Skip to playerSkip to main content
Inireklamo sa Ombudsman ng plunder at graft si Surigao del Sur 1st Dist. Rep. Romeo Momo Sr. at kaniyang mga kaanak. Napunta raw kasi sa kumpanya ng pamilya ang mahigit P1 bilyong halaga ng mga proyekto gaya ng flood control at farm-to-market roads.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inereklamo rin sa Ombudsman ng Plunder at Graft, si Surigao del Sur First District Representative Romeo Momo Sr. at kanyang mga kaanak.
00:10Napunta raw kasi sa Kumpanya ng Pamilya ang maygit isang bilyong pisong halaga ng mga proyekto gaya ng Flood Control at Farm to Market Roads.
00:20Magbabalik si Salima Refral.
00:21Inereklamong Plunder at Graft ang inihain ng grupo ng mga pari at pribadong individual sa Office of the Ombudsman
00:32laban kay Surigao del Sur First District Representative Romeo Momo, kanyang asawang si Tandag City Vice Mayor Eleanor Momo,
00:39kanilang mga anak at iba pang kaanak.
00:42Kaugnaya ng 1.4 billion pesos na halaga ng mga infrastructure contracts na napunta umano sa Kumpanya ng kanilang pamilya
00:50na Surigao La Suerte Corporation.
00:52Kabilang dito ang mga flood control projects, farm to market roads, school buildings at iba pa.
00:58There is a problem because conflict of interest.
01:01According to the constitution, bawal directly or indirectly na magkaroon ng pecuniary yet you still allowed.
01:09My bidding, pero anong nangyari sa bidding?
01:12Ba't niyo inalaw ang family corporation ng isang congressman na magkaroon ng ganitong bilyon na awards?
01:21Bago maging kongresista, dekadang nasa DPWH si Momo at nagsilbi pang undersecretary.
01:27Sa sinumiting mga general information sheet ng Surigao La Suerte Corporation sa Securities and Exchange Commission mula 2019 hanggang 2022,
01:36kasama ang pangalan ni Congressman Momo bilang director at stockholder sa kumpanya.
01:41Sa reklamo, tinukoy na treasurer si Vice Mayor Momo, corporate secretary ang anak na si Board Member Melanie Momo Guno,
01:48habang director rin ang anak na si Councilor Romeo Jr.
01:52Ang mga anak ni Congressman Momo na si Naruel at Romel ang tumatayong managing officers at pumipirma para sa kumpanya.
02:00Kasalukuyang chairman ng House Committee on Public Works si Momo at co-chair ng House Infrastructure Committee.
02:05Vice Chair rin siya ng Appropriations Committee kaya kabilang siya sa House Contingent sa Bicameral Conference Committee para sa 2026 national budget.
02:15Can you just imagine? Bilyons ang nakuha akong ebidensya pero member siya ng BICAM.
02:21Kaya ito lang po ang pakiusap ko.
02:24Mahal na Pangulo, ikaw po ang unang nag-diwalat nito.
02:30Sana po bigyan niyo naman ng justisya ang mga Pilipino.
02:35Sa isang pahayag, itinanggi ni Congressman Momo ang reklamo.
02:39Wala rin daw conflict of interest sa kanyang paninilbihan bilang kongresista.
02:43Wala rin daw katotohanan ang akusasyong ginamit niya ang kanyang pwesto para sa pansariling kapakanan.
02:49Hindi na raw siya bahagi ng kumpanya dahil matagal na siyang nag-divest sa Surigao La Suerte Corporation.
02:55Wala rin daw ginagawang negosyo ang kumpanya sa kanyang distrito.
02:58Tinawag niyang politically motivated ang akusasyon na pakanaumano ng kanyang mga kalaban sa politika.
03:05Sasagutin daw nila ng kanyang pamilya ang mga paratang sa tamang forum at panahon.
03:11Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended