Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


Patuloy na pinapalagan ng pamilya ni dating Usec. Catalina Cabral ang utos na i-autopsy muna ang sinasabing bangkay nito. Gusto na nila ito maiuwi kaya nagka-tensyon kanina, sabay-giit na naniniwala silang walang foul play sa nangyari.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pastoloy na pinapalaga ng pamilya ni dating Undersecretary Catalina Cabral,
00:05ang utos na i-autopsi muna ang sinasabing bangkay nito.
00:10Gusto na nila itong may uwi, kaya nagka-tension kanina.
00:14Sabay giit na naniniwala silang walang foul play sa nangyari.
00:19Live mula sa Baguio City, nakatutok si Bea Pinga.
00:23Bea?
00:24Mel, aksidente ang pagkakahulog ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral sa Bangin sa Tuba Benguet.
00:34Ito ang paniniwala ng kanyang pamilya kaya hindi na nila nais pang ipa-autopsi ang bangkay nito.
00:45Nagkainitan sa punerarya sa Baguio City kung nasaan ang labi ni Resigned Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
00:52Halos magmakaawa na kasi ang asawa ni Cabral na maiuwi na nila sa Metro Manila ang bangkay nito.
01:08Ang hiling ng pamilya ni Cabral, mapabilis na ang proseso ng pag-uwi sa labi.
01:14Hindi pa rin daw kasi napipirmahan ang death certificate nito.
01:17Pero sa sulat ng Justice Department sa NBI ngayong araw, iniutos nitong i-autopsi si Cabral sa lalong madaling panahon dahil sa mga anilay kaduda-dudang pangyayari kaugnay ng pagkamatay niya.
01:30Giit ng asawa ni Cabral, hindi nila bibigyan ng basbas na ma-autopsi ito.
01:35Siguro, karapatan na namin na nagbigay na kami ng waiver, nagdudusa na kami tapos na ito mga ramdaman mo, pahirapan ka pa.
01:44Kilala na ang anak ko, kayong bigay kami ng waiver.
01:47Ano pa ang gusto sa ilang punto na para patunayan?
01:50Iyon lang gusto namin, magpapasko, makasamaan naman lang namin ang asawa, mga kasama ko lang, asawa ko yung pasko.
01:57Pinag-aaralan na ng Philippine National Police ang mga susunod nilang hakbang, matapos makakuha rin ng direktibang i-autopsi ang bangkay mula naman sa Department of the Interior and Local Government o DILG.
02:08Iniutos din itong i-DNA test ang bangkay.
02:11Ito pa yung pinag-aaralan natin ang mga legal officers kung ano po ang magandang gawin po ng Philippine National Police para masiguran natin na yung disease na matay, ito toong katawan po, yung disease na si Dating Jose.
02:24Pumanaw ang dating undersecretary matapos umanong mahulog sa bangin sa Tuba Benguet.
02:28Naniniwala ang pamilya niyang aksidente lamang ito at walang foul play.
02:33Nagpunto siya dito parang mag-unwind. Magkausap pa kami nung ano eh.
02:39Before that day eh.
02:41Sabi ko pa sa niya, ba't hindi ka umatin nung ICI meeting.
02:45Pero ang sabi ng tauhan ng CIDG sa kanya, hindi pa nila marule out ang angulo na may foul play.
02:50Itinanggi rin niya na naisa uli sa kanila ang cellphone at iba pang gamit ni Cabral.
03:00Mel, sa ngayon patuloy tayo nagbabantay dito sa labas ng punerarya para malaman kung may iuuwi ba ang bangkay ni Cabral ngayong gabi.
03:07Yan muna ang latest mula rito sa Baguio City. Balik sa'yo, Mel.
03:10Maraming salamat sa'yo, Bea Pinla.
03:12Maraming salamat sa'yo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended