Skip to playerSkip to main content
Pansamantalang umalis sa tanggapan ng NBI si Sarah Discaya para humarap sa Office of the Prosecutor ng Malabon. Kaugnay ‘yan ng reklamo ng city hall dahil sa wala umanong permit na demolition at construction ng kumpanya ng mga Discaya sa isang city property.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pansamantalang umalis sa tanggapan ng NBI si Sarah Diskaya para humarap sa Office of the Prosecutor ng Malabon.
00:09Kaung na yan ang reklamo ng City Hall dahil sa wala umanong permit na demolition at construction ng kumpanya ng mga Diskaya sa isang city property.
00:20Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:22Bantay sarado si Sarah Diskaya ng payagang umalis sa NBI hanggang dumating sa Office of the City Prosecutor sa Malabon City pasado las 12 ng tanghali.
00:35Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya ng temporary release para makadalo sa pagdinig kung may kinakaharap siyang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at theft o pagnanakaw.
00:45Violation of RA-3019 as well as the light felony of theft. As to the specifics po, hindi ko po maibibigay kasi sa local na po yan eh.
00:56Sinagot ng DOJ ang issue sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya na voluntaryong sumuko sa NBI matapos ang pahayag ni Pangulong Marcos na lalabas na ang warrant of fare sa kanya kaugnay naman ng mga ghost flood control projects sa Davao Occidental.
01:11The fact na her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure that she or any person involved in these cases are held accountable.
01:25Wala pong preferential treatment.
01:27Alauna ng hapon ng pagdinig pero pagkalimang minuto lang ay dali-dali ring umalis si Diskaya at mga bantay na tauhan ng NBI. Hindi siya nagbigay ng pahayag.
01:36Bantay sarado pa rin si Diskaya ng NBI pagdating sa headquarters ng ahensya.
01:40Ayon sa NBI, anumang oras, maaari namang umalis ng NBI si Diskaya lalot wala pa namang warrant of arrest na inilabas laban sa kanya.
01:48Naon ang binanggit ng kampo ni Diskaya na para sa kanyang seguridad kaya anilas sumuko si Diskaya sa NBI.
01:55Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended