Skip to playerSkip to main content
EXCLUSIVE: Sa kulungan magpapasko ang magkapatid na pumatay sa kanilang kapitbahay sa Pasig sa pamamagitan ng dos-por-dos. Ang motibo, dahil lang umano sa away sa metro! 10 taong nagtago ang mga suspek bago magkahiwalay na natunton sa Valenzuela at Camalig, Albay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Sa kulungan, magpapasko ang magkapatid na pumatay sa kanilang kapitbahay sa Pasig sa pamagitan ng dos por dos.
00:13Ang motibo dahil ang umano sa away sa metro.
00:16Sampung taong nagtago ang mga suspect bago magkahiwalay na natuntun sa Valenzuela at Kamalig Albay.
00:22Tunghayan sa aking eksklusibong pagtudo.
00:24Nagpanggap na mamimigay ng ayuda ang mga intelligence operative ng Pasig Police sa isang lugar sa Valenzuela.
00:40Natuntun nila ang isa sa mga pakay, si Alias Aldin, isang construction worker.
00:55Chinek na mga pulisang detalye at larawan sa ID at nakumpirma siya ang inakanap na suspect.
01:03Sandaling nilisa ng mga pulisang lugar at pinagplanuhan ang gagawing pagdakip.
01:08Ilang saglit pa, ikinasana ang pag-aresto.
01:11Mula sa Valenzuela, tumulak sa Kamalig Albay ang Pasig Police para nakpinaman ang kapatid ni Alias Aldin na si Alias Digoy.
01:20Suspect ang magkapatid sa kasong murder.
01:22Ang ating intel operatives ay nagkandak ng tinatawag namin na cyber patrolling at doon ay nakita nila through social media kung nasan itong suspect natin.
01:31Ayon sa Pasig Police, pinagtulungan umanong patayin sa palo ng magkapatid ang kapitbahay nila sa barangay pinagbuhatan Pasig na si Aristotel Sulat, nooy 53 anyos na pintor.
01:43Itong ating biktima po ay nakasubmiter po dito sa ating mga suspect.
01:47At dahil lang doon ay nagtalo itong magkakapatid at saka itong biktima natin hanggang sa siya'y pagtulungan na hampasin ng dos por dos sa ulo.
01:56Kwento, nang may bakay ng biktima na si Aling Susan, inawat pa niya ang magkapatid pero...
02:02Tinagpapalos yun lalo, pati po ako. Sabi ko tama na, tama na. Ayaw po yung tumigil. Pati po ako ay napalo sa kamay ko.
02:12Dalawang bisis dito. Sabi ko, tama na po.
02:16Mula ng maganapang krimen noong July 2015 ay nagtaguna ang mga suspect.
02:22Masakit po. Gusto ko nga po gumanti. Kaso parang natulala na lang po nga ako. Ang hirap po. Wala kaming kapira-pera nangyari nun, sir.
02:32Nakakulong sa Pasig Police ang magkapatid na patuloy naming ginihingan ng panig.
02:36Nagpapasalamat po ako sa mga Pasig Police. Mabuti nga po nahuli po sila. Hindi ko po alam kung mapatawad ko pa sila.
02:44Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended