00:00Stable ang presyo at nananatiling sapat ang supply ng mga pangunahing pangangailangan sa buong Western Visayas
00:06sa gitna ng pananalasan ng Bagyong Tino.
00:09Yan ang ulat ni Elijah Dalipe ng Philippine Information Agency.
00:14Sa gitna ng epekto ng Bagyong Tino, tiniyak ng Department of Trade and Industry Region 6
00:20na nananatiling stable ang presyo at sapat ang supply ng mga pangunahing pangangailangan sa buong Western Visayas.
00:27Ayon sa DTI Western Visayas, patuloy ang kanilang monitoring sa mga supermarket, grocery store
00:35at iba pang retail establishments sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Gimaras, Iloilo at Negros Occidental
00:44upang masiguro ang mahigpit na pagsunod sa suggested retail prices o SRPs
00:50at maiwasan ng overpricing, hoarding o anumang hindi patas na gawain sa kalakalan.
00:56Kasabay nito, nakipag-ugnayan din ang DTI sa mga manufacturer, distributor at local na retailers
01:04para mapanatili ang sapat na supply ng mga pangunahing bilihin sa rehyon.
01:10Paalala ng DTI sa mga mamimili na iwasan ang panic buying at maging responsable sa pamimili.
01:16Ang sobrang pagbili ng higit sa kinakailangan ay maaaring makaapekto sa supply flow
01:22at magdulot ng pressure sa merkado na maaaring dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
01:29Kung makakita ng overpricing or unfair trade practices,
01:33hinihikayat ang publiko na agad itong i-report sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI
01:38o sa opisyal na Facebook page ng DTI Western Visayas.
01:43Mula rito sa Iloilo para sa Integrated State Media,
01:47Elijah Delipen ng Philippine Information Agency.