00:00Kung dati nakabudget sa DepEd ang ipangpapagawa sa DPWH ng mga silid-aralan,
00:06ngayon idediretso na sa mga lokal na pamalaan ang pondo para sa pagpapatayo at pagpapaayos ayon po yan kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:15Nakatutok si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:21Tuwing pasokan na lang, pinoproblema ang mga classroom na kung hindi siksikan ay hindi maayos o sadyang kulang.
00:30Sa kabila niyan, mabagal ang pagpapatayo ng mga bagong silid.
00:35Katunayan, 22 lang na classroom ang naipatayo ngayong taon, kahit san libo at pitong daan ang target ng DepEd at DPWH.
00:45Kaya, sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, babaguhin niya ang proseso ng pagpapatayo ng mga classroom.
00:53Kung ngayon, binabadgetahan ang Department of Education para ipagawa sa Department of Public Works and Highways,
01:00simula sa mga susunod na proyekto, idediretso ang pondo para sa mga silid sa mga local government unit na may kakayahan para sila ang magpatayo.
01:11Kayo na ang magpatayo ng inyong eskwilahan. At saka, nakakasiguro ako kasi ako malakasan loob ko sa mga LGU executives
01:21dahil hindi sila pwedeng mag-ghost project, sisitahin kayong lahat, di kayo pwedeng gawin substandard.
01:28At pagkaginawa ninyo yun, araw-araw, araw-araw minumura kayo ng mga constituent ninyo.
01:34Sinabi niya yan sa Butuan City kung saan na mahagi ang gobyerno ng 71 Patient Transport Vehicle o PTV.
01:43Para ang mga yan sa mga bayan ng Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Davao de Oro at Davao Oriental.
01:52Gayun din para sa Butuan City at bayan ng Bonifacio, Samisamis Occidental.
01:58Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paulo Yap, Nakatutok 24 Horas.
Comments