State witness na ang tatlong dating DPWH engineer at isang kontratistang sangkot sa maanomalyang flood control project sa Bulacan, ayon sa Justice Department.
Pero paglilinaw ng kagawaran, maaari pa rin silang mapanagot sa ibang mga kaso.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00State witness na ang tatlong dating DPWH engineer at isang kontratistang sangkot sa Manumalyang Flood Control Project sa Bulacan ayon sa Justice Department.
00:14Pero paglilinaw ng kagawaran, maaari pa rin silang mapanagot sa ibang mga kaso.
00:19Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21Matapos ang kanilang pagsusuri, inanunsyo ng DOJ na pasok na sa Witness Protection Program bilang state witness ang apat na personalidad na sangkot sa kontrobersya sa flood control projects.
00:37Yan sila dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, dating DPWH NCR District Engineer Gerard Apulencia at kontratistang si Sali Santos.
00:52Sila po yung nakikipagtulungan sa Department of Justice para po mapalakas yung ating mga kaso laban dun sa ating gustong habulin.
01:02Tandaan po natin, ang konsepto kasi ng state witness, hindi lang ito yung nagbalik ng pera.
01:09Yung pagbabalik ng pera ay bahagi lamang ng kalang pakikipagtulungan sa gobyerno.
01:14Dahil mga state witness na, ligtas na sila sa asunto sa kaso kaugnay sa Bulacan Ghost Flood Control Projects.
01:21Isa po sa karapatan ng mga state witnesses na ina-admit po sa programa is to be discharged from criminal liability.
01:28So yun po yun. Doon po sa partikular na kaso na tinutulungan namin sila, yung tinutulungan nila kami.
01:36Pero paglilinaw ng DOJ, maaari pa rin silang mapanagot sa ibang mga kaso.
01:42Ayon sa DOJ, kabuang 1.5 billion pesos ang inaasang ibabalik ng apat na state witness sa gobyerno.
01:49Pero sa ngayon, nasa 316 million pesos pa lang ang naibabalik nila.
01:54Pinakamalaki sa ngayon ang naibalik ni Alcantara na 181 million pesos.
01:5980 million naman ang naibalik ni Opulensya, 35 million mula kay Bernardo at 20 million mula kay Santos.
02:10Si Bernardo, kinailangan raw magbenta pa ng ari-arian bukod pa sa na-freeze na ng gobyerno ang mga bank account nito.
02:17It's in the form of a manager's check and it's partial.
02:22Ang pinanggalingan nito ay pagbenta ng isang ari-arian niya.
02:27At ito pa lang yung down payment pa sa ari-arian.
02:30At kung makuha na yung balance, ibabalik din niya, ibigay din niya dito sa DOJ.
02:36At ang timeline natin pa doon sa balance ay within the month of January.
02:40Pero ang unang dalawang pumiyok sa flood control scam na sinadating DPWH Bulacan Engineer Bryce Hernandez at JP Mendoza
02:49hindi raw nag-qualify sa Winters Protection Program.
02:52Matatanda ang isa si Hernandez sa mga unang nagbanggit na mga pangalan ng ilan senador
02:57at iba pang kilalang personalidad na sangkot-umanaw sa flood control.
03:02Nagbalik pa nga siya ng luxury vehicle sa Independent Commission for Infrastructure.
03:07Wala kaming nakikita ang pangailangan para sila ay discharge namin.
03:11At least patungkol dito sa mga kaso na kung saan sila ay parang lumalapit para matanggap bilang mga testigo ng Estado.
03:21Pero hindi po ito nangangahulugan na if pagdating po ng ano,
03:26when the future comes at meron pong kaso na maari silang tumistigo,
03:31eh maari pa rin namin pong i-considera kung ano man ang kanilang ebidensya na ilalahan sa amin.
03:38Kasabay ng anunsyong pasok na sa Witter's Protection Program si Alcantara,
03:42binatikos naman ni Ombudsman Crispin Rimulya ang kapo ni Sen. Joel Villanueva
03:47na siya raw nagpapakalat ng maling balita na umatras na sa kanyang testimonya si Alcantara.
03:53In-speed nga yan eh ni Moniz Guerra, lawyer ni Joel Villanueva.
03:58Siyempre, trying to get a good deal for Joel siguro.
04:02Itong si Sen. Joel Villanueva, itong si Moniz Guerra.
04:06Pero sabi ko nga eh, ano, lahat state witness?
04:12Paano yun? Di mo lang na tayo ikukulong?
04:13Walang na tayong pananagutin?
04:15Hindi ganun ang batas.
04:17Ang batas ha, hanapin mo talaga yung pwede mo talaga panagutin.
04:20Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panik ni Villanueva at ng kanyang abogado.
04:28Samantala, sinabi rin ng DOJ na iniimbestigan na rin nila kaugnay sa tatlong magkakaibang kaso ng plunder
04:34sina Sen. Jingo Estrada, dating Sen. Bong Revilla, at dating ako, Bicol Partylist Representative, Zaldico.
04:41Yung mga high-profile personalities that the public may be interested in is Sen. Bong Revilla,
04:48Elisadico, as mentioned earlier, and si Sen. Jingo Estrada.
04:54So, three separate cases of plunder po yan.
04:57Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment