Skip to playerSkip to main content
-DOJ: Planado at sistematiko ang pagkawala ng mga sabungero/DOJ: Testimonya ng magkapatid na Patidongan, nakatulong para pagtagpi-tagpiin ang mga detalye sa pagkawala ng mga sabungero/DOJ: Kaso ng mahigit 20 sa 34 Missing Sabungeros, tatayo gamit ang testimonya na magkapatid na Patidongan/ DOJ: Mga butong nakuha sa Taal Lake, hindi pa kasama sa mga ebidensya dahil wala pang DNA test results/DOJ, magsasampa ng mga kaso sa susunod na linggo kaugnay sa Missing Sabungeros


-MMDA kung bakit 40.40% lang ang nagamit na pondo sa phase 1 ng Metro Manila Flood Management Project: Nagka-delay dahil sa Covid-19 pandemic


-Rocco Nacino, looking forward sa pagdating ng kanilang 2nd baby sa March 2026/ Thea Tolentino at Rocco Nacino, bibida sa "Dalawang Mukha ng Pasko" episode ng "Magpakailanman"/Rocco Nacino, naka-relate sa pagbibidahang role sa "Magpakailanman"/ Thea Tolentino sa family pressure: Huwag mag-impose at suportahan ang pangarap ng mga anak/"Dalawang Mukha ng Pasko" episode ng "Magpakailanman," mapapanood bukas, 8:15pm sa GMA


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pusibleng kasuhan sa susunod na linggo ng Department of Justice sa iba't ibang korte ang ilang sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
00:13Malaking tulong daw ang mga testimonya ng magkakapatid na patidongan na tatayong mga state witness.
00:19Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
00:20Planado at sistematiko, ganyan inilarawan ng Department of Justice ang pagkawala ng 34 na mga sabongero batay sa kanilang preliminary investigation.
00:33Sabi ng DOJ, may iba't ibang grupo ng suspect na may kanikanilang trabaho para isagawa ang kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention.
00:42Nakita rin ng DOJ na may pattern ang pagkawala ng mga sabongero.
00:46The manner by which the crime was committed is so, parang sabihin na natin, compartmentalized.
00:52Diba? Kung titignan mo, pag kami nandaya, may kumakausap.
00:55Pag after may kumakausap, may kumukuha.
00:58Pagkatapos, after nung pag may kumukuha, merong gagawa ng kung ano sa kanila and then meron ding magtatapon.
01:04What one compartment would know may not be known to the others.
01:08Naging malaking tulong daw sa pagtagpitagpi sa pangyayari ang mga testimonya ng magkapatid na Juliette L. Kim Patidongan.
01:15Si Julie Patidongan na sa GMA Integrated News unang isiniwalat ang kanyang mga nalalaman mula sa umano'y panyonyope o pandaraya hanggang sa pagtawag sa mga suspect na polis na siyang magdadala sa kanila sa isang lugar.
01:29Ang kapatid niyang si Ella Kim sinabing nakita niya mismo ang pagpapahirap at pagtapon sa mga biktima.
01:35Sa testimonya ng dalawa nakasandal ang mga kasong isasampa sa negosyanteng si Charlie Atong Ang at dalawamput isang ibang suspect.
01:43Sabi ng DOJ, dismiss na ang lahat ng reklamo laban sa magkapatid na Patidongan na kapwa tinanggap sa Witness Protection Program at tatayong state witness.
01:53There is corroboration on the statements of Julie Patidongan by the statement of his brother.
02:00And the fact that as we all know, as of this time, all the missing relatives of the complainants here, we have no knowledge as to their whereabouts.
02:09Sabi ni Prosecutor General Richard Padulion, gamit ang testimonya ng mga patidongan, tatayo ang mga kaso na para sa mahigit dalawampu sa tatlumput apat na mising sa bungero.
02:21May ongoing ng kaso sa korte para sa ibang nawawala.
02:24Sa halos anim na pong binanggit ng magkapatid ng patidongan sa kanilang testimonya, dalawamput dalawa ang kasama sa asunto kabilang si Ang.
02:32Hindi na isinama ang iba dahil walaan nilang sapat na ebidensya, kabilang ang aktres na si Gretchen Barreto.
02:39Hindi pa kasama sa mga ebidensya ng DOJ ang mga butong nakuha sa Taal Lake dahil wala pang resulta ang DNA testing.
02:46Sa susunod na linggo, inaasahang isasampan ng DOJ ang mga kaso sa iba't ibang korte.
02:51Balak din daw nilang hilingin sa court administrator na i-consolidate ang mga ito.
02:56Dano Tingkongko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:59May paliwanag ang Metro Manila Development Authority sa kanilang flood management project na pinuna ng Commission on Audit.
03:07Ayon sa MNDA, nadalaya ito dahil sa COVID-19 pandemic.
03:11Yan daw ang dahilan kung bakit lumitaw sa audit report ng CUWA na 40.40% lang ng pondo ang nagamit sa Phase 1 ng nasabing proyekto hanggang October 2024.
03:21Dahil diyan, nagbayad ang pamahalaan ng P37.4M na commitment fees mula 2018 hanggang 2024.
03:30Multa yan ng World Bank dahil hindi nasunod ang kondisyon sa pautang nito na magamit dapat ang pondo sa tamang oras.
03:36Sabi ng MMDA, nakakahabol na sila sa pagsasagawa ng proyekto at patapos na raw ito.
03:42Nakipagpulong na rin daw ang ehensya sa World Bank tungkol dito.
03:45Happy weekend mga Mare at pare, bibida bilang husband and wife sa newest episode ng Magpakailanman,
03:58sino Sparkle Stars, Rocco Nasino at Thea Tolentino.
04:01Heto ang latest mula kay Mareng Athena Imperial.
04:04Kung si Thea Tolentino galing Japan with her longtime boyfriend Martin Joshua San Miguel at umuwi sila as an engaged couple,
04:17galing namang South Korea si Rocco Nasino kasama ang kanyang pamilya.
04:21Para raw ito matupad ang pangarap na fall maternity shoot ng asawang si Melissa Gohing Nasino.
04:27Ito na rin daw ang last trip ng anak as an only child.
04:30We're getting everything ready. Sa March darating si Baby so nag-ready na ako sa Puyat.
04:36And super work ng work na para makaipon pa, para mabili lahat ng kailangan ni Baby.
04:43Nakaka-relate daw si Rocco sa role niya sa magpakailanman episode na pagbibidahan nila ni Thea.
04:48Ang kwento tungkol sa mag-asawang may kinakaharap na problemang pinansyal.
04:53Naging breadwinner ang nanay, pero naka-apekto ito sa pagpapahalaga sa sarili ng padre de familia.
05:00Niramdam ko yung pagod ng isang lalaki na alam natin may inaalagaan yan, self-esteem eh.
05:08Pilang isang lalaki, alam naman natin yung stigma.
05:10Kapag sinabi yung lalaki, kailangan ako.
05:11Ako bahala sa lahat.
05:13Ako magpapaangat, ako magpapaaral.
05:15Ako kapag ang kakayahan ay wala.
05:17Doon, doon naglalaro yung self-esteem ng lalaki na minsan naramdaman niya na letdown lang siya.
05:25Minsan walang kwenta.
05:28Matatalakay rin sa istorya ang pressure mula sa pamilya at mga nakatatanda tungkol sa mga pangarap
05:34na gusto nilang tuparin ng kanilang anak.
05:36Si Thea, may reaksyon dito.
05:38Mas nakakatanda sa atin, mayroong mga malalaking pangarap para sa atin.
05:42Pero mas maganda na tanungin niyo din muna yung mga anak niyo kung anong plano nila talaga sa life,
05:50anong gusto nilang tahakin.
05:53Kasi yung generation ngayon, very outspoken na.
05:59So alam na nila yung gusto nila.
06:01So dapat tanungin natin kung anong talagang gusto nila, supportahan natin.
06:05And huwag natin i-impose ang mga bagay na gusto natin na hindi naman nila gusto.
06:09Mabapanood ang magpakailanman episode na Dalawang Muka ng Pasko sa Sabado 8.15 ng gabi.
06:18Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended