Skip to playerSkip to main content
-Polish national, patay matapos malunod sa Fantastic Reef sa Port Barton


-Bus, nasunog sa kalsada sa Brgy. Matacon


-Lalaking nang-hostage sa kanyang mag-ina sa Brgy. Basak, arestado; aminadong 2 beses gumamit ng ilegal na droga


-12-anyos na lalaking tumalon sa Tinubdan River sa Brgy. Candulawan, patay matapos malunod/ 72-anyos na lalaking naligo sa dagat, patay matapos malunodBalitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang Polish national matapos malunod sa bahagi ng Fantastic Reef sa San Vicente, Palawan.
00:16Chris, ano nga lumabas sa investigasyon?
00:21Rafi, ayon sa mga otoridad, posibleng pinulikat ang biktima habang nag-i-snorkel.
00:26Base sa investigasyon, may kasamang ibang turista ang dayuhan ng mag-snorkeling 600 metro mula sa Kapsalay Island sa barangay Port Barton.
00:36Nalaman na lang nilang nawawala ang Polish national makalipas ang 40 minuto.
00:41Natagpuan kinabukasan ang bangkay niya sa mababaw na bahagi ng Fantastic Reef.
00:47Ayon sa chairman ng Port Barton Marine Park Council, senyalis ng pulikat ang nagkulay violet na mga bintinang biktima.
00:53Patuloy pa ang investigasyon ng mga otoridad.
00:58Nasunod naman ang isang bus sa gilid ng kalsada sa Pulanggi, Albay.
01:02Kwento ng mga pasahero bago nasunog ang bus.
01:05Nakaamoy na sila ng parang nasusunog na goma hanggang sa makarinig sila ng pagsabog habang binabagtas ang barangay Matakon.
01:13Wala namang sugatan at nakalabas lahat ng pasahero bago tuloy ang lumaki ang apoy.
01:19Base sa investigasyon, problema sa preno ang sanhi ng apoy.
01:22Ito ang GMA Regional TV News!
01:33Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:37Kinostage na isang lalaki sa Lapulapos Cebu ang kanyang mag-iina.
01:41Cecil, bakit daw ang nagawa yun ng suspect?
01:43Raffi Aminado ang padre de familia na dalawang beses siyang nakagamit ng iligal na droga.
01:52Mga opisyal ng Barangay Basak ang nakipag-negostasyon sa 41 anos na sospek.
01:58Matagumpay naman nilang napasuko ang lalaki.
02:01Nakuha mula sa sospek ang isang kutsilyo na ginamit niya sa pananaga sa sariling anak.
02:06Isinugod sa ospital ang bikima na nagpapagaling na mula sa pinamong mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
02:13Sa investigasyon ng pulisya, kalalaya lang ng sospek noong December 1 dahil din sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
02:22Humingi ng tawad ang sospek sa kanyang mag-ina at pinagsisisihan daw ang kanyang nagawa.
02:27Wala pa silang pahayag.
02:30Nahaharap ang sospek sa reklamong attempted parasite at serious illegal detention.
02:36Sa Talisay, dito pa rin sa Cebu, nalunod ang isang binatilyo matapos tumalon sa Tinugdan River sa Barangay Kandulawan.
02:43Sa kuhan ng cellphone video, makikita ang pagsalba ng mga residente sa 12 anyos na biktima.
02:58Dali-dali siyang isinugod sa ospital pero nasawirin kalaunan.
03:02Kwento ng kanyang ina, hindi nagpaalam ang anak na sasama sa kanilang kapitbahay na pupunta sa ilog.
03:08Hindi nila pinapayagan ang biktima na maligo sa dagat, swimming pool o sa inog dahil hindi siya marunong lumangoy.
03:16Wala na raw silang plano na paimbestigahan ang insidente pero nananawagan sila sa barangay na humanap ng paraan para hindi na maulit ang nangyari.
03:26Sinusubukan pang makunan ng pahayag ang barangay.
03:31May nalunod.
03:32May nalunod din sa isang beach resort sa barangay Tambler si General Santos City.
03:41Agad dinala sa pampang ang lalaki at binigyan ng CPR saka isinugod sa ospital pero idiniklarang dead on arrival.
03:50Kwento ng misis ng biktima.
03:52Bumabol sa paliligo sa dagat ang kanyang mister matapos ayain ng kanilang anak.
03:56Hindi naman daw napansin ng kanilang anak na tatay na pala nila ang nalunod.
04:01Hinala ng pamilya, posibleng may ibang sakit na naranasan ang biktimang 72 anyos bago nalunod.
04:09Hindi nagbigay ng pahayag ang pamluan ng beach resort.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended