Skip to playerSkip to main content
Super Typhoon #NandoPH, nanalasa sa hilagang bahagi ng Luzon | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naminsala ang Super Typhoon Nando sa hilagang bahagi ng Luzon, Taglay, ang lakas ng hangin na sa 215-295 kmph. Yan ang ulit ni Gab Villegas.
00:13Makikita sa video na kuha ni Abis Castaño ang malakas na hangin na humahambalos sa Batanes bago pa maglandfall ang Super Typhoon Nando.
00:22Sa video naman ni Rodel Lariote-Gelsano, makikita ang paghampas ng mga malalakas na alon sa darampasigan ng Santa Ana, Cagayan.
00:32Sa kuha ni Elma Mariano, makikita ang pagbayo ng malakas na hangin at ulan sa Marangay Palatubat sa Kamigin Island sa Calayan, Cagayan.
00:40Makikita rin sa video na pumapasok na sa kalsada ang alon na nanggagaling sa dagat.
00:45Sumasabay naman sa indayog ng hangin ang mga punong ito habang hinahagupit ng Bagyon Nando ang bayan ng Gonsaga sa Cagayan.
00:57Zero visibility naman ang naranasan ni Marlon Alina habang hinahampas na malalakas na hangin ang Basko Batanes dahil sa Bagyon Nando.
01:05Halos pasukin na ng baha ang bahay ng video uploader na si E.C. Ramones Lautilla sa Santa Ana, Cagayan dahil pa rin sa Super Typhoon Nando.
01:15Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
01:19aabot na sa higit 4,600 pamilya o tinatayang na sa higit 14,000 individual mula sa Cordillera Administrative Region,
01:29Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabar Zone ang isinailalim sa preemptive evacuation.
01:35Aabot naman sa halos 20,000 pamilya o katumbas ng higit 100,000 individual mula sa 110 barangay sa bansa
01:43ang apektado ng pananalasa na Super Typhoon Nando.
01:46Aabot naman sa 187 pamilya o katumbas ng higit 500 individual ang nananatili ngayon sa 111 evacuation center.
01:56Aabot naman sa higit 170 pamilya o katumbas ng higit 700 individual ang pansamantalamunang tumutuloy ngayon sa kanilang mga kaanap o mga kaibigan.
02:06Sa ngayon ay wala pang naitalang mga nasaktan sa pananalasa ng Super Typhoon Nando.
02:10Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo, tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga OCD Regional Office at Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils.
02:20As early as over the weekend, nakapag-preposition na tayo ng mga resources natin pagdating yan sa mga tao, personnel for the search and rescue and operations.
02:29Ganun din dun sa mga ating mga equipment, kasama yan, and then kadun din dun sa ating mga food and non-food items na nakapreposition.
02:36Sinabi rin ni Castillo na malakas ang hangin na hatid ng Super Typhoon Nando na pwede magdala ng storm surge o daluyong sa mga baybaying dagat at pwedeng makapinsala ng ari-arian.
02:48Hindi lamang ang mga direktang dadaanan ng Super Typhoon Nando ang babantayan ng OCD.
02:53Ganun din ang mga lugar na maapektoan naman ng Southwest Monsoon o Habagat.
02:57Yung mga pag-ulan doon sa mga region na hindi sakop nitong Northern Luzon, so that includes Central Luzon, Calabar Zone, Southern Luzon, pati itong Mimaropa sa Visayas.
03:10Basically itong western part ng ating bansa, makakaranas ito ng malalakas na pag-ulan.
03:15Nakaranas rin ang ilang bahagi ng Mindanao ng mga localized thunderstorms, kaya naman hindi lang ilang bahagi ng Pilipinas ang naghahanda sa pananalasa ng Super Typhoon Nando.
03:25Yung paghahanda na ginawa natin, buong bansa, buong bansa talaga, especially na ang sinabi ng ating Pangulo,
03:31full mobilization of the resources of the government para sa preparedness at saka sa response para nga dito sa Super Typhoon Nando
03:40at saka sa iba pang mga weather systems na sabay-sabay nating nararanasan.
03:45Para sa Integrated State Media, Gab Villegas ng PTV.

Recommended