00:00Nagliab ang bahagi ng isang landfill sa Rodriguez Rizal at lumika ng matinding usok na umaabot na ngayon sa ilang bahagi ng Quezon City.
00:08Live mula sa Rodriguez Rizal, nakatutok si Darlene Kai. Darlene.
00:16Emil, bumuhos yung malakas na ulan kanina lang pero hindi pa rin tuluyang naaapula yung sunog sa isang landfill dito sa barangay San Isidro Rodriguez Rizal.
00:24Matindi yung naging uso kaya lumikas yung ilang residente papunta dito sa evacuation center ng barangay.
00:34Sa tindi ng sunog sa isang landfill sa barangay San Isidro Rodriguez Rizal, tanaw ito mula sa malayo ng kumukuha ng videong ito.
00:42Alauna ng hapon kahapon pa nagsimula ang sunog sa tapunan ng basura pero hindi pa rin naaapula hanggang kanina.
00:47Ayon sa Bureau of Fire Protection Rodriguez Rizal, mabilis kumalat ang apoy at pahirapan ng pag-apula dahil maraming basura ang nasusunog.
00:55Yung pong nature po kasi nito ay ang apoy po karaniwan dahil landfill nanggagaling po ito sa ilalim.
01:02Kaya po ang ginagawa po natin dito na isang means ng pag-apula ay umuhubay po tayo ng lupa gamit yung mga heavy equipment tulad po ng bako at ng bulldozer.
01:13At itinatabon po natin doon sa mga area na mayroong mga apoy o mga pag-usok.
01:20Sa investigasyon, lumalabas na pahirapang apulahin ang apoy dahil sa methane, isang uri ng gas na nabuo mula sa nabubulok na basura.
01:29Ang inisyal na pagliliyab naman, isa sa posibleng mitsa ang sobrang init ng panahon.
01:33Pagka talaga masyadong mainit ang panahon, nagiging factor din ng pagkasunog ng landfill.
01:43Malaki mga factors po talaga na tayo po sa panahon ngayon ay dumaranas ng masyadong matinding init.
01:52Kaya nakaka-apekto po talaga ito na nakakaroon po tayo ng mga rubbish fires.
01:57Ngayon pa man, hindi na po natin sinasara na doon lamang ang maging cause.
02:02Kaya po, patuloy pa rin po na inimbisagahan ng BFP Rodriguez ang origin ng sunog.
02:09Bagamat hindi pa fire out o patuloy pang inaapula, idineklara na itong fire under control.
02:14Ibig sabihin, wala nang bantang kumalat o lumabas pa sa landfill.
02:18Dahil sa tindi ng sunog ay lumikas muna ang 24 na pamilyang nakatira malapit sa landfill.
02:24Naka-face mask ang ilan sa kanila, habang ang iba ay nagtakip ng ilong dahil sa kapal ng usok.
02:3087 silang nasa evacuation center muna ng barangay San Isidro,
02:33kabilang ang ilang senior citizen, buntis at maliliit na bata.
02:37Kung saan lang po kaming umayos, kasi mausok.
02:41Masyado nang makakapal yung usok galing sa landfill.
02:45Lalo't may ubu yung anak ko.
02:48Kaya nag-aalala rin ako na baka lumala.
02:51Kinakailangan po, siguraduhin mo muna namin yung area bago namin pala ibalik
02:57o payagan yung mga evacuaries na bumalik po sa kanilang bahay.
03:02Maging sa Quezon City, umabot ang epekto ng sunog sa Rodriguez.
03:06Ayon sa City Hall, mula alas 8 ng umaga kahapon hanggang alas 8 kaninang umaga,
03:11ay very unhealthy ang air quality index sa ilang lugar sa hilaga ng Quezon City
03:15gaya sa bahagi ng Novaliches, Lagro at Payatas.
03:18Kaya hanggang maaari ay iwasan daw muna nilang lumabas.
03:21Unhealthy o hindi naman ligtas, para sa ilang kabilang sa sensitibong grupo,
03:25ang hangin sa ilang lugar sa Sauyo, ibabang bahagi ng Payatas, Mindanao Avenue at Tandang Sora.
03:31Pinapayuhan ang mga may respiratory disease sulad ng hika sa mga nabanggit na lugar
03:35na iwasang lumabas.
03:36Kaya hindi muna pinapalabas ni AJ ang kanyang mga anak.
03:39May hika po yung sabunso po.
03:41Kaya syempre, iingatan mo siya na hindi siya makalanghap ng usok.
03:47Hindi ko lang po talaga pinalabas gan.
03:49Magkaroon ng marapat na pag-iwas muna sa mga lugar kung pang publikong lagar
03:56at may iwasan at kailangang magsuot ng mask.
04:00At mag-monitor naman po ang ating QC Dream O at ang CC ESB sa mga tusunod na orap.
04:07Ang next advisory po namin is 8 a.m. po.
04:11Emilia, sinisika pa namin hinga ng statement o pahayag yung management ng landfill.
04:22Kanina pumunta kami roon pero hindi kami pinapasok at wala rin lumabas
04:25para magbigay ng panayam.
04:26Pero sabi naman ng BFP ay nakikipagtulungan naman daw sa kanila yung may-ari ng landfill.
04:31Samantala, nagpalabas o naglabas ng statement yung Rodriguez LGU.
04:36Makikipag-ugnayan daw sila sa DENR para sa isang air quality testing.
04:40Pero sa ngayon, maigiraw na mag-ingat, iwasang lumabas ng bahay.
04:44At kung lalabas, ay magsuot ng face mask gaya ng suot po ngayon.
04:47Yan ang latest mula rito sa Rodriguez Rizal.
04:50Balik sa iyo, Emil.
04:51Maraming salamat, Darlene Kai.
04:53Maraming salamat, Darlene Kai.
Comments