Skip to playerSkip to main content
Pinasasampahan ng plunder at iba pang kaso ng ICI at DPWH sa Ombudsman ang walong tinawag nilang “Cong-tractors” o mga kongresistang konektado umano sa mga flood control contractor. Sabi naman ng Ombudsman, may hanggang 15 pang kongresista ang iniimbestigahan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinasasampahan ng plunder at iba pang kaso ng ICI at DPWH sa ombudsman.
00:05Ang walong tinawag nilang Kong-Tractors, o mga kongresistang konektado umano sa mga flood control contractor.
00:12Sabi naman ng ombudsman, may hanggang labin lima pang kongresista ang iniimbestigahan.
00:17Nakatutok si Joseph Moro.
00:19Dalawang putisang kahon ang isinumite ng Independent Commission for Infrastructure, o ICI, at Department of Public Works and Highways, o DPWH sa ombudsman.
00:32Laman nito ang mga kontrata para sa mga proyektong nakuha sa gobyerno ng mga kontraktor na konektado umano sa mga kongresista.
00:39Hinihingi ng ICI na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang walong kongresista na tinawag na Kong-Tractor.
00:47Sinadating Ako Bicol Partylist Rep. Saldico, Construction Workers Solidarity Partylist Rep. Edwin Gargiola,
00:54Usuag Ilonggo Partylist Rep. James Ang, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jet Nisay,
01:00Balacan 2nd District Rep. Agustina Pancho, Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara,
01:06Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas, at Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera.
01:13Dapat mahinto na itong kultura.
01:43Nagpapa-kontrata sa Kongreso.
01:46Rekomendasyon ng ICI at DPWH sa ombudsman na kasuhan sila ng plunder, graft, direct bribery,
01:54paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga opisyal ng gobyerno at Government Procurement Act.
02:00Kasama rin ang paglabag sa saligang batas na nagsasabing wala dapat direkta o indirect ang interes pampinansyal
02:06ang mga senador at kongresista sa mga kontrata sa gobyerno.
02:10Sa investigasyon na ginawa ng ICI at DPWH,
02:151,300 na mga proyekto yan ang nakuha ng mga pinakasuhang kongresista sa loob ng walong taon mula 2016 hanggang 2024.
02:25Lampas 80 billion pesos ang halaga ng proyektong nakuha ng mga kumpanyang konektado sa walong kongresista.
02:31We look at the records, we look at the contracts, we assured we are fair and we will never manufacture any evidence or have come to a wrong conclusion.
02:45Sinusubukan namin kunan ang pahayag si Coe at ng iba pang kongresista.
02:50May hamo naman ang ICI at DPWH kay Coe.
02:53I think we should come here to the Philippines.
02:55Kahit tayo pwede mag-Facebook live. Kahit sino pwede mag-Facebook live.
03:01Ang test dyan, uuwi ba siya o hindi?
03:04Uuwi ba siya o hindi? Yun ang test dyan.
03:07Kung uuwi siya, then sabi nga ni Pangulo, pwede tayo maghagap-hagap.
03:13Walong incumbent at dalawang dating kongresista na ang nare-recommendang kasuhan ng ICI at DPWH sa ombudsman.
03:19Ayon kay ombudsman Jesus Crispin Rimulia, may labindalawa hanggang labindlimang kongresista pa ang iniimbestigahan na mas mabuti raw kung magkukusa ng umamin at makipag-usap sa ombudsman.
03:31That's what we're waiting for. At least while we're actively pursuing cases, unahan na nila kami kasi pag kami nauna, iba na usapan yan.
03:39Hinihingi naman ang makabayan block sa ICI na investigahan ang aligasyon ni Coe na may kinalaman ang Pangulo sa budget insertions.
03:48Confirm the substance of what Zaldico is saying, namely na nagkutos ang presidente ng 100 billion in insertions at nagbigay sila ng kickback sa Malacanang.
04:04Titigil ba ang investigasyon at magko-cover up na ngayong nasasangkot na ang Pangulo?
04:11No comment for that now. I have to also consult the members of the commission before I give a unilateral discussion.
04:23Hinihingan pa namin ang reaksyon ang Malacan niya.
04:26Pero nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na kahit sino naman daw ay pwede mag-online at gumawa ng kung ano-anong aligasyon.
04:32Hinamon pa niya si Coe na umuwi sa bansa at harapin ang mga kaso niya.
04:35Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended