proyekto sa national budget.
01:15Sinabing si Cabral Umano ang namamahala sa pamamahagi ng allocable funds o pondo na inilalaan sa budget para sa mga proyekto na mga mambabatas.
01:25Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, mananatiling selyado ang CPU at mga file ni Cabral hanggat hindi na isasagawa ang Digital Forensic Examination.
01:34Nakadetine naman ngayon sa detention cell ng Senado ang mga dating opisyal ng DPWH Bulacan na sina Bryce Hernandez, JP Mendoza at Henry Alcantra,
01:45pati ang kontratistang si Curly Diskaya at mukhang dun sila magpapasko.
01:50Tinanggihan kasi ni Senate President Tito Soto ang hiling nilang holiday furlough o pansamantalang paglaya ngayong Pasko.
01:57Papayagan lang silang dumalo ng misa sa loob ng Senado at mabisita ng kanilang pamilya pero hindi sila maaring lumabas.
02:05Sabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson, inirekomenda niyang tanggihan ang kanilang request dahil may security risk ng kanilang pagtakas.
02:14Ilang beses na kasi daw inihayag ni na Ombudsman Crispin Remulia at Pangulong Bongbong Marcos na i-issue na ang kanilang mga warrant of arrest bago magpasko.
02:23Mahigit tatlong buwan ng nakadetine sina Diskaya, Hernandez, Mendoza at Alcantara matapos i-cite in contempt dahil uncooperative
02:32o ayaw tumulong habang isinasagawa ang Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng mga flood control project.
02:39Sana, sabi ni Lakson, masunod ng Ombudsman ang idineklara nitong timeline sa pagsasampan ng kaso para naman matakot ang mga opisyal na nag-akalang makakatakas sila
02:48matapos kam-kamin ang pera ng bayan.
02:51December 15 ang nabanggit na pecha ni Ombudsman Crispin Remulia sa posibleng pag-issue ng mga arrest warrant laban sa mga mambabatas
02:59at kontratistang sangkot sa mga maanumalyang flood control project.
03:04Hinihingi pa namin ang pahayag ng Office of the Ombudsman.
03:07Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments