Inabsuwelto si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ng Sandiganbayan sa kasong graft and corruption. Kaugnay ito sa solar power system and waterproofing works sa isang gusali sa lungsod. Hinatulang guilty naman ang itinurong kasabwat ni Bautista.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inabswelto si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ng Sandigan Bayan sa kasong graft and corruption.
00:07Kaugnay po ito sa solar power system and waterproofing works sa isang gusali sa lungsod.
00:13Hinatulang guilty naman ang itinurong kasabwat ni Bautista.
00:17Nakatutok si Maki Pulido.
00:18Napaiyak si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ng mapawalang sala ng Sandigan Bayan 3rd Division sa kasong graft.
00:30Not guilty ang hatol sa kanya dahil ayon sa korte, bigo ang prosekusyon na patunayang guilty beyond reasonable doubt si Bautista sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
00:42Kaugnay yan ang pagbirma sa disbursement voucher kaya naaprobahan ang pagbayad ng higit 25 million peso sa Cignet Energy
00:50kahit hindi natupad ang nasa kontrata na dapat may net metering sa Meralco ang ininstall na solar power sa Quezon City Civic Center.
00:59Guilty naman ang hatol sa kanyang kapwa-akusado na si dating City Administrator Aldrin Cuña.
01:04Pinatawan si Cuña ng parusang 6 hanggang 8 taong pagkakabilanggo.
01:09Pero habang inaapila ang desisyon ng korte, pinayagan siyang magbayad ng 90,000 peso bond para sa pansamantalang paglaya.
01:17Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
01:19Nakalusot man sa kasong ito si Bautista, inaapila pa niya ang hatol na guilty para sa hiwalay na kaso
01:25kaugnay ng pagpabor umano sa Geodata Solutions, Inc. para gawing online ang pagproseso ng mga permits sa City Hall.
01:33Ibinaba ang hatol noong January 2025 ng Sandigan Bayan 7th Division.
01:37Guilty rin ang hatol kay Cuña sa parehong kaso at pareho silang pinatawan ng parusang 6 hanggang 10 taong pagkakabilanggo.
01:46Pansamantala silang nakalaya habang inaapila ang desisyon ng korte.
01:51Para sa GMA Integrated News, Makipulido na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment