- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30...ay kinasasangkutan ng ilang kongresista.
00:33Ang sagot naman na ilang kongresista, tag-a-propose lang sila ng proyekto.
00:38Saksi, si Sarga Ginaw.
00:43Baha sa labas ng Senado kaninang umaga dahil sa malakas na ulan.
00:47Kaya ang ilang pari at miyembro ng simbahang magpe-prayer rally dapat sa labas ng Senado kinailangan suminong.
00:54Santa Maria, I don't know, Ipanalangin mo kami makasalanan.
00:57Ang kanila pa namang pinoprotesta, ang kontrobersyal ngayong flood control projects.
01:03The crisis of the heart, the crisis of faith, the crisis of moral crisis.
01:10Talagang bumagsak na, hindi na nahihiya yung mga nagnanako sa gobyerno. Talagang garapal.
01:17Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research, may mahigit 1,000 na flood control projects sa Metro Manila na nagkakahalaga ng 52.66 billion pesos.
01:30Sa buong Metro Manila naman, ang City of Manila ang may pinakamaraming flood control projects na nagkakahalaga ng 14.46 billion pesos.
01:40Sa 20 pinakamalaking flood control projects sa Metro Manila, labing tatlo ang matatagpuan sa Maynila.
01:48Kabilang dyan ang installation ng booster pump sa Estero de Magdalena sa Tondo, booster pump sa Estero de Benondo, Estero de Quiapo at iba pa.
01:58Kaya si Manila Mayor Isco Moreno may pasaring kaugnay sa mga flood control projects na tila hindi raw pinag-aralang mabuti kung makakatugon ba talaga sa problema ng baha sa Maynila.
02:08Talagang kami may pinakamalaking flood control project.
02:12Iyang mga programa na yan, walang due notice, wala kaming impormasyon, hindi ipinaalam, hindi nabigyan ng pahintulot ng pamalang lungsod ng Maynila, which ordinarily we will give.
02:31Nanawagan pa siya sa Senado na isama sa investigasyon ang flood control projects sa Maynila na anay ay kinasasangkutan ng ilang kongresista.
02:40District 2, District 3, District 6, alam naman ang mga taga Maynila yan.
02:44They should be investigated also.
02:47Kaya nga welcome ano yan eh.
02:50Welcome development yung ginawa sa Senado.
02:53Ipapagawa ng flood control na hindi tumatakbo o tapos parang wala lang.
02:58Bandang huli, alam mo Sandra, nakakalungkot dito.
03:02Alam mo sino sinisisi ng mga congressman o DPWH.
03:06Kawawan DPWH.
03:07Pero alam din ng mga Pilipino, alam din ng Manilainyo na mahilig makialam ang congressman sa project ng DPWH.
03:16Yan ang katotohanan.
03:17Si Manila 3rd District Representative Joel Chua sinabing nagpo-propose lang naman ang mga kongresista.
03:24Kami, ang trabaho namin, mag-propose ng mga project.
03:28Kalimbawa, yung mga infrastructure na sa tingin namin ay kailangan.
03:32Dahil kada distrito may mga umiikot dyan ng mga district engineer at sila ang tumitingin talaga.
03:38Itinanggi rin ang kongresista ng 2nd District ng Maynila na may kaugnayan siya sa flood control projects.
03:44Puro po hearsay naman si Mayor Isko Moreno eh.
03:47Ang congressman, nagpo-propose lang naman talaga ng project sa DPWH.
03:51Pero para makialam, hindi po ako engineer.
03:54Sa gitna nito, kapwa sinabi ni na Moreno at DPWH, Secretary Manuel Bonoan, na maraming aspeto ang flood management.
04:02Bukod sa pagdaragdag ng pumping stations, kailangan din halimbawa na ayusin ang dinadaluyan ng tubig,
04:09linisin ang mga estero, kolektahin ang mga basura.
04:12Actually, sinasabing namin, yung ginagawa namin ng engineering interventions in Metro Manila
04:18is just part of the flood management program in Metro Manila.
04:22Flooding in Metro Manila ay test to be done collectively and holistically.
04:27I-address naman natin yung waste management.
04:30I-address natin yung mga resettlement ng mga informal settlers.
04:34I-settle natin yung old drainage systems.
04:38Hindi naman namin lahat pa niyan eh.
04:41Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
04:46Sa payag naman ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr.,
04:52sinabi niyang magkakakonekta ang mga daluin ng tubig, drainage at flood control measures sa lungsod gaya ng Maynila.
04:59At hindi raw akman na isingle out ang mga partikular na area o distrito.
05:04Kaya ang panawagan ni Abante, malalim ang embisigasyon.
05:08Sa lahat ng mga flood control projects sa lungsod, hindi lang noong nakaraang termino, kundi mula pa noong 2019 o mas matagal pa.
05:15Hindi lang daw dapat national government projects ang tignan, kundi pati na ang mga ginawa ng LGU.
05:20At dagdag ni Abante, solusyon.
05:22Ang kailangan ng matagamay nila at hindi anya mga soundbite.
05:28Sa Setiembre, inaasang magsisimula ang embisigasyon na binuong komite sa Kamara,
05:32kaunay sa anomalya o mano sa mga flood control project.
05:35Sinagot naman ni Public Works Secretary Manuel Bonoa ng ilang issue,
05:38kabilang ang mga panawagang magbitiw siya.
05:42Saksi, si Joseph Moro.
05:436 ay ilog na ang dinaraanan namin mula Ayala Boulevard hanggang Padre Burgos sa Maynila dahil sa baha.
05:53Lubog ang entrada ng maraming paaralan.
05:56Ang ilang estudyante ay pilit sinusuong ang baha.
05:59Pagdating sa Quezon Boulevard, hindi na makatawid ang maraming sasakyan.
06:03Kasama ang aming news team sa mga naipit sa trapiko.
06:05Galing kami doon sa May Ayala Boulevard, galing sa Maynila kasi gusto namin sana tumawid dito papunta sa May Intramuros.
06:12Pero hindi na namin yan magawa kasi mataas yung tubig.
06:16At yung ilang mga estudyante nga ay naglalakad na lamang.
06:18Yung ibang mga motor, pagkatawid, dito na nagpapahinga.
06:23At sa kabila naman, ito yung papunta ng Ross Boulevard.
06:28Wala nang galawan yung mga sasakyan.
06:33Isa sa mga namorblemang commuter ang senior citizen na si Matilda Silva.
06:37Galing pa siyang Laguna at lumawas ng Maynila para magpacheck up.
06:41Sa Malacanang, sa geriatric center, naging kami tulong doon, doon kami pagpacheck up.
06:47Stranded din, pati si DPW Secretary Manuel Bonoan, napupuntahan sana namin para sa isang panayam kaugnay ng flood control projects.
06:55Sir, pareho tayo ng staxer sa traffic, sa may Quiapo area.
06:59How do you feel about it?
07:02Ayan na tayo.
07:04We're not able to get through up to little difference, may city hall.
07:09Nasa sentro ng issue si Bonoan ay pinapanawagan ng ilang senador na magbitiw sa pwesto.
07:15Sagot ni Bonoan.
07:16Sabi ko nga, I share the pleasure of the president.
07:19The president, the president would actually call me kung anong anything na dapat ako mag-give or resign.
07:27So, wala pa naman sen, no?
07:30Wala.
07:30Nitong Merkulas daw sila huli nagkausap ng Pangulo pagkatapos itong bisitahin ang isang ghost flood project sa Barangay Piel sa Baliwag, Bulacan.
07:39Hindi kasama noon si Bonoan.
07:41He wanted it by himself, actually.
07:43But the basic data information of that project was furnished by us.
07:49He has just instructed me, I believe, to continue yung investigations and to finally come up with cases against people who are involved.
08:02Whether it is the DPWH people, contractors, kung may kailangan sa LG, it's actually...
08:08Ang sabi ng lokal na pamahalaan ng Baliwag hindi raw dumaan ito sa kanila
08:16at walang isinumiteng dokumento sa City Engineering Office o nakipag-ugnayan sa LGU.
08:21Ayon kay Bonoan, base sa internal audit ng DPWH sa mga flood control project ng pamahalaan sa buong bansa,
08:28tila sa District 1 lamang ng Bulacan sila nakakakita ng problema sa ngayon.
08:32Even in Bulacan, there are three engineering districts there.
08:36Three engineering districts, ha?
08:37And if there had been a pattern in the province, you could expect that there are also some ghost projects in other districts.
08:44Wala eh.
08:46Naka-floating status na rao si DPWH Bulacan District 1 Engineer Henry Alcantara at hinihintay na ang sagot nito sa memo.
08:54And if unsatisfactory nakita namin doon,
08:57the set to impose other three sanctions.
09:00Dito sa mga cases na pinag-uusapan natin, actually, ang District Engineering Office lang po eh.
09:09District Engineering Office lang ang mag-implement nito and as the authority actually, it's been given the authority to implement the project.
09:16Every documentation came from then.
09:18Sinusubukan pa namin makuhanan ang pahayag si Alcantara.
09:22Sa Setiambre, inaasa ang sisimula ng House Infrastructure Committee ang investigasyon,
09:28kaugnay sa mga omonema-anumalyang flood control projects.
09:31Sabi ng co-chair nitong si Rep. Joel Chua kung may kasamahan silang sangkot,
09:36baka dapat iba ang mag-imbestiga sa kongresista.
09:39Kung may malilink o may madadawit na mga kasama namin,
09:47siguro mas maganda kung mag-recuse kami.
09:49Para at least, eh, huwag mabigyan ng duda yung aming investigasyon.
09:56Pero sabi ni House Deputy Minority Leader Rep. Antonio Tino,
10:00hindi dapat bigilan ang investigasyon ng Kamara.
10:03Publiko, in the end, ang uhusga kung talaga bang maayos at mahusay na ginagawa ang trabaho nito.
10:14Pagtitiyak ni House Committee on Public Order Chairman Rep. Rolando Valeriano,
10:18wala silang sasantuhin kahit pa may kongresistang mapatutunay ang sangkot sa issue.
10:23We will recommend pagpiling of charges against it.
10:27Wala pong sasantuhin ang kongreso whether member niya o hindi niya member basta nagkamalikan.
10:33Maaari rin daw ito umabot sa pagpapatalsik sa kanilang kasamahan.
10:37Pwede rin daw humarap sa komite ang mga masasangkot sa issue pero hindi sila pwedeng umaktong nag-i-investiga rin.
10:42Mag-inhibit sila doon sa panel of investigators sa komite.
10:46Pero yung ma-inhibit na sila, eh, hindi naman pong masama siguro yun.
10:50Kung ang pinararatangan mo, eh, wala naman talagang alam na ano, matapang yan na aharap.
10:57Dagdag ni Chua Hubble din daw ng investigasyon ng mga tiwaling kontratista.
11:02BOS project, eh, dapat talaga ma-blocklist sila at masampahan ng kaukulang kaso kasama yung mga kanilang kakunchaba.
11:12Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
11:16Nakataas pa rin ang signal number one sa ilang bahagi ng bansa at dahil sa Bagyong Isang at kasama riyan ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet,
11:30Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora at northern portion ng Nueva Ecija.
11:37At magiging maalon din sa seaboards ng Batanes at Cagaya.
11:41Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 80 kilometers, Hilagang Kanlura ng Baknotan, La Union.
11:47At ayon sa pag-asa, magtutuloy-tuloy ang pagtawid ng Bagyong Isang sa northern Luzon hanggang sa makarating sa West Philippine Sea sa mga susunod na oras.
11:55At bukas na umaga o hapon, maaaring nasa labas na ito ng PAR.
12:00Unti-unti rin pinalalakas ng bagyong habagat na magpapaulan din sa ilang bahagi ng bansa.
12:05At hindi pa man nakakalabas ng PAR ang bagyong isang may bagong low-pressure area na nabuo naman sa silang ng Mindanao.
12:12Ayon sa pag-asa, mababa pa ang chance na itong maging bagyo pero magpapaulan sa eastern Visayas at eastern Mindanao ngayong weekend.
12:19Patayin sa babae matapos mabagok ng masuntok umano ng kanyang 15-anyos na anak sa Plaridel Misamis Occidental.
12:28Naagnas na ang bangkay ng 55 taong gulang na babae na matagpuan sa kanilang bahay.
12:33At sa pulisya, umamin ang bulsong anak ng biktima.
12:37Nagkaalitan umanong dalawa na humantong sa panununtok ng suspect sa kanyang ina.
12:41Natumba umano ang biktima at bumugaw ang ulo kaya itinago niya ang katawan at binalon sa plastik.
12:46Nasa kustudiyan na ng Women and Children's Protection Desk ang minodeedad na isa sa ilalim sa drug test at psychological evaluation.
12:55Ay sa mga polis, kahit minodeedad ang suspect, sasampahan siya ng reklamong parasite.
13:00Nasa piskaya na raw ang desisyon kung uusad ang reklamo.
13:03Aalamin kung may discernment ang suspect o kung alam niya ang kanyang ginagawa ng mangyari ang krimen.
13:10Baharin po sa ilang bahagi ng Mindanao dahil naman sa habagat.
13:13Napalusong sa rumaragasang ilog ang ilang residente para maitawid ang isang kabaong.
13:18Saksi, si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
13:24Bit-bit ang isang kabaong.
13:26Nilusong ng ilang residente ng sindangan sa Buanga del Norte ang mataas na ragasan ng ilog sa barangay Dumalugdog kahapon.
13:33Hindi kasi makatawid ang sasakyang maghahatin sana sa kabaong para sa isang nasawing residente.
13:38Problema sa lugar ang kakulangan ng tulay.
13:41Sinusubukan namin makuha ang pahayag ng lokal na pamahalaan kaugnay dito.
14:05Baha rin kahapon sa alisya ng Buanga Sibugay kaya stranded ang mga residente at motorista.
14:10Naperwisyo rin ang baha ang ilang bahagi ng tantangan South Cotabato.
14:22Sa Maguindanao del Norte, tinangay sa ilog ang isang pickup truck sa barangay Pura sa Datuglasin, Suwat.
14:28Ayon sa tourism officer doon, sinubukan ng pickup na tawirin ang ilog dahil mahina paumano ang tubig.
14:35Pero inabot sila ng ragasan ng tubig kaya hindi na nakaalis.
14:38Ligtas ang tatlong sakay ng pickup matapos makatalon palabas.
14:42Dahil naman sa malalakas na alon, tumaob ang isang bangka sa dagat sa bayan ng Sapa-Sapa sa tawi-tawi kaninang umaga.
14:52Ayon sa Sapa-Sapa MDR-RMO, pinasok ng tubig ang bangka matapos hampasin ng alon at masira ang unahan nito.
15:01Nailigtas naman ang limang sakay ng bangka pero nagtamo ng sugat ang isa dahil sa pagi o stingray.
15:09Maulan din ang umaga sa ilang bahagi ng Pangasinan kanina.
15:12Kaya mga residente sa gilid ng Buwed River, particular sa barangay Kayanga sa San Fabian, maagang nakaalerto.
15:19Ang tubig po doon, nung last na bumaha po hanggang po dito sa amin.
15:23Tapos hindi ko lang po dito alam, hanggang dito po yung tubig.
15:26So maingat mo?
15:27Opo, maingat po naman po.
15:28Itinaas ng Pangasinan PDR-RMO kaninang alas 10 ng umaga ang red alert status sa lalawigan.
15:41Hudyat ito ng rekomendasyong pre-emptive evacuation, lalo na sa mga nakatira malapit sa mga river system.
15:47Nakamonitor din kanina ang Office of Civil Defense dahil sa masamang panahon.
15:52Ayon sa pag-asa, habagat at localized thunderstorm ang nagpaulan kahapon sa Mindanao.
15:58Habagat din na sinabayan ng bagyong isang naman ang naka-apekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
16:05Para sa GMA Integrated News, ako si Efren Mamak ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
16:14Dalawang bahay na ginagawa mo ng Scam Hub ang sinalakay ng otoridad sa Bacoor, Cavite.
16:20Saksi si John Cunzuta.
16:21Sabay na pinasok ng NBI, Cavite District North, ang dalawang bahay sa Bacoor, Cavite, na umuloy ginagamit bilang scam hub ng target nilang grupo.
16:34Hop! Hop!
16:35Hop!
16:36Hop!
16:36Kamay!
16:37Kamay!
16:38Kamay!
16:39Kamay!
16:39Kamay!
16:39Kamay!
16:39Kamay!
16:40Kamay!
16:40Hop!
16:40Ang pinton ng isang bahay, pwersa ang binuksan dahil inilak ng nasa loob.
16:48Huli sa akto ang mga Pilipinong suspect habang nag-ooperate ng kanilang computer at gadgets para mang scam umano.
16:54Makatanggap ang ating opisina ng isang intelligence information galing sa isang informante na kung saan napagalaman natin na dalawang residential houses ay ginagamit sa isang tinatawag na love scam or romance scam.
17:12Ayon sa mga nahuli, isang Chinese na nasa ibang bansa ang kanilang boss. Mga European ang tinatarget ng grupo ayon naman sa NBI.
17:19Ini-engage niya ang potential victims sa isang dating application at matapos ito ay sila yunilipat sa isang WhatsApp application at pinapaibig nila at hanggang sa maging mag-boyfriend or mag-girlfriend sila ng potential victims nila.
17:41In the course of their relationship, so-called relationship, may iingganyo nila itong mga potential victims na mag-invest sa cryptocurrency.
17:54Kumpiskado mga laptop, computer, cellphone at script na ginagamit umano ng grupo sa online panluloko.
18:00Sinisikip pa rin namin makuha ang panig ng mga inaresto.
18:03Naharap sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA ang sampung inaresto na may kaparusaan na habang buhay na pagkakabilanggo at multa na di mababa sa 5 milyong piso.
18:16Para sa GMA Integrated News, John Consulta ang inyong saksi.
18:22Kakagawa pa lang pero meron ng nakitang pagguho ang ilang residente sa Dike Project para sa Buswanga River sa Rizal Occidental, Mindoro.
18:29At ang sa barangay chairman, hindi daw magkakadikit ang dike kaya aapaw pa rin ang tubig.
18:35At ang sabi raw sa kanya, kinapos umano ang pondo.
18:39Saksi si Maki Pulido.
18:45Tulad sa Oriental Mindoro, binaharin na mga flood control project ang Occidental Mindoro.
18:51105 flood control projects ang nakalista sa SumbongSapangulo.ph website na may kabuang halaga na mahigit 8.6 billion pesos.
19:01Ang Dike Project para sa Buswanga River, hinati sa 6 na package na pinaghatian ng 4 na construction company.
19:09Kagagawa lang ng portion na ito, gumuho na.
19:11Sa SumbongSapangulo website, noong 2023 pa dapat natapos ang mga proyektong ito.
19:17Pero sa pagkakaalam ng kapitan ng barangay, nitong taon lamang natapos ang proyektong ito.
19:23At pagkatapos lang ng ilang buwan, ay gumuho ang portion na ito ng dike dahil sa pagragasa ng tubig sa ilog.
19:31Nagsimula ang proyektong ito, 2023 hanggang sa kasalukuyan na gumagawa ang proyektong ito.
19:40May gumuho na nga, hindi pa magkakadikit ang mga dike project, kaya aapaw din ang tubig, sabi ni kapitan.
19:47Nang minsan daw niyang tanungin kung bakit putol ang dike, sabi raw sa kanya, kinapos ang pondo.
19:52Tanong ko minsan yung isang engineer ng DPWH, hindi nadugtong ang dalawang project na ito magkasunod dahil sa kumapos ang pondo, dahil doon sa kanilang design.
20:03Ang alam ko dyan ay a sunwest construction.
20:07Tulad sa Oriental Mindoro, Sunwest Construction Inc. din ang nakacorner ng pinakamalaking pondo sa Occidental Mindoro.
20:15Mahigit 2 billion pesos sa Oriental, mahigit 1 billion naman sa Occidental.
20:21Dahil walang koordinasyon sa LGU at walang mga karatula na may detalya ng proyekto, limitado ang alam ng LGU.
20:28Iba-iba yung design. May manipis, mababa, tapos sunod mahaba, tapos may putol. Iba-iba yung lapad, yung buhangin, yung taas.
20:39Sa mga gumagawa ng flood control project, sana raw isipin silang mga binabaha.
20:44Dahil tuwing nasasalanta ang kanilang mga pananim, hindi sila nakakakain.
20:48Ang pakiusap po lang po, sana sa mga may project po dito, sana ayusin ng maayos para maiwasan na po yung naranasan namin ang bahay.
21:02Hinihingan namin ang pahayag ang Sunwest Construction at ang lokal na tanggapan ng DPWH.
21:07Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
21:11Naglabas naman ang payag ang Sunwest Incorporated uko sa flood control project nito sa Barangay Aguas,
21:18sabayin din ang Rizal sa Occidental Mindoro.
21:21Anila tinatayang tatlo hanggang apat na metro lang ang crack sa flood control project sa Barangay Aguas.
21:26At wala pa raw yung isang porsyento ng kabuang haba ng proyekto na 567 meters.
21:32Gayun man, sisimula na bukas ang pagkukumpuni at inaasama tatapos sa susunod na linggo.
21:37Itinangin din ang Sunwest Incorporated ang aligasyong gumuko ang dyke projects nito.
21:42Maliba daw sa maliit na crack sa Barangay Aguas, Dyke,
21:46wala umunong pinsala ang dalaw pang flood control projects ng kumpanya sa bayan ng Rizal at San Jose.
21:51Sa kanyang homily sa solemn declaration of the National Shrine of Our Lady of Aranzasu sa San Mateo, Rizal,
21:57nagpasa rin si Luis Antonio Cardinal Tagli sa mga ganid at sangkot sa korupsyon.
22:02Saksi si JP Sariano.
22:06Pagiging ganid at makasarili ayon kay Luis Antonio Cardinal Tagli ang tinik sa buhay ng mga Pilipino.
22:15Inahelin tulad ni Cardinal Tagli ang matitinding pagbaha at pagkasira ng kalikasan sa korupsyon.
22:21Kaunting ulan, nagiging mistulang dagat kapag nawalan ng responsibilidad.
22:30Kapag namayani ang pagkaganid, nasisira ang lupa, nasisira ang dagat, nasisira ang kalikasan.
22:40At ang ating mga trabaho, madadaggagampan ng korupsyon ang bunga tinik.
22:48Walang binanggit si Cardinal Tagli kung sino-sino ang mga ganid at sangkot sa korupsyon.
22:53Pero ang pagbabalik niya sa Pilipinas na taon sa ginagawang investigasyon sa mga umanoy maanumalya at ghost flood control projects,
23:01may pasaring pa ang Cardinal sa anya't kamay na matitinik na siyang sanhinampagkagutom na mga mamamayan.
23:09Kapag tinik na may nagugutom, kailangan natin si Jesus at kailangan malinis na kamay.
23:19Naligtarin po natin limang libong tinapay at lima lang yung pakakainil.
23:26Kapag yung limang libong tinapay dumaan sa mga kamay na matitinik,
23:35yung limang tao na yun, magugutom yun.
23:40Ang problema ito, di na lang daw nangyayari sa Pilipinas, kundi sa iba't ibang panig ng mundo.
23:46Kung iyan ay i-address atin sa Pilipinas, salamat at maging halimbawa at liwanag sana sa iba rin na humaharap sa ganitong sitwasyon.
23:56Nakabase na sa Roma si Cardinal Tagli na itinalaga ni Pope Leo XIV bilang titular bishop of the Suburbarian Diocese of Albano.
24:06Bukod sa pangunguna sa solemn declaration of national shrine ng Our Lady of Aranzasu,
24:12may ilan para mahalagang pakay si Cardinal Tagli.
24:15Kaya ako umuwi itong buwan na ito ay dahil sa wedding anniversary ng mga magulang ko, 69th anniversary.
24:24Siyempre, kasama na rin ng pagbisita sa pamilya ay itong pagbisita sa iba't ibang lugar.
24:30So it's always good to be home.
24:32Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
24:37Good vibes ang hatid ng tricks at skills ng ilang alagang aso.
24:48At ang isa po sa kanila talagang maaasahan, ating saksihan.
24:54Help mama!
24:55Isa-isang pinasok sa loob ng bahay ng asong sisko ang mga pinamili ng kanyang fur parent.
25:00Dali, balik ka agad dito, dali!
25:02Kahit ano pa yan at gaano kabigat, aba, sige, pagpuhat sisko.
25:11Dahan-dahan, kahinug yan!
25:13Sana all, madaling putusan.
25:15Lilit nga ng ilang netizens, mas masipag pa ang pitbull na sisko kaysa sa mga anak nila.
25:22Ito namang isa pang bidabida ang 7-month-old mixed breed dog na si Shanks mula Quezon City.
25:28Jump, jump, jump!
25:30Isang sabi lang ng jump, talon-talon siya.
25:39Instant performer na kinaaliwan ng mga kapitbahay.
25:43Yung cash mo nandyan, tawagin ko ba?
25:47Ito namang si Laila, tila napipikon sa pang-aasar.
25:50Tawagin ko.
25:53Ayawang.
25:54Ayawang.
25:55Ayon kay Hughes Cooper, kay Lynn Retuya, tila crush kasi ni Laila ang lalaking aso malapit sa katilang bahay.
26:01Pero kapag andyan si crush, kunto the aura.
26:04Aura yun.
26:06Sabi nung ngiti.
26:07Fierce?
26:08May pa-fierce?
26:10Yee, puppy love.
26:11Ito namang dalawang aso sa Lipa, Batangas, abay huwag ka sa pagtuturuan.
26:16Sina ngat-ngat nito?
26:18Si Jero?
26:21Hinahanap kasi ng kanilang fur parent kung sino ang sumira ng water bill.
26:25Pero dahil hindi na nalaman ni Hughes Cooper Robert Solis kung sino ang guilty, pareho na silang may punishment.
26:32Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
26:39Back together ang Team Barda ni Barbie Forteza at David Licauco.
26:43Sa susunod na linggo, mapapanood si David sa serya ni Barbie na Beauty Empire.
26:49At masayang araw si David dahil na-miss niya rin yung katrabaho sa actingan si Barbie.
26:54Isa pang pinaghahandaan ni David ay ang pagsabak sa hardcourt.
27:00I'll be playing basketball sa Fibolite Quest which I'm really looking forward to.
27:04Something na matagal ko ng pangarap.
27:07So now na, you know, like I'm getting to play, especially playing with mga players na professional and international.
27:19Salamat po sa inyong pagsaksi.
27:20Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaking mission at sa mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
27:27Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
27:31Hanggang sa lunes, sama-sama po tayong magiging.
27:34Saksi!
27:35Mga kapuso, maging una sa saksi.
27:42Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
27:47Muga.
27:47Muga.
27:48Muga.
Comments