Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Huli-cam ang mismong pagguho ng isang tatlong palapag na bahay sa Maynila. Malapit ito sa creek at tinitirhan ng 30 tao.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Holy Cam naman ang mismong pagguho ng isang tatlong palapag na bahay sa Maynila.
00:07Malapit ito sa creek at tinitirahan ng tatlongpong tao.
00:12Panoorin sa pagtutok ni Tina Panganiban Perez.
00:18Nagtipon-tipon ang mga taga-barangay 684 sa Paco, Manila
00:22sa labas ng isang bahay sa Santiago Street, nakatabi ng creek.
00:26Bandang 3.30 ng hapon kahapon.
00:30Nangyari na ang kanilang pinangangang bahay.
00:34Mahigit tatlongpong individual ang nakatira sa gumuhong bahay na gawa sa light materials.
00:40Ang pamilya ni Juan Guilubian ang nakatira sa ground floor,
00:43habang ang pamilya ng mga kapatid niya ang nasa second at third floor.
00:48May mga sanyales daw na posibleng bumigay ang kanilang tirahan,
00:52kaya lahat daw sila ay nakalabas bago ito tuluyang bumagsak.
00:56Naririnig ko na lumalangit-ngit, lalo na pag naglalakad sila sa taas.
01:01Bandang 3pm, parang may nadulas ata sa taas.
01:06Parang nagalaw yung dingding dito.
01:10Parang napunit talaga yung hardyflex nila.
01:15Parang napupunit ng ganun.
01:17Tapos yung dos-purdos na nakakapit dito sa side na ito, parang natanggal na rin.
01:24Kahit na nandito ka sa baba, mararamdaman mo yung langit-ngit ba na
01:28gumagano na, yumuyo ko na dahan-dahan.
01:32Kaya pinalabas ni Mang Danilo ang lahat ng nasa loob ng kanilang bahay.
01:36Halos na sa isang linggo na yung pagulan, parang bumigat na po.
01:42May isang nandun sa taas siguro puya, pamangkin ko.
01:46Ayaw, yung nanay panik na panik, bumaba ka na, bumaba ka na.
01:51Tapos siguro hindi na nakatulog dahil kakakalabit, ay hindi na makakatulog.
01:57Bumaba na, pagbabang pagbaba.
01:59Siguro mga 4 o'clock na yun, nandyan pa lang sa tindahan, bumagsak na, kabababa lang ng bata.
02:05Mga alas 2 po ng hapon, medyo tumatagilid na po yung bahay.
02:10Ang nandun po, huling-huling bumaba po yung anak ko.
02:12Sa kabutihang palat, walang nasaktan sa insidente.
02:17Sa ngayon, pansamantalang naninirahan si Wandi at kanyang pamilya sa Barangay Multipurpose Hall.
02:24Gusto ni Wandi makapagtayo ng panibagong bahay sa parehong espasyo ng gumuho nilang bahay.
02:30Ever since naman, ano, yung condition ng creek, alam naman namin yan.
02:34Kasi, since birth, talagang dito na ako sa ilog lumaki, nakatira.
02:39Kano po hindi kayo payaga magtayo dito?
02:43Eh, yun lang. Guru mapipilitan po kami mangupahan.
02:48Sa Maynila pa rin, sinamantala ng mga tauha ng DPWH,
02:53ang pagtigil ng ulan para magsagawa ng declogging operations sa kahabaan ng Padre Faura.
02:59Tinanggal nila ang mga burak at iba pang basura na bumabaraas sa daluyan ng tubig.
03:06Nagkaroon din ang declogging operations sa Santa Cruz at Tondo.
03:11Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended