- 1 day ago
Panayam kay Director General, Anti-Red Tape Authority Sec. Ernesto Perez ukol sa mga accomplishment ngayong taon at mga plano ng Anti-Red Tape Authority sa sa susunod na taon
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Alamin naman natin ang mga accomplishment ngayon taon at mga plano ng Anti-Red Tape Authority sa susunod na taon
00:07kasama si Secretary Ernesto Perez, ang Director General ng Anti-Red Tape Authority o ARTA.
00:13Secretary, magandang tangali po and welcome back.
00:15Magandang tangali, Asik Joey, Asik Marge, at ating mga kababayan na nanonood ngayon sa programa ito.
00:22Sek, umpisahan muna natin sa mga accomplishment po ng ARTA.
00:25Ano po yung masasabi nyo tungkol sa naging epekto ng ease of doing business initiatives
00:31at mga aktividad ng ARTA ngayon 2025 sa pagpapabilis at pagpapadali ng mga servisyo ng gobyerno
00:39para sa mga negosyante, pati na rin po sa mga ordinaryong mamamayan?
00:43Patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa ating mga negosyante.
00:47Kanila po talagang in-expect sa ating gobyerno ay lalo pang mapaganda ang servisyo
00:55at mabawasan yung at mapaayos yung permitting process
00:59at sila po'y handa na mag-invest pa dito sa ating bansa.
01:03Kaya ang ating Anti-Red Tape Authority sa pakikipag-ugnayan natin sa mga iba-ibang ahensya,
01:09patuloy po natin in-implement yung mga digital-based programs tuloy-tuloy hanggang 2026.
01:17Unang-una po dito ang ating pong mandato para pagandahin yung mga regulasyon dito sa ating bansa.
01:24Katulad ng pag-implement natin itong Philippine Business Regulations Information System,
01:30ito po yung magiging repository ng mga regulasyon dito sa ating bansa
01:34para ang ating taong bayan, malaman nila ano ba yung mga regulasyon na pinapatupad ng mga ahensya
01:41at malalaman din nila kung ito po ba'y tunay o fake na regulasyon
01:45dahil ito po ay digital-based platform.
01:49Patungkol naman sa implementation ng Citizen Charter,
01:53meron din po tayong in-implement na Artemis or Anti-Red Tape Electronic Management Information System.
01:59In fact, mga 40 priority agencies na on-board na dito sa Artemis
02:06para yung mga kababayan natin may access doon sa Citizen Charter,
02:10hindi na kailangan pumunta doon sa ahensya or sa local government units.
02:16At patungkol naman sa mga complaints ng ating mga kababayan,
02:20we are also using a digital-based platform we call the Electronic Complaints Management System
02:26at atin din po ilulaunch bukas yung ART dashboard,
02:31transparency, responsiveness, and accountability dashboard kung saan.
02:39Yung mga nabanggit ko ng mga digital-based platforms,
02:42ang ART tab ay mamomonitor nila yung implementation ito
02:45at pati yung sa complaints, malalaman natin yung status ng complaint
02:50at yung complainant, alam niya at anytime yung status ng kanyang complaint.
02:54Okay. Sek, nabanggit nyo nga itong mga digital-based platforms.
02:58Pero paano nyo po ba mailalarawan ang naging contribution po ng ARTA
03:02sa, nabanggit nyo nga, pagpapatupad po ng mga digital reforms na ito
03:06at yung bagong complaint system.
03:08Sek, pag-usapan natin yun.
03:09Yung nabanggit mo nga na AI,
03:12Powered Electronic Complaints Management System,
03:16na inilunsad nyo ngayon 2025.
03:18Kasi very interesting po ito.
03:19Kasama po dito sa Electronic Complaints Management System,
03:23atin din pong pag-develop using artificial intelligence,
03:26atin pong virtual assistant na si Tala.
03:29Para siya po ay makakasagot ng hinaing o reklamo ng ating mga kababayan 24-7.
03:36At siya po ay nakakaintindi ng, at this moment, seven dialects, major dialects.
03:42At siya po ay makakasagot in Pilipino at saka English.
03:45So, she's available 24-7.
03:48Ang kailangan lang po ng ating mga kababayan,
03:50magpumasok po sa website ng ARTA,
03:53kaya pumasok doon sa EGO PH ng DICT.
03:56At kiklik lang niya, talk to Tala.
03:59At si Tala po ay sasagutin siya in Tagalog and in English.
04:05So far, Sek, kamusta po ang pagtanggap ng mga tao dito kay Tala?
04:09At nasasagot naman po ba yung mga tanong?
04:11Sa ating two months na implementation ni Tala,
04:14nakatanggap po siya ng mga 400 complaints.
04:17At mabilis po ang resolution.
04:19Siguro mga active cases na lang, mga 30 cases.
04:22Kasi meron po tayong sistema na ina-adapt sa ARTA.
04:26Pag tayo po ay nakakantanggap ng reklamo,
04:28ibabato natin ito sa committee on anti-retive.
04:31At ito po ay na-actionan kagad.
04:33Dahil alam nila na pag andyan na yung ARTA,
04:37hindi pa po nakaschedule yung hearing,
04:39ina-actionan na kagad ng agency.
04:41Kaya yung resolution rate ng ARTA dito sa mga complaints natin natatanggap is 99.19%.
04:48Yung mga natirang less than 1%,
04:50yan na lang yung mga active cases.
04:51Ano naman yung kahalagahan, SEC, ng pakikipagtulungan ng ARTA sa ibang ahensya ng gobyerno?
04:58In particular po yung Philippine National Police para palakasin po yung pagpapatupad ng Republic Act 11.032
05:07at matiyak po yung transparency, pati yung efficient public service?
05:37Ang kagaya na po ng mga fixers.
05:39So the whole PNP po committed not only to share its resources,
05:44at upang i-train din po ang ating mga tao sa ARTA doon sa law enforcement.
05:49So, malaking yung pasasalamat natin sa ating PNP.
05:53At least sa-strengthen po yung coordination, no, SEC?
05:56Pero SEC, paano niyo po ba masasukat ang tagumpay ng ARTA sa pagpapastreamline ng servisyo sa mga ahensya at lokal na pamahalaan,
06:03lalo na sa maraming LGUs at national agencies na usually nangkakarap sila sa report card survey at compliance requirements?
06:11Yung report card survey na ating inumpisahan two years ago,
06:15ito po meron tayong budget that allocated a certain amount for a third-party surveyor
06:22to check on the compliances of agencies unang-una po doon sa kanilang citizen charter
06:27at pangalawad doon sa client satisfaction measure.
06:31So, dahil ang ating mga kababayan, tuwing sila po yung may transaksyon sa ahensya,
06:36they will have this opportunity na i-rate yung kind of service that they got,
06:40whether outstanding, very satisfactory, or satisfactory.
06:44Kaya itong taon, itong October, ah, November 4, 2025,
06:49nilabas po yun ng ating compliance monitoring and evaluation survey
06:54kung saan nirecognize po natin yung mga agencies na na-rank either outstanding,
07:00very satisfactory, satisfactory, or below satisfactory.
07:05Ito, mahalagang usapin po ito, lalo na po sa patuloy na pagsulong
07:11ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa transparency at accountability.
07:16So, SEC, ano naman po yung mga ahensya ng gobyerno na madalas po ireklamo?
07:22So, ano po yung top 10 most complained agencies mula po sa national government at GOCCs?
07:28At ano po yung karaniwang reklamo sa kanila at paano nila ito tinutugunas?
07:32Ah, from, as of October 31, 2025, ah, yung top 10 most complained, ah, national government agencies,
07:40ito po yung ah, pinangunahan ng Food and Drug Administration, ah, total complaints
07:45that we received this year, ah, as of October 31, 599.
07:49Pagkagandaan naman po, ah, yung 570 cases were already declared closed,
07:56meaning, ah, 29 na lang yung cases na remaining active.
08:00Ah, ang pangalawa po, yung Land Transportation Office, ah, 414 complaints we received
08:06at ah, 407 po ang ah, na-resolve, 7 na lang yung active ah, cases.
08:12Pangatlo po, yung ah, Bureau of Internal Revenue, nakatanggap po tayo ng reklamo,
08:16336 complaints, pero 350 ah, ah, 50 po dito yung ah, na-resolve na,
08:23ah, at ah, 6 na lang yung active, pang-apat Philippine Statistics Authority,
08:28hanggat sa ah, 10 po, ah, ah, number 10, yung Bureau of Customs, number 10,
08:3463 complaints, 61 cases resolved, dalawa na lang yung aktibo.
08:38Dito naman po sa GOCC, of course, depende po sa number of complaints,
08:42ah, sa stakeholders sila, napakarami po, kagaya po ng ating SSS,
08:47269 complaints received, pero 261 resolved, ah, 8 na lang yung active.
08:53So, ito pong mga, ah, ang kagandaan po nito, it does not necessarily reflect
08:58the competency of agencies, kundi kung gaano po sila kabilis umaksyon
09:03doon sa mga complaints na natatanggap ng ARTA.
09:06Katunan nga po, tomorrow, we will have a coordination meeting
09:10with the Food and Drug Administration, at i-update po nila yung mga hakbang
09:14na kanilang ginagawa para maiwasan po na sila maging subject ng complaint.
09:18So, we are really more in a proactive, ah, coordination with government agencies po.
09:24Looking at the, ah, list po nung, ah, NGAs, ah, sek, ah, parang lahat,
09:30o karamihan sa kanila parang meron talagang client na sinaserve.
09:33So, ang karaniwang complaints po ba?
09:36At, ah, dun sa ease of doing business law, meron pong taktang panahon
09:40na ang ating mga ahensya ng gobyerno, government officials or employees,
09:44must respond to any questions or query from any, ah, ah, taxpayer or citizen of this country.
09:53Pero, sir, meron din pong DENR, D-SUD, DFA.
09:57Ano naman yung complaint sa kanila?
09:59Eh, well, it always involved yung acting on the application.
10:03Siyempre, kagandahan po sa D-SUD, lumagda po tayo rin itong, ah, ah, November 10, 2025
10:09ng JMC with, ah, D-SUD.
10:13At, ah, dun po nag-commit sila na lalo pa nilang papibilisin yung pag, ah, process ng mga permit.
10:18Ah, ito rin po, ng last week, nagpirmahan din po ng JMC ang, ah, ah, DILG,
10:25Department of Energy, ah, Department of Public Works and Highways,
10:29and ARTA tungkol naman po sa energy, ah, infrastructure projects.
10:33Kasi, ah, reklamo po ng ating mga negosyante, masyadong mataas yung energy cost dito sa ating bansa.
10:39So, para mapababa natin, at hindi lang mapababa yung presyo ng energy,
10:44para ma-reach out din natin yung mga isolated areas, ah, yung mga depressed communities will have their, ah, electricity.
10:52Okay, sir. Ah, sec, no, itong mga, itong discussion natin ngayon, no, no, karamihan, ah, puro complaints,
10:57so, so, very, ano, ah, negative yung, yung vibe, no, pero punta naman tayo sa, mas positive na to, no,
11:05ano po ba yung mga incentives or rewards na ibinibigay ng ARTA sa mga government agencies
11:10na nagbibigay ng mawukusay naman na servisyo?
11:13At kasama po ba ang DOJ dyan?
11:16Depende kung mas subject sa, ano, no, sa survey,
11:20ang DOJ hindi pa yata this year, may din the succeeding year,
11:23but more than the minimal amount that we give, mga 80,000 maximum for the outstanding,
11:28it's really the recognition that agencies receive, and they really value it,
11:34di ba, sa, yung mga LGU, alam naman natin, yung mga LGU, even government agencies,
11:39once they receive a commendation, napakahalaga, laking bagay po sa kanila ito.
11:44So, ang pagbibigay natin ng certificate of commendation doon sa mga na rate natin na outstanding,
11:52tsaka very satisfactory, at may minimal amount, no,
11:56ay, malaking bagay po sa kanila ito. Malaking incentive.
12:00When are we, ano po, releasing po the list naman of the top 10 na mawukusay po ng mga ahensya or LGUs?
12:06Well, napavis na po natin yung result noong, ah, itong 2025 na natin na November 10.
12:12Pwede pa natin i-share, no, po.
12:14Wala kasi DOJ ka, hindi ko tinignan, na ba? Joke lang, sec.
12:18So, pinag-uusapan natin, sec, you, sec, Marge, yung mga ahensya ng gobyerno,
12:23pag-usapan naman po natin yung mga mamamayan.
12:25So, ano po yung papel ng ARTA sa pagpapalaganap naman po ng kaalaman
12:30tungkol sa karapatan ng mga mamamayan sa tamang service timelines,
12:34alinsunod po sa Ease of Doing Business Act,
12:37at paano nyo hinihikayat ang publiko na maging aktibo po sa pag-i-report?
12:42Unang-una po ating hinihihkayat ng ating mga kababayan,
12:45na kung kayo po merong transaction sa anumang ahensya ng gobyerno,
12:50unang-una po ninyong titignan yung kanilang citizen charter,
12:53dahil ito po ay requirements sa Ease of Doing Business Law,
12:57na dapat lahat ng ahensya ng gobyerno kasama po ang local government units,
13:00Na-publish ito sa kanilang website and in their most conspicuous places of their business, all the services they render including yung mga requirements, the fees to be paid, the standard processing time subject to automatic approval or extension.
13:17At bawal na bawal po sa ating ahensya na magpataw ng requirement o fee na hindi po nakasaad doon sa citizen charter at ang penalty po dito ay napakabigat.
13:27First offense, 6-month suspension. Second offense, dismissal from service. Forfeiture of retirement benefits. Perpetual disqualification from service. Fine of 500,000 to 2 million and even imprisonment of 1 to 5 years.
13:43Kaya po, very effective po ang ARTA. Kaya ang ating resolution rate is almost 99.19%.
13:50Dahil alam ng sino mang empleyado o opisyal ng gobyerno na kapag sila po ay inaimbestigan ng ARTA sa ngayon sa complaint na natin natanggap, seryoso po ang ARTA naimbestigan ito.
14:04Of course, kinukonsider natin sila na partner. Bago pa natin sila kasuhan, binibigan natin sila na oportunidad o pagkakataon na sagutin yung reklamo.
14:13Kaya mabilis yung kanilang resolution. At atit po, ito yung ibinabato sa kanilang Committee on Anti-Red Tape.
14:19At lahat po ng ahensya, kagaya kasamang LGU, meron pong Committee on Anti-Red Tape.
14:24At this is a very effective way of resolving complaints.
14:28Okay, pero sec, paano naman po ninyo mailalarawan ang pakikilahok ng ARTA sa international at high-level forums?
14:35At paano po po ito nakakatulong sa pagpapahayag sa mundo ng pagbabago ng Pilipinas sa ease of doing business reforms ngayong taon po?
14:44Last November, naimbita po tayo sa Paris, dun sa OECD.
14:47At ating pong isin-air yung ating reform initiative using the digital-based platform, kagaya na aking nai-share na doon sa Philippine Business Regulations Information System,
14:58tsaka yung Artemis.
14:59Last October naman sa Indonesia, dun po sa ASEAN OECD meeting, sin-air din natin ito.
15:05At dun po, ngayon, dito sa ARTA, minomonitor din po natin yung ating competitiveness ranking sa ating pagkipag-ugnayan sa Asian Institute of Management.
15:16Tunayin nga po, lumagda po ako ng template letters that will remind concerned agencies na mababa po yung kanilang competitiveness ranking.
15:26At binibigyan po natin sila hanggang end of January next year para sagutin o i-share ano ba na yung kanilang action plans
15:33para mapaganda pa yung kanilang competitiveness ranking sa particular na sektor na kung saan sila ang kanilang ahensya ay nakatuon.
15:42Pag ARTA talaga nagbigay ng notice, nagko-comply sa deadlines.
15:47Oo, saka ako nagkaka-mini-anxiety ako saka kapag may nakikita akong ARTA, lalo na kapag Friday,
15:54tapos di ba nagka-count na yung period, so parang syempre lahat tinatawagan ko na we need to address.
15:58Saka seryoso kasi kami when it comes to ARTA.
16:01We really take it seriously.
16:02Salamat yun, Sec March. Pero paalala po, ang ARTA po ay inyong partner, hindi po inyong kalaban.
16:08Partner agency kayo, madato ng ARTA, dalawa eh.
16:11Enabling, capacitating, at also yung enforcement side.
16:14Pero hinahighlight po natin under a whole of government approach na ARTA po ay kasama ninyo na tumupad sa ease of doing business law.
16:21Agree.
16:22Sec, ano naman ang pangunahing mga layunin ng ARTA para sa taong 2026 sa pagpapatuloy ng ease of doing business reforms?
16:30At paano ninyo ito bibigyang prioridad sa darating po na taon?
16:35Well, dahil alam naman natin na medyo meron tayong political turmoil ng ating mga kababayan talagang init na ibig na
16:42at gusto nila more transparency and accountability.
16:45Kaya bukas nga po, ila-launch natin yung ating accountability, responsiveness, and transparency dashboard
16:53kung saan yung ating mga digital-based platforms na bagit ko na kanina
16:57ay ma-monitor natin from the beginning up to the end.
17:00Lumagda po tayo ng memorandum of agreement with the Office of the Ombudsman,
17:04Ombudsman Boing Rimulya,
17:07tututukan din po natin yung mga complaints na ating i-penile sa Office of the Ombudsman at sa Civil Service Commission
17:15para yung ating mga taong bayan alam nila na yung kanilang mga reklamo ay inaaksyonan sa tamang panahon.
17:22So, yun po, for 2025, we will continue to engage with our stakeholders.
17:28Kanina umaga nga po, meron tayong checkpoint meeting with our stakeholders from the government agencies
17:33at sa from the private sector, PCCI at the Management Association of the Philippines
17:39towards implementing our Philippines ease of doing business reform guidebook
17:44para mapataas po yung ating ranking doon sa World Bank Business Ready Report
17:49kasi kaya po, para lalo tayong mahikayat yung mga investors, businessmen,
17:54we have to assure them that the Philippines is ready for business.
17:59Sabi nga po ng ating mahal na Pangulo, we must replace red tape with red carpet.
18:04Para magawa po natin ito, pagandayin po natin ang negosyo dito sa Pilipinas,
18:09ayusin po natin yung proseso ng permitting process,
18:13lalo na po sa mga priority sectors that will provide more business and livelihood opportunities for our people.
18:21Sek, bukod po doon sa recurring o existing programs nyo,
18:26paano nyo naman po planong gamitin yung inaprubahang 2026 budget ng ARTA
18:31para mapalakas po yung kapasidad ng ahensya,
18:35lalo na po doon sa regional field offices at mga complaint handling system.
18:40Tama, Sig John.
18:41Nag-apila po tayo sa ating Senado na dagdagan po ang budget ng ating regional field offices
18:47para kasi sila po yung ating mga mini-ARTA doon sa probinsya,
18:51wala lang po yung ating regional field offices.
18:54At sa ngayon po, pag hindi nagdagdagan ang budget ng ARTA sa regional field offices,
18:59kulang na kulang po ang budget para i-operate natin yung ating mga regional field offices.
19:04Nagpapasalamang po tayo sa Senado, sa ating Chairman ng Finance Committee,
19:10si Sen. Wynn Gatchalian,
19:12pasama po si Sen. Laxon,
19:14dahil nag-propose sila sa bicameral committee
19:16na dagdagan po ang pondo ng ARTA by 132 million pesos.
19:21Yan po yung amount na ni-request ng ARTA
19:23para hindi lamang ma-totally or fully operate natin yung ating regional field offices
19:29at lalo pa po natin maka-implement yung mga digital-based platforms na nabanggit ko po kanina.
19:35Sek, ano po ba ang plano ng ARTA upang mas mapalawak pa
19:39ang paggamit ng mga digital tools at analytics
19:41sa monitoring po ng compliances ng mga ahensya ng pamahalan
19:45sa pagbibigay ng matapat at maayos na servisyo sa publiko?
19:49At nabanggit nyo nga dahil maliit nga yung budget, di ba?
19:51Baka this is something that we could study po further
19:54para if we can't give access dun sa mga G-DEP areas, di ba?
19:59At least, baka may mga initiatives po kayo ng digital reforms that could help.
20:03Marami po tayong natatanggap na support, technical assistance
20:07sa ating mga development partners like the Asian Development Bank,
20:11World Bank, ating mga partners, Chambers of Commerce.
20:16Kasi we believe na para ma-effectively implement natin itong mga programa,
20:20napakahalaga po na we involve the private sector,
20:24yung mga private stakeholders, yung ating mga negosyante,
20:27kasi sila po yung the ones experiencing on the ground
20:29yung problema sa red tape at corruption in the process.
20:33So whatever programs that we implement,
20:37makakaasa po ang ating taong bayan
20:38na meron po tayong closer collaboration with the private sector
20:42and the development partners
20:43para itong mga ating programa na binanggit ko kanina
20:46ay talagang ma-full implement natin for the year 2026.
20:51Paano nyo naman bibigyan din, SEC, sa 2026,
20:56yung pagpapatupad ng mga enforcement mechanism
20:58upang mas lalo pang pababain ang red tape?
21:02Ito nga po, nabanggit ko kanina,
21:04lumagda tayo ng agreement sa Philippine National Police,
21:07sa ombudsman.
21:09Ito pong mga dokumento na ito will not remain as document.
21:13Gagamitin po natin ito para lalo pa natin mapaiting
21:16yung ating enforcement power
21:18dito sa anti-red tape authority
21:21para lalo pa mapaganda ating servisyo sa taong bayan.
21:26SEC, ano po ba yung mga strategies po na naiisip nyo
21:29para mas palakasin pa ang public awareness
21:32at participation sa ease of doing business initiatives,
21:35lalo na po sa grassroots level
21:37at sa mga maliliit po na negosyante?
21:39To the use of social media, Facebook, Tech Talk,
21:43ito po, gagamitin natin.
21:45Makakaroon po tayo ng weekly events
21:47doon pa sa Opsina para ma-update po
21:49ang ating taong bayan
21:50doon sa mga programang ginagawa natin
21:53at patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan
21:56doon sa ating mga ARTA Champions
21:58and Development Partners
21:59at para ma-appreciate ng taong bayan.
22:02At we will have, in 2026 pa,
22:05nga po natin,
22:06magkaroon tayo ng roadshow doon
22:08para lalo pang malaman
22:10ng ating mga taong bayan,
22:12ito ang mga gandang programa
22:13ng ating gobyerno
22:14patungkol sa ease of doing business.
22:17Kanina nabanggit nyo, SEC,
22:19yung Global Competitiveness Ranking.
22:22So, ano po yung nakikita nyo
22:25mas pinalakas na papel ng ARTA
22:27sa pagtulong sa Pilipinas
22:29na mapabuti yung kanilang
22:30Global Competitiveness Ranking
22:33sa ease of doing business
22:34at regulatory reform indicators
22:37sa susunod na taong?
22:38We always believe that
22:39what we can measure,
22:40we can manage.
22:41So, pag alam ng ating mga
22:42hensya ng gobyerno,
22:43yung kanilang Competitiveness Ranking
22:45in terms sa limbawa
22:46on education,
22:48energy,
22:49digital infrastructure,
22:51ito po'y ipapaalam natin
22:52sa agencies concerned
22:53para malaman natin
22:55ano ba yung kanilang action plan,
22:58ano ang kanilang mga plano
22:59para mapataas yung ating
23:01Competitiveness Ranking,
23:02para po may kayat natin
23:05ang mga negosyo
23:05na pumunta dito sa Pilipinas
23:07at hindi na pumunta
23:08sa ibang bansa.
23:10Okay.
23:11SEC, mensahin nyo na lang po
23:12sa ating mga kababayan
23:13na nakatuto po sa atin ngayon.
23:15Mga kababayan,
23:16patuloy po tayo magtiwala
23:17sa ating gobyerno,
23:18sa Antiretip Authority,
23:20sa ating Office of the President.
23:22We'd like to assure the people
23:23that our courts,
23:25our prosecution,
23:26our law enforcement activities
23:28are functioning.
23:30Therefore,
23:30kung anuman po
23:31yung inyong mga reklamo
23:32o problema,
23:34huwag po kayong mag-u-utubuli
23:35i-reklamo ito
23:36at meron po tayong
23:37digital-based platform
23:38na sasagutin po
23:39and in real time,
23:40we will keep you updated
23:42kung ano yung resulta
23:43ng inyong reklamo
23:44na ipinarating
23:45sa Antiretip Authority.
23:47Ayan po,
23:48meron po tayong
23:49hotline po ba yan, sir?
23:52Yes.
23:52Ayan po,
23:53ang 12782 at saka yung 8888
23:57para po sa mga complaints po natin.
24:00Maraming salamat po sa inyong oras
24:01at congratulations po sa efforts ng ARTA,
24:05Secretary Ernesto Perez,
24:07ang Director General ng Anti-Red Tape Authority.
24:10Thank you, sir.
Be the first to comment