Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
01:00Sa Facebook Live ni Roque kahapon,
01:03Meron po po akong 15 araw para mag-file ng motion for reconsideration at nag-file po ako ng motion for reconsideration.
01:10Dagdag ni Roque hindi siya pwedeng arestuin dahil nag-a-apply siya ng political asylum sa the Netherlands.
01:15Ang pag-ingi po na asylum ay karapatang pang tao. That is a justifiable means po of why I am away from jurisdiction of the Philippines.
01:24Wala pong ebidensya na ako'y nag-recruit na kahit sino para pagsamantalahan ang kanilang trabaho.
01:30Pero sa anunsyo ng DFA kanina, kinansala na ang passport ni Roque, kinatawan ng Lucky South 99 na si Cassandra Ong at tatlong iba pa.
01:38Our understanding of the passport law is that if there's a court order declaring the passport holder as a fugitive, the DFA can take action and implement the order.
01:47Itinanggi rin ni Roque ang mga lumabas na ulat na inaresto siya sa the Netherlands.
01:52Sabi ni Roque may flight siya ngayong araw patungo sa Vienna, Austria.
01:56Nang tanungin kung posible nga ba makabiyaya si Roque dahil cancelado na ang passport nito,
02:01sabi ng DOJ hindi raw ito posible kung wala siyang valid passport.
02:05At pwede siyang hulihin ng immigration authorities at maaring madetain ng anumang bansa kung gawin niya ito.
02:11Ang DILG wala rin natanggap na opisyal na komunikasyon na kumukumpirma sa pag-aresto kay Roque.
02:18Tingin ang DOJ walang basihan ang paghingi niya ng asylum.
02:21At the end of the day, he has to demonstrate and establish to the authorities na he is being persecuted here.
02:31There is no persecution but he is evading prosecution.
02:34Ayon sa DOJ, nagkalok sila ng isang milyong pisong pabuya para sa informasyong makatutulong upang ma-aresto si Cassandra Ong.
02:41We confirmed that we're having difficulty precisely. The reward is basically crowdsourcing ito.
02:48With the current information we have, we don't have enough.
02:51Batid naman po natin sa nakalipas may kakayanan na umikot, malaw, makalabas at pumasok ng Pilipinas na hindi natutukoy.
03:05Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission of PAOK, huling natrack si Ong sa Japan sa unong bahagi ng taon.
03:12Nasa red notice na rin umano ng Interpol si Ong, nangangahulong ang tutulong ito sa pag-aresto sa kanya.
03:18Pero sabi ng DOJ walang record na lumabas si Ong sa bansa.
03:21Baka nag-backdoor, isa po siya talaga dun sa principal, isa siya dun sa may malalim na kaalaman sa kasong nangyari.
03:34At tulad ng sinabi ko, kaya rin tayo nag-offer ng reward, kulang pa ang aming impormasyon.
03:43Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Ong na diversionary tactic o muno ang hakbang ng DOJ.
03:49Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
03:54Nawalan po na tirahan ng ilang residente dulot ng paghagupit ng Bagyong Verbena sa Bacolod City.
03:59At sa Negros Oriental, nawawala ang isang senior citizen matapos mahulog sa inog.
04:05Saksi live, si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
04:09Aileen?
04:11Pihay hindi pa nga nakakabangon sa pananalasan ng Bagyotino.
04:15Muli na namang binaha ang Bacolod City kaninang umaga.
04:18Ang mga kabahayan hindi lang pinasok, hindi inanod ng rumaragasang tubig baha.
04:22Natumba ang motoristang ito habang tinatawid ang rumaragasang tubig sa Barangay Buena Vista sa Ginhungan City, Negros Oriental.
04:34Umapaw ang spillway sa lugar, kaya tulong-tulong ang mga residenteng makadaan sa mga binahang kalsada.
04:40Sa Barangay Pakuan sa Libertad, napasigaw ang babaeng ito nang masaksihan ang pagkahulog ng ama sa rumaragasang ilog kahapon.
04:48Natangay ng tubig ang 61 taong gulang niyang ama habang tumatawid sa umapaw na spillway kahapon.
04:54Ayon sa kanyang anak, namumulot ang ama ng panggatong ng matangay ng rumaragasang ilog.
04:59Di pa rin siya nahahanap.
05:01Binahari ng ilang kalsada sa Calnaon City.
05:05Umapaw ang ilog sa Binalbagan Bridge, kaya inabot ng tubig ang ilang bahay.
05:10Nauna namang nagpatupad ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan.
05:13Umapaw rin ang ilog ng Barangay Arribasore sa Bayan ng Mabinay, kaya di madaanan ang spillway.
05:22Binahari ng ilang bahay at ang National Road sa Tanhay.
05:26Baha at landslide din ang naminsala sa Valle Hermoso.
05:29Dahil sa Bagyong Garbena, ganito kalakas ang ragasan ng baha sa Barangay Madalagan sa Bacolid City.
05:41Nagmistulang ilog ang mga kalsada sa puro Carvic kaninang alas 7 ng umaga.
05:45Abot baywang ang tubig sa loob ng ilang bahay.
05:47Sa lakas ng Agos ng tubig, natangay ang bahay na ito mula sa Barangay Villamonte papuntang Barangay 41.
05:58Ayon kay U-Scooper Kent Ragoro, nakalabas naman ang mga nakatira sa bahay bago ito anurin.
06:03Sa Barangay 39, napaakyat sa bubong ang ilang residente.
06:07Ganyan din ang sitwasyon ng mga taga-Barangay Singkang Airport.
06:11Lampas tao ang tubig sa ilang bahagi ng barangay, kaya gumamit ng rubber boat ang mga rescuer ng Red Cross.
06:16Maingat na inalalayan ang mga residente yung nasa bubong dahil malapit na sa mga kawad ng kuryente.
06:22May mga bahay rin inanod ng bahas sa Barangay 40.
06:25Masakit eh.
06:28Grave sa nisa, wala gagami may na, ano,
06:32haukas, itinan balay naman.
06:34Ang bayo, gamit, lamisa, bangko, electric pan, tanan-tanan, wala.
06:40Agad nagsagawa ng rescue operations ng LGU kasama ang BFP.
06:44Mabilis ding tumaas ng tubig sa Barangay Banago,
06:47kaya nagsagawa ng rescue operations doon ang Coast Guard.
06:5026 na barangay sa buong lungsod ang binaha mula kahapon hanggang kaninang umaga.
06:55Mahigit siyam na raang pamilya ang lumikas ayon sa LGU.
06:58Ang ilang taga-Barangay Singkang, sa simbahan muna tumuloy.
07:01Well, baki ang kapangadaan.
07:04Sakit pa akong mga tiildo, niyo ko tindog.
07:07Halong sa balagay na huwag kapamahaw, kabataan.
07:11Huwag pa kami kao, huwag kami kitinga.
07:13Siyempre, eh kasubo, huwag pagani nag-abot ang ayuda,
07:17sang tino, lai naman nga bagyo ang nag-abot.
07:19Binaha naman ang ilang pangunahing kalsada sa Iloilo City.
07:23Sa Huervana Street sa La Paz,
07:24sinuong ng ilang residente ang baha para makuwi mula sa trabaho.
07:28Ang ilang papasok pa lang sa trabaho,
07:33matagal naghintay na masasakyan
07:35dahil kaunti lang ang mga jeep na bumiyahe.
07:47May mga lumikas din sa baha sa Barangay López High na Norte.
07:51Tumas din ang level ng tubig sa ilang creeks sa lungsod.
07:54Suspendido pa rin ang mga biyahe ng ilang sakayang pandagat
07:56sa ilang pantalan sa Western Desayas.
07:58Ayon sa Philippine Coast Guard,
08:00stranded ang siyam na raang pasahero
08:02at halos apat na raang rolling cargo.
08:05Sa Tubangas Port,
08:06humaba pa ang pila ng mga stranded na cargo truck.
08:09Pia, may pabugso-bugsong ulan pa rin na nararanasan dito sa Bacolid City
08:18kaya nakaalerto ang CDRRMO lalo na sa mga flood prone areas.
08:22Paalala ng LGU na lumikas na ng maaga,
08:25lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at dakat
08:27na hindi pa rin nakapag-evacuate sa mga oras na ito.
08:31Mula dito sa Bacolid City,
08:32ako sa Aileen Pedreso ng Jemmy Regional TV,
08:34ang inyong saksi.
08:35Mga kapuso, lumakas at naging tropical storm
08:40ang Bagyong Verbena.
08:41Inaasaan itong muling mag-landfall
08:43sa hilangang bahagi ng Palawan ngayong gabi.
08:45Nakataas ang signal number 2 sa Calamean Islands
08:48at dulong hilagang bahagi ng mainland Palawan.
08:51Signal number 1 naman sa Occidental Mindoro,
08:53Oriental Mindoro at timog na bahagi ng Guglod.
08:56Pati na po sa hilaga at gitnang bahagi ng Palawan
08:59kabilang ang Kuyo at Cagayansilio Islands.
09:02Ganyan din sa Antike at sa hilagang kanlurang bahagi ng Aplan.
09:04Huling namataan ang sentro ng bagyo
09:07sa ibabaw ng dagat sa Linapakan, Palawan.
09:09Kumikilos po ito,
09:10pahilagang kanluran at posibde ang malalakas na ulan
09:13hanggang bukas ng hapon
09:14sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan.
09:18Ganyan din po sa Marinduque, Romblon,
09:20Camarines Norte, Camarines Sur,
09:23Catanduanes, Albay, Aklan at Antike.
09:26Sheer line naman ang magpapaulan sa Apayaw,
09:28Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
09:32Pati na rin po sa Kalinga, Mountain Province,
09:35Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Bulacan, Metro Manila,
09:39Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.
09:43Gino nita ng Embahada ng State of Palestine
09:45ang International Day of Solidarity with the Palestinian People.
09:49At sa akin pong panayam,
09:50kay Palestinian Ambassador Munir Anastas,
09:53umaasa po siyang manindigan ng ibang bansa,
09:55tulad po ng Pilipinas,
09:56para matigil na ang karahasan sa Palestine.
10:00Ating saksihan.
10:00Sa pag-uritan ng International Day of Solidarity with the Palestinian People,
10:08inaalala ang Resolution 181 o Partition Plan
10:11na inaprobahan ng United Nations noong 1947
10:14para isulong ang pagtatatag ng two-state solution
10:18o isang Arab state at isang Jewish state sa Palestine.
10:21Binoong ang Partition Plan bilang solusyon noon
10:24sa hidwaan sa pagitan ng Arab at Jewish population ng Palestine
10:28na nasa ilalim pa noon na mandato ng Britanya.
10:31It is the first time ever that Palestine celebrates
10:36these two events in the Philippines
10:38which means since the opening of our embassy here,
10:42we didn't celebrate the National Day
10:44or the International Day of Solidarity.
10:47This is the first time.
10:48Noong nakaraang linggo lang,
10:49ang inaprobahan ng UN Security Council
10:51ang resolusyon na Amerika
10:52na nage-endorso sa 20-point plan
10:54ni U.S. President Donald Trump para sa Gaza.
10:57Kabilang ang pagbuo ng tinatawag na Board of Peace
11:00at International Stabilization Force.
11:03Hindi pa malinaw ang ibang detaly ng peace plan
11:05pati na ang implementasyon nito.
11:07The most important thing for us in this plan
11:11was the end of the genocide
11:15of killing our people in Gaza
11:19and allowing the humanitarian aid
11:22which means ending also the starvation,
11:25the famine in Gaza.
11:27These were essential for us.
11:29Now for the rest,
11:31it remains discussable of course.
11:32Sa isang opisyal na pahayag,
11:34sinabi naman ng Israel na naniniwala silang
11:36makakatulong ang peace plan
11:38sa pagkamit ng kapayapaan at prosperidad sa regyon.
11:42Umaasa naman si Ambassador Anastas
11:44na maninindigan ang ibang bansa tulad ng Pilipinas
11:47para matigil na ang karahasan sa Palestine.
11:51Mailap ang pangmatagalang kapayapaan
11:53sa pagitan ng Israel at Palestine
11:54pero umaasa ang dalawang partido
11:57na makakamit din nila ito
11:58matapos ang mahabang panahon.
12:00Mapapanood at mapapagigan po
12:03ang aking buong panayam
12:04ngayong Sabado
12:05sa Power Talks with PR Kanghel
12:07sa Spotify, Apple Podcasts
12:09at sa lahat po ng streaming platform
12:11ng GMA Integrated News.
12:14Samantala,
12:15kinestisyon ni Sen. Ping Lakson
12:17ang pagtaas umano ng pondo
12:19ng Assistance to Individuals in Crisis Situations
12:21tuwing taon ng eleksyon.
12:23Dalawang distrito sa Davos City
12:25ang nakakuha ng pinakamalaking pondo
12:27para dito ngayong taon.
12:28Saksi si Jonathan Andal.
12:33Sa deliberasyon ng plenaryo sa Senado
12:35sa budget ng DSWD,
12:37tanong ni Sen. Ping Lakson,
12:39bakit daw tuwing may eleksyon
12:40tumataas ang pondo
12:42ng Ayudang Assistance to Individuals
12:44in Crisis Situations o AICS?
12:46Ang AICS ay isang social welfare program
12:48ng DSWD
12:49na nagbibigay ng medical assistance,
12:52burial, transportation, education,
12:54food or financial assistance
12:55sa mga kwalipikadong individual.
12:58Sabi ni Lakson,
12:59ang 23.6 billion na pondo
13:01ng AICS noong 2021
13:03tumalon sa 39.8 billion
13:06noong 2022 na election year,
13:09bumaba sa 36.8 billion noong 2023,
13:12bumaba ulit sa 34.3 billion noong 2024,
13:16pero ngayong 2025 na election year ulit,
13:19lumobo na naman ang AICS
13:20sa 44.4 billion pesos.
13:22Ginagamit ito sa politika,
13:26not really intended
13:28na tulungan yung talagang nangangailangan.
13:32So hindi ito driven ng needs,
13:35kundi driven ng politics.
13:38Baka maraming legislators
13:41na nagre-request pag election year,
13:43di ko alam, no?
13:44Baka ganun,
13:45baka ganun ang nangyayari.
13:46That's exactly my point,
13:47Mr. President.
13:48Ayon kay Lakson,
13:49ngayong 2025,
13:50ang pinakamalaking nakakuha ng pondo ng AICS
13:53ay ang Davao City,
13:551st at 2nd District,
13:56habang ang may pinakamaliit na AICS funds
13:59ay sa Sulu,
14:001st at 2nd District.
14:01Ang tanong ko,
14:03anong crisis meron sa Davao City
14:05na wala sa Sulu?
14:07Let's be clear,
14:08the crisis referred to in AICS
14:10are personal crisis.
14:12When we speak of these areas,
14:14I would say,
14:15Mr. President,
14:16all over the country,
14:18there are families in crisis,
14:20personal crisis.
14:21Ang kapatid ni Vice President Sarah Duterte
14:24na si Representative Paulo Duterte
14:26ang nanalo noong eleksyon 2025
14:28sa Davao City 1st District,
14:30habang ang pamangkin niyang
14:31si Representative Omar Duterte
14:33ang nanalo sa 2nd District.
14:35Pero sabi ng Vice Presidente
14:37na gamit daw talaga ang AICS
14:38para pondohan umano
14:40ang mga congressional candidate
14:42ni dating House Speaker
14:43Martin Romualdez.
14:44Dito, makikita natin
14:46na ginamit ang AICS
14:48para sa politika.
14:51Ginamit nila ang AICS
14:52to fund congressional candidates
14:57that were backed up
14:58by Speaker Martin Romualdez.
15:03Sinusubukan pa namin kunin
15:04ang panig ni Romualdez.
15:05Hiling naman ang Vice,
15:06tignan din kung magkano
15:08ang nakuhang pondo ng AICS
15:09sa iba pang congressional district
15:11na may kongresistang pumirma
15:12sa impeachment complaint
15:14laban sa kanya.
15:15Meron ng congressman
15:16na nagsabi, di ba,
15:18na yung budget
15:20hinamit
15:20para bayaran sila
15:22para pumirma
15:23sa impeachment.
15:25Hindi lang sa
15:26flood control projects
15:28o hard projects,
15:29meron ding binigay
15:30galing sa soft projects
15:32tulad ng AICS.
15:33Ang payo ni Sen. Laxon
15:35sa mga taga-DSWD,
15:36huwag nang hayaan
15:37ang mga politiko
15:38na manghimasok
15:39sa mga pamimigay
15:40ng ayuda ng ahensya.
15:42Para sa GMA Integrated News,
15:44ako si Jonathan Andal,
15:45ang inyong saksi.
15:47Kinilala po
15:48ng Climate Change Commission
15:50o CCC
15:51ang GMA Network
15:52at GMA Integrated News
15:53para sa naging papel nito
15:55sa pagpapalaganap
15:57ng mahalagang informasyon
15:58tungkol sa nagbabagong klima.
16:00Di nalakay
16:01ang mga napapanahong issue
16:02kagunay ng Climate Change
16:03sa pamamagitan ng special series
16:06ng GMA Integrated News
16:07na Banta ng Nagbabagong Klima.
16:11Pumirma rin
16:11ang GMA Integrated News
16:13sa Commitment Wall
16:14para protektahan
16:15ang kalikasan
16:16at patuloy
16:17na labanan
16:18ang climate change.
16:20Bukit po sa GMA Network,
16:21kinilala rin
16:21ang iba pang institusyon
16:23na may mahalagang
16:24kontribusyon
16:24para labanan
16:25ang banta
16:26ng nagbabagong klima.
16:28Ang kay CCC Vice Chairperson
16:30at Executive Director
16:31Robert Borje
16:33patunay ito
16:34sa matibay
16:35at sama-sama aksyon
16:36mula sa iba't-ibang sektor
16:38ng lipunan.
16:40Mga kapuso,
16:41isang buwan na lang,
16:43Pasko na,
16:43kaya kaliwat-kanan na
16:44ang Christmas display
16:46hindi na po sa Pilipinas
16:47kundi maging
16:48sa iba pang panig
16:49ng mundo.
16:50Ating saksihan.
16:51Hindi lang mga bulaklak
16:56at halaman,
16:57kundi isang katutak
16:58na Christmas lights
16:59ang palamuti
17:00sa harding ito
17:02sa Kalasyao,
17:02Pangasinan.
17:03May Korean fields pa
17:05dahil sa mga lantern
17:06na nakasabit
17:07sa mga puno.
17:082021,
17:09nangbuksan
17:10na mga may-ari
17:11ng harding
17:11ang kanilang bakuran
17:13sa publiko.
17:14Libre
17:14ang pagbisita.
17:16Yung Christmas garden
17:17na ito is
17:18it began
17:19many years ago.
17:21So,
17:22it was original
17:23my grandmother's
17:24yung siya yung
17:26may alam nito talaga.
17:28She loves decorating
17:29and always love
17:32spreading happiness.
17:33Ang ibang bisita
17:34dumayo pa
17:35mula sa ibang bahagi
17:36ng Pangasinan.
17:37Napapawaw po.
17:38Wow po sa ganda.
17:40Opo.
17:40Kasi po,
17:41hindi po namin
17:42in-expect na ganito po
17:43yung mga ano namin.
17:45Habang papalapit
17:46ang Disyembre,
17:47parami na ng parami
17:48ang mga Christmas lighting
17:50at display
17:51hindi lang
17:51sa Pilipinas.
17:54Kundi maging
17:55sa ibang bahagi
17:56ng mundo
17:57gaya sa
17:58Lesbon, Portugal,
17:59Paris, France,
18:02Barcelona, Spain,
18:07at London, UK.
18:12Sa Dortmund, Germany,
18:14ipinagmamalaki
18:15ang kanilang
18:16giganteng Christmas tree
18:18na 45 meters
18:19ang taas.
18:20Gawa raw ito
18:21sa 1,200 red
18:23spruce trees
18:24may bigat
18:25na 40 tons
18:26at pinailawan
18:28ng mahigit
18:28138,000
18:30lead lights.
18:31Ang Anghel
18:32sa Toktok nito
18:33may taas
18:34na 4 metro.
18:36Ayon sa kanilang
18:36lokal na pamahalaan,
18:38ito na
18:38ang pinakamataas
18:39na Christmas tree
18:40na gawa
18:41sa mga totoong puno.
18:43Bagamat wala pang
18:44nagkukumpirmang
18:45organisasyon
18:45kung nakamit
18:46ang kanilang
18:47giant Christmas tree
18:48ng bagong
18:49world record.
18:51Para sa GMA
18:52Integrated News,
18:53ako po si JP Soriano,
18:55ang inyong
18:55saksi.
18:58Salamat po
18:59sa inyong pagsaksi.
19:00Ako po si Pia Arcangel
19:01para sa mas malaki
19:03misyon
19:03at sa mas malawak
19:04na paglilingkod
19:06sa bayan.
19:07Mula po sa
19:07GMA Integrated News,
19:09ang News Authority
19:10ng Pilipino.
19:12Hanggang bukas,
19:13sama-sama po tayong
19:14magiging
19:15saksi!
19:20Mga kapuso,
19:22maging una sa saksi.
19:23Mag-subscribe sa
19:24GMA Integrated News
19:25sa YouTube
19:26para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended