Skip to playerSkip to main content
Sugatan ang isang lalaki sa Tondo, Manila matapos siyang hatawin ng dos por dos sa ulo! Ayon sa suspek, nagbanta umanong mamamaril ang biktima.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugatan ng isang lalaki sa Tondo, Manila, matapos siyang hatawin ng 2x2 sa ulo.
00:05Ayon sa suspect, nagbantao mo nung mamamaril ang biktima.
00:10Nakatutok si Jomer Apresto.
00:17Pagmasdang maigi ang lalaking yan na tila may kinokumpronta sa bahagi ng Happy Lands sa Tondo, Manila,
00:22madaling araw nitong biyernes, isang lalaki ang biglang sumulput sa likuran
00:26at hinataw ang ulo ng lalaki na agad bumulagta.
00:29Gamit ang pedicab, isinugod sa ospital ang 29-anyos na biktima.
00:33Ayon sa tatay ng biktima, malala ang tinamong pinsala sa ulo ng kanyang anak
00:37na kinakailangang operahan sa lalong madaling panahon.
00:40Pero kailangan daw nila ng dalawang bag ng dugo para masimula ng operasyon.
00:44Sa kwento pa ng tatay, nag-ugat ang gulo.
00:47Matapos siyang mabastusan sa pagsagot ng mga kaibigan ng sospek
00:49at aminadong nasaktan niya ang isa sa kanila.
00:52Nakarating sa kanyang anak ang nangyari na sinubukan lang umano siyang ipagtanggol.
00:56Pala isipan daw sa kanila kung bakit hinataw ng sospek ang kanyang anak
00:59gayong hindi naman siya ang nasaktan.
01:02Ang tanong ko, bakit nang ialam?
01:03Eh hindi naman siya yun ang inano kong tao.
01:07Intention talaga nila ng paluhin yun.
01:09Matapos yan, agad naman daw sumuko sa mga otoridad ang 19-anyos na sospek
01:13noong hapon din ang Biernes.
01:15Narecover din ang dos por dos na ginamit niya sa krimen.
01:18Sa kwento ng nanay ng sospek, una kasing pinagbintangan ng tatay ng biktima
01:21ang isa sa mga kaibigan ng kanyang anak na nanakit sa kanyang pamangkin.
01:25Pagkatapos ay sinaktan daw nito ang isa sa kanila bago umuwi.
01:29Ilang saglit lang, nagulat na raw sila nang biglang lumabas ang biktima
01:32na naka-inom noong mga oras na yun.
01:34Nagwawala na rin po tapos pinagbabantaan po silang babariling isa-isa.
01:38Yung anak ko po, siyempre parang sabi niya po sa akin,
01:42nagdilim na raw po yung paningin niya kasi bukod sa sinapak na po yung tropa niya,
01:47ginanong pa daw po sila.
01:49E yung bata na po, yung tao po yung parang pabalik-balik na lang din po sa ano yun.
01:55Kulu nga kasi.
01:56Humingi naman siya ng paumanhin sa pamilya ng biktima.
01:59Sinisikap din daw nilang maghanap ng pera para may maibigay kung sakali
02:02para sa gasto sa ospital.
02:04Nasa kustodiyanan ng Manila Police District ang sospek
02:06at naharap sa kasong frustrated murder.
02:09Sinusubukan pa namin siyang makuhanan ng pahayag.
02:12Para sa GMA Integrated News,
02:14Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended