00:00Hindi makakaila ang nag-iambag ni Juan Ponce Enrile sa larangan ng politika at public service.
00:05Sino nga pa si Enrile at ano ang naiambag niya sa kasaysayan ng bansa?
00:11Alamin natin sa report ni Gam Villegas.
00:16Sino ang mag-aakala na si Juan Ponce Enrile ang may tuturing na pinakamatandang naging opisyal ng pamahalaan?
00:24February 14, 1924 nang ipinanganak si Juan Puraganan sa bayan ng Gonzaga sa Gagayan kay Petra Puraganan at Alfonso Ponce Enrile
00:33na isang abogadong mestizo at may influensyang politiko.
00:37First District Representative ng Gagayan si Alfonso nang ipinanganak si Juan.
00:42Bininyagan siya bilang kasapi ng Iglesia Pilipina Independiente at pinangalan ng manito.
00:48Nang tumuntung siya sa edad na 20, nagpabinyag ito bilang katoliko.
00:52Nang mapadpad sa Maynila, nakasama nito ang kanyang ama at dito na nabago ang kanyang pangalan bilang si Juan Ponce Enrile.
01:01Nagtapos siya sa Ateneo noong 1949 sa kursong Associate of Arts
01:05at pagkatapos ay kumuha ng abogas siya sa UP College of Law at nagtapos bilang Pumlaude.
01:11Panglabing isa si Enrile sa mga bar top nature noong 1953
01:15kung saan siya ay nakakuha ng marka na 91.72% at nakakuha ng perfect score sa Mercantile Law.
01:23Naging skola rin siya sa Harvard Law School kung saan siya ay nagtapos ng Master of Law
01:28na may specialized training sa International Law.
01:31Nagsimula ang kanyang karera bilang kawaninang pamahalaan noong 1964
01:36nang siya ay magsilbi bilang personal legal affairs nino ay Senate President Ferdinand Marcos Sr.
01:42Nang maupo si Ferdinand E. Marcos Sr. bilang Pangulo ng Bansa noong 1965,
01:48maraming pwesto ang nahawakan ni Enrile.
01:51Kabilang na riyan ang pagiging Defense Secretary.
01:54Itinuring rin si Enrile na protégé ni Pangulong Marcos Sr.
01:58Nang ipatupad ang batas militar noong 1972,
02:01nagsilbi bilang martial law administrator si Enrile
02:04at sa kanyang nakaatang ang pamahala sa sandatang lakas noong panahon na iyon.
02:09Mahalaga rin ang naging papel ni Enrile sa pagkakaroon ng people power noong 1986
02:14na naglagay kay Corazon Aquino bilang Pangulo ng Bansa.
02:18Nanatili pa rin si Enrile bilang Defense Secretary sa ilalim ng Aquino administration
02:24hanggang Nobyembre noong 1986.
02:27Noong 1987, unang nahalal bilang Senador si Enrile
02:30at noong 1992 naman nang siya ay nahalal bilang kinatawa ng unang distrito ng Pagayat.
02:36Sa kanyang naging kampanya noon,
02:38binigyan din niya ang pagkakaroon ng pagkakaisa
02:42at pagiging bukas sa anumang kritisismo.
02:45In a democracy, we must listen to all.
02:49Hindi maaaring kayo-kayo.
02:52Hindi maaaring kami-kami.
02:53Kailangan buong bayan.
02:56Apat na beses na nahalal bilang Senador si Enrile
02:59at noong 2008 hanggang 2013,
03:02nagsilbi siya bilang Senate President.
03:05Mahalaga rin ang kanyang naging papel
03:06dahil siya rin ang nagsilbing presiding officer sa impeachment proceedings
03:10kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
03:13Ilan sa mga mahalagang patas na kanyang naipasa
03:16ay ang CARP Extension, Anti-Torture Act,
03:20Expanded Senior Citizens Act,
03:22Anti-Child Pornography Act,
03:24at marami pang iba.
03:25Noong 2019, nang huling beses siya tumakbo sa pagkakasenador,
03:29ngunit siya ay nabigo.
03:30Noong 2022,
03:31nang manalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:34ay itinalaga si Manong Gianni bilang Chief Presidential Legal Counsel.
03:38Noong nakaraan taon,
03:39nang ipinagdiwang niya ang kanyang igasandaang karawan sa Palasyo ng Malacanang.
03:43Dito,
03:44ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:47ang kanyang paghanga kay Enrile
03:49dahil sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bansa
03:52sa kabila ng kanyang edad.
03:53At kahapon lamang,
04:14sa edad na isandaan at isa,
04:17ay pumanaw na sa kanilang tahanan si Manong Gianni
04:20nakapiling ang kanyang pamilya.
04:21Sa kanyang naging buhay,
04:23hindi makakailan na si Juan Ponsen Rile
04:26ay naging bahagi ng pagpupog ng kasaysayan ng ating bansa.
04:31Gusto ko? Happy ka!
04:32Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagulong Minas.