00:00Aabot sa isang libut siyam ng mga persons deprived of liberty o PDL ang pinalaya ng Bureau of Corrections matapos makumpleto ang kanilang sintensya sa kanilang mga nagawang krimen.
00:12Sa New Believed Prison, pinangunahan ni na Acting Justice Secretary Frederick Vida at Bureau Corps Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagpapalaya sa mga nasabing PDL.
00:23Ayon kay Acting Secretary Vida, magandang pagkakataon ang pagpapalaya sa mga PDL ngayon na lalapit na ang Kapaskuhan.
00:31Ngayon po ay makakasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay pagkatapos nila pagdaanan yung proseso at ang ating nga pong panalangin sila ay may karampatang kakayanan na bumalik sa kanya-kanyang lipunan.
00:44Habang pinagbabayaran ang kanilang sentensya sa loob, dumadaan ang mga PDL sa spiritual reintegration at inuhubog ang kanilang skillset at pinaiigding ang kanilang reintegration habang papalapit ang pagtatapos ng kanilang sentensya.
00:59Sa pakikipagugnayan po natin, sa Dole at sa iba-ibang ahensya, nabibigyan po natin sila ng pagkakataon, ng oportunidad.
01:07Ayon rin sa kalihim, napapalaya ang mga PDL sa maraming kadahilanan.
01:11Meron iba dyan, naserve na nila yung sentensya nila. Meron dyan, subject siya dun sa GCTA, Good Conduct Type Allowance.
01:20May iba't iba. Meron namang iba dyan, lumabas yung desisyon ng korte na acquital. Meron dyan, parulado naman. May iba-ibang proseso.
01:31Pero lahat po yan ay pinag-aaralan ng ating mga abogado at iniisa-isa lahat nung kalang records.
01:37Tuloy-tuloy rin ang ginagawa ang proseso ng Biocore para sa pagpapalaya ng mga PDL at pagpapaluwag ng bilibid sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga super maximum facilities
01:48sa mga regional facilities bilang bahagi ng long-term plan ng ahensya.
01:52Magmula ng maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto, aabot na sa tinate ang 28,000 na PDL na ang kanilang napalaya.
02:01Ang nakatulong po dito, isang malaki, pag-aayos po ng records, yung mga karpeta po ng ating mga digitization, gumagamit na po tayo ng teknolohiya.
02:10At syempre po, dagdag sipag. Marami po tayong nakikipagtulungan sa atin sa bagay na ito.
02:15Wala nang hindi gumagalaw yung proseso. Pag-dune na siya, dune na siya na dapat i-proseso.
02:23Sa kanilang paglabas, may pabaon rin ang Biocore sa mga bagong laya.
02:27Pwede silang pera pang transportation and then may yung document sila, hawak-hawak nila.
02:34And then pwede silang mga repairal letters na pwede silang mag-apply pag uwi nila kay mayors, kay governor, DSWD, test the skill.
02:44And then kung gusto nila mag-apply ng trabaho, sa dole naman.
02:48So well-equipped sila pag uwi nila sa mga bahay nila.
02:52Isa sa mga bagong laya ang 61 taong gulang na itatago natin sa pangalang Juanito na nagmula sa Balanggiga, Eastern Samar.
03:01Taong 1995 nang mahatulan ng reklusyon perpetua si Juanito dahil sa kasong rape at noong 2000 nang siya ay dalhin sa loob ng bilibid.
03:09Para kay Juanito, naging maganda ang kanyang pamamalagi sa loob ng bilibid dahil sa magandang pakikitungo sa kanila ng mga tauha ng Biocore.
03:17Lapis ang kanyang kagalakan dahil matapos ang tatlong dekada ay muli niyang mararanasan ang maging malaya.
03:24Sobrang saya po na makakapiling ko ng aking mga mahal sa buhay sa malayang liponan mo.
03:28Sa loob ng kulungan yung pinanghawakan ko, yung pagsunod o naman o pagsunod para makamit ko yung pagbabago.
03:36Yung mga itinuro sa akin ng mga nakasama kumpari, ayun, naging malakas ang aking loob para harapin hanggang sa makamit ko itong panibagong buhay para makalayap.
03:47May pakiusap rin ang kalihim para sa mga taong datatnan ng mga bagong layang BDL.
03:52I-welcome sila at bigyan sila ng the second chance to living peacefully with their respective communities and with their respective loved ones.
04:02Sa paglaya ng mga persons deprived of liberty ngayong araw, dala nila mga aral na kanilang napulot sa loob ng piitan na magagamit para makapagsimula silang muli ng panibagong buhay.
04:13Para sa Integrated State Media, Gav Villegas ng PTV.
Be the first to comment