Skip to playerSkip to main content
-NBI: Red Notice laban kay dating Congressman Zaldy Co, hiniling na sa Interpol


-Senior citizen, natumba at nabalian matapos hablutan ng kuwintas ng isang lalaki/Suspek, arestado sa follow-up operation; aminadong hinablot ang kuwintas ng senior citizen dahil sa pangangailangan sa pera


-ICI: Ipina-subpoena si dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral; nais paharapin sa komisyon sa Lunes, Dec. 15


-Holiday rush, ramdam na sa lagay ng trapiko sa paligid ng NAIA/Pahirapang booking o trip cancellation sa TNVS, problema ng ilang pasahero/ LTFRB: TNVS riders at drivers na magkakansela ng booking nang walang sapat na basehan, pagmumultahin


-PAGASA: Lamig ng Amihan, ramdam sa northern at central Luzon; Shear Line, nagpapaulan sa NCR at ilan pang panig ng Luzon at Visayas


-Mahigit P190,000 kita ng tindahan at P7,000 halaga ng cellphone, natangay ng lalaking nanloob


-Pag-atake ng mga pesteng kuhol sa mga palayan sa Brgy. Lanas, problema ng ilang magsasaka


-Pilipinas, may 5 gold medals na sa 2025 SEA Games; may 7 silver at 21 bronze medals din


-2 Fil-Am na pasahero, nag-away sa pre-departure area ng NAIA Terminal 1


-Sinitang rider dahil naka-tsinelas at walang helmet, tuluyang inaresto dahil sa nakaw niyang motor


-Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Interpol Red Notice
00:30Global Alert System para sa Law Enforcement Personnel para hanapin o arestuhin ang subject ng notice.
00:36Wala pang pahayag dito ang kampo ni Ko.
00:39Si Ko ay akusado sa questionabling flood control project sa Nawahan Oriental, Mindoro.
00:46Nabalian ng buto ang isang senior citizen matapos siyang matumba ng mahablutan ng kwinta sa Quezon City.
00:52Arestado ang suspect na umamin sa krimen.
00:55Balitang hatid ni James Agustin.
01:00Natumba ang isang babaeng senior citizen sa bahaging ito ng EDSA Balintawak sa Quezon City.
01:05Buti na lang at hindi siya nahagip na dumaang sasakyan.
01:08Masda na may isang lalaki na nagmamadali paalis sa lugar na tila nakikipagpatintero sa mga sasakyan.
01:14Ang naturang lalaki hinablot pala ang alahas ng babaeng senior citizen na galing noon sa LRT Station.
01:20Papan na exiting the elevator, hinablotan nito ng suspect natin ng kwinta sa Baytulak.
01:29So makita natin sa CCTV, medyo mataas yung pinagbagsakan ng biktima natin.
01:34Itong biktima natin nag-sustain ng injury fractured sa femoral neck niya.
01:40Sa follow-up operation ng pulisya sa barangay Talipapa, naaresto ang 27 anyo sa sospek.
01:46Positibo siyang kinilala ng biktima na nagpapagaling pa sa ospital.
01:51Nabawi rin ang gintong kwinta sa naisanlanan ng sospek sa alagang 5,000 piso.
01:56Nakuha natin itong sospek by means ng backtracking at saka forward tracking ng mga CCTVs ng barangay,
02:03ng Project Aurora at saka yung MDA natin. So natunto natin ito.
02:06Ayon sa pulisya, ikasyam na beses nang makukulung ang sospek na dati nang naaresto dahil sa pagnanakaw,
02:12car napping at iligal na droga. Aminado ang sospek sa nagawang krimi.
02:24Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko lalo na ngayong holiday season.
02:36Kay mismo, pag-ingatan yung mga gamit ninyo.
02:39James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:43Inahaharap sa Independent Commission for Infrastructure si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
02:56na idinadawid sa isyo sa flood control projects.
02:59Ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka,
03:02sa December 15 nila gustong paharapin si Cabral sa komisyon.
03:05Si Cabral ang isa sa mga idinawid ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
03:10na kumikbak umano sa ilang flood control projects sa Bulacan.
03:14Si Cabral din ang tinukoy noon ni Sen. Ping Lakson
03:17na nag-uudyok umano kay nooy Minority Leader Tito Soto
03:20na maglagay ng budget insertions sa panukalang 2026 budget.
03:25Dati na iginate ni Cabral na wala siyang kinalaman sa katiwalian
03:28dahil hindi naman anya kasama ang kanyang opisina sa pagpapatupad ng DPWH projects.
03:35Nagbitiw si Cabral bilang DPWH Undersecretary noong Setyembre
03:38dahil sa pagkakadawit niya sa flood control issue.
03:42Sinisikap ang kunin ng GMA Integrated News
03:44ang pahayag ni Cabral tungkol sa sampina ng IACI.
03:50Pagbumultahin ang hanggang 15,000 pesos sa mga TNBS rider at driver
03:55na nagkakansila ng booking ng walang sapat na dahilan.
03:58Dagdag pahirap daw kasi yan sa mga pasahero,
04:01lalo na ngayong holiday season.
04:03Narito po ang aking report.
04:08Mahabang pila at halos din ang umusad ng mga sasakyan pakiat sa departure area
04:11ng NIA Terminal 3.
04:13Kaya ang ilang biyahero,
04:14bumaba na ng sasakyan at naglakad na lang papunta sa gate.
04:17Mayarap malit, mamaya eh.
04:19Naribok na ka yung ticket namin noong nakaraan.
04:21Kaya balik na naman ngayon.
04:23Ang iba, inagahan na ang pagpunta sa airport.
04:25Mas okay na yung maghihintay ka na lang sa airport kaysa malate ka pa.
04:29Kaya ang ilang nakausap namin,
04:31di na lintana kung mapamahal ng kaunti sa mga sasakyang TNBS.
04:35Around 3,000 to 5,000 papunta sa Clark City.
04:39Pag sa shuttle, ay di na sa 500 lang po.
04:41I think okay naman.
04:43It's not too bad.
04:44Pero syempre, mas okay yung gumaising do.
04:48Maraming commuter na umaasa sa TNBS ngayong holiday season.
04:52Pero marami doon nagre-reklamo na may mga driver na nagkakansila ng booking,
04:56lalo sa mga lugar na mabigat ang trapiko.
04:59Kaya ang LTFRB,
05:00naglabas ng memorandum para pagmultahin ang mga gumagawa nito.
05:03P5,000 para sa first offense.
05:07P10,000 naman at 30 days na pag-impound ng sasakyan para sa second offense.
05:12At P15,000 na multa at kansilasyon ng Certificate of Public Convenience
05:16o yung certification na nagpapahintulot sa mga sasakyan na mag-operate bilang isang TNBS.
05:21Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II,
05:25ang pagkakansila ng booking ay katumbas ng pagtanggi sa pasahero.
05:29May epekto rin daw ito sa seguridad at kapakanan ng mga pasahero.
05:33Sa ilalim ng memorandum,
05:34paparusahan ang pag-cancel kung ginawa lang ito
05:37para iwasan ang mga biyaheng hindi ganong kikita ang driver
05:39kumpara sa mga biyaheng mas malaki ang singil.
05:43Gayun din kung diskriminasyon ito lalo sa mga senior citizen,
05:46PWD at iba pang sektor
05:48at kung nasa gitna na ng biyahe at walang valid reason.
05:52Pwede rin parusahan kung makikita sa log ng mga transport network company
05:55na tumatanggi talaga ang driver sa mga partikular na lugar
05:58at oras na walang sapat na dahilan.
06:01Obligado rin ang mga TNC na magsumite ng monthly report
06:04na naglalaman ng bilang ng mga cancellation.
06:07May exceptions naman daw,
06:09gaya kung nagkansila dahil sa mga kalamidad tulad ng baha,
06:12nasirang sasakyan o ugali ng pasahero.
06:15May karampatang parusa rin para sa mga TNC
06:17na di nababantayan ang mga driver na laging nagkakancel.
06:22Magiging efektiba ang memorandum kapag naisang publiko nito sa mga pahayagan.
06:26Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:30Ramdam pa rin ang lamig ng panahon sa ilang bahagi ng bansa
06:37dahil sa hanging hamihan o northeast monsoon.
06:40Ngayong biyernes, naitala ng pag-asa sa Baguio City
06:43ang 17.2 degrees Celsius na minimum temperature.
06:47Bahagi ang mas mababa yan sa 17.4 degrees Celsius na record kahapon.
06:5219 degrees Celsius ang pinakamalamig na temperatura kanina
06:55sa kasiguran aurora.
06:5719.8 degrees Celsius sa Malay-Balay Bukidnon,
06:5920.3 degrees Celsius naman sa Tanay-Rizal.
07:03Habang 23.8 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
07:08Apektado ng amihan ang northern at central zone,
07:10sabi ng pag-asa.
07:12Uulanin naman ang Metro Manila, Bicol,
07:15Quezon Province,
07:17Northern Samar,
07:18Eastern Samar at Calabarzon dahil sa shear line
07:20o sa lubungan ng amihan at ng Easterdees.
07:23Ito ang GMA Regional TV News.
07:31May inita balita mula sa Luzon,
07:32hatid ng GMA Regional TV.
07:35Nahuli kamang panaloob na isang lalaki
07:37sa isang establishmento sa San Fernando, Pampanga.
07:40Chris, may natangay ba yung suspect?
07:44Raffi, natangay ng lalaki ang mahigit sa isang daang libong pisong kita ng establishmento sa Barangay Santo Niño.
07:51Sa kuat ng CCTV, makikita ang lalaki na pilit na binubuksan ang sliding window ng tindahan.
07:58Nang mabuksan yun,
07:59dumiretsyo ang sospek sa mga vault
08:01at nilimas ang pera,
08:03pati na ang isang cellphone na nagkakahalaga ng 7,000 piso
08:07saka tumakas sakay ng motorsiklo.
08:10Ayon sa pulisya,
08:11posibleng pinag-aralan ng sospek ang galaw ng operasyon
08:14at seguridad ng tindahan.
08:16Patuloy ang kanilang follow-up operation.
08:18Wala pagpahayag ang pamunuan ng ninakawang establishmento.
08:23Dito naman sa pangasinahan na momoblema
08:25ang ilang magsasaka sa Barangay Lanas
08:27sa Mangaldan
08:28dahil sa pamimeste ng kuhol sa kanilang palayan.
08:32Kwento nila,
08:33malaking tulong ang sapat na patubig mula sa irigasyon.
08:37Pero kapag sumobra ang dumadaloy na tubig,
08:40doon na raw umaatake ang mga pesteng kuhol
08:42hanggang maubos ang kanilang itinanim na palay.
08:45Ayon sa Mangaldan Municipal Agriculture Office,
08:48batid na ng mga magsasaka ang gagawin
08:51dahil sumailalim na sila sa intervention kaugnay nito.
08:55Kapag napabayaan kasi,
08:56kokonti ang kanilang ani.
08:58Namahagi na rin ang Department of Agriculture
09:00sa mga magsasaka at kooperatiba
09:02ng mahigit 2,000 pataba
09:04pangontra sa kuhol.
09:06Umakyat na sa panlima ang Pilipinas
09:12sa ranking ng 10 bansang kasali sa 2025 SEA Games.
09:16Sa tali sa unang tatlong araw,
09:18may 33 medalya na ang Pilipinas.
09:21Lima riyan ang gold.
09:23Kabilang sa mga pinakabagong ginto
09:24ang napanalunan ng Olimpian
09:26na si Leah Finnegan mula sa
09:28Artistic Gymnastics Vault Apparatus.
09:30Nakakuha rin ng gold si Dean Michael Rojas
09:33sa Men's Jiu-Jitsu Niwaza 85kg event
09:36at Kimberly Ann Custodio
09:38sa Women's Jiu-Jitsu Niwaza 48kg event.
09:42Samantala, may 7 silver at 21 bronze medal na
09:45ang Pilipinas.
09:46Huli ka ang sa loob ng NIA Terminal 1.
09:56Nagpambuno ang dalawang Filipino-American
09:57na pasahero sa pre-departure area.
10:00Pinindaon at sinakal ng isang lalaki
10:02ang kapwa-pasahero.
10:04Naawat sila ng otoridad sa paliparan.
10:06Ayon sa investigasyon,
10:07parehong papuntang Amerika ang dalawa.
10:09Hindi na sila nakasakay sa aeroplano
10:11dahil sa insidente.
10:13Nagparibok ng biyayang isa sa kanila
10:14habang dinala naman sa ospital
10:16ang isa pa.
10:18Inimbestigahan pa ang dahilan ng away.
10:20Wala pang pahayag
10:21ang Manila International Airport Authority
10:23sa nangyari.
10:27Bistadong nakaw ang dalang motorsiklo
10:29ng isang rider sa Quezon City.
10:31Bago na visto,
10:32sinita ang rider dahil nakachinelas lang siya
10:34at walang helmet.
10:36Balitang hatid ni James Agustin.
10:41Dinala sa police station
10:42ang 29 anyo sa lalaki motorcycle rider
10:44batapos sumanong takasan
10:45ng Oplancita ng polisya
10:47sa FPJ Avenue sa Quezon City.
10:49Ang sospek inaresto
10:51nang mahabol ng mga polis.
10:52Pinlogdown ng tropa natin
10:54yung sospek
10:54dahil
10:55wala siyang
10:57soot-soot na helmet
10:59habang nagdiadrive siya
11:00ng motorsiklo.
11:01At the same time,
11:02napansin din ng tropa natin
11:04na wala siyang
11:05nakachinelas lang siya
11:07during that time.
11:08Nung sinita,
11:10nag-resist siya,
11:11nagkaroon ng konting hambulan.
11:12Nakukuha mula sa sospek
11:14ang isang improvised na bari
11:15nakargado ng mga bala.
11:17Sa emisikasyon,
11:18nadiskubre na ang minamaneho
11:19niyang motorsiklo.
11:20Nakaw pala.
11:22November 21,
11:23ang makunan sa CCTV
11:24ang sospek
11:24na nilapitan ang motorsiklo
11:26na nakaparada
11:27sa barangay del monte.
11:28Itinulak niya ito
11:29tsaka tinangay.
11:31Ayon sa polisya,
11:31nakapag-report sa kanilang
11:32may-ari ng motorsiklo.
11:34Nakalimutan niya
11:35yung sospek
11:36pagbalik niya
11:37wala na yung motor niya.
11:38Positive na identify niya
11:40na yun ang motor niya.
11:41Tapos pinakita niya
11:42yung ID niya
11:43nag-match naman doon
11:44sa ORCR
11:44ng motor.
11:47Aminado ang sospek
11:48na siya ang nagnakaw
11:48sa motorsiklo.
11:50Naiwan po yung sospek
11:51ng may-ari.
11:53Dinal ako lang po.
11:55Ang service lang po.
11:59Wala naman siya pahayag
12:00kaugnisan ako
12:00ang improvised na bari.
12:02Sinampahan na ang sospek
12:03ng patong-patong
12:04na reklamo
12:05kabilang ng resistance
12:06and disobedience
12:07to a person in authority
12:08paglabag sa
12:09Comprehensive Firearms
12:10and Ammunition Regulation Act
12:12at Motorcycle Helmet Act.
12:14Desidido rin
12:15na may-ari ng motorsiklo
12:16na sampahan siya
12:17ng reklamong paglabag
12:18sa new anti-car napping law.
12:20James Agustin
12:21nagbabalita
12:22para sa GMA Integrated News.
12:29Good news
12:30sa mga motorista.
12:32May nakaambang
12:32bawas presyo
12:33sa produktong petrolyo
12:34sa susunod na linggo.
12:36Ayon sa Department of Energy
12:37Oil Industry Management Bureau
12:38batay sa 4-day trading
12:40humigit kumulang
12:4160 centavos
12:42ang posibleng rollback
12:43sa kada litro
12:44ng diesel.
12:45Humigit kumulang
12:4630 centavos naman
12:47ang inaasahang
12:48bawas sa kada litro
12:49ng gasolina
12:50habang humigit kumulang
12:5165 centavos
12:52sa kerosene.
12:54Ayon sa DOE
12:55isa sa mga
12:55nakapagpababa
12:56ng presyo
12:57ang peace talk
12:57sa pagitan ng Russia
12:58at ng Ukraine.
12:59Outro
13:01Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended