Skip to playerSkip to main content
1, patay sa sunog sa isang power plant; 9 sugatan

-Motorcycle rider, nagpapagaling sa ospital matapos mahulog sa bangin

-SUV, tumirik sa bahang kalsada sa Brgy. Chua; MDRRMO: Passable na ngayon ang kalsada

-Datu Paglas Bridge, nakitaan ng malaking bitak sa pundasyon nito


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mayinit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV
00:09na sunog ang isang power plant sa Pagbilao, Quezon.
00:13Chris, natukoy na ba yung sanhinang apoy?
00:18Rafi, patuloy pa rin ang assessment ng Pagbilao Energy Corporation
00:22sa sumiklab na sunog sa Unit 3 ng Pagbilao Power Station
00:26nitong biyernes nang magkasunog sa planta at nagkaroon din ng mga pagsabog.
00:32Isa ang patay habang siyam ang sugatan.
00:34Ay sa Pagbilao Energy Corporation, inaalam pa nila ang sanhinang apoy at ang laki ng pinsala.
00:40Prioridad daw nila ang pagtitiyak na makuha ng mga nasaktan ang nararapat na atensyong medikal.
00:46Nagabot naman ang pakikiramay ang Department of Energy sa pamilya ng nasawi.
00:51Patuloy raw silang makikipag-ugnayan sa PEC at iba pang ahensya para maibigay ang naangkop na tulong sa mga nadamay.
01:01Sugata naman ang isang motorcycle rider matapos mahulog sa bangin sa Angadanan, Isabela.
01:07Nirespondehan siya ng mga polis matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen.
01:13Nagtamu siya ng mga sugat at bali sa katawan.
01:16Binigyan siya ng paunang lunas bago dalhin sa ospital.
01:18Ayon sa polisya, nakainom ng alak ang rider ng maaksidente.
01:23Wala pa siyang pahayag.
01:27Ito ang GMA Regional TV News.
01:33Mayinit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:38Pansamantalang hindi nakadaan ang ilang sasakyan sa isang kalsada sa Bagumbayan, Sultan Kudarat dahil sa pagbaha.
01:44Cecil, anong update dyan?
01:48Rafi, possible na ngayon ang kalsada ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:56Sa video na kuha ng isang motorista, kita ang SUV na yan na hinihilan ng isa pang sasakyan para maialis sa baha sa kalsada ng barangay Tshua.
02:06Ayon sa uploader, tumirik ang sasakyan matapos subukang tawirin ang kalsadang lubog sa baha.
02:13Naialis din kalaunan ang sasakyan.
02:15Ligtas naman ang mga pasahero nito.
02:18Ayon sa pag-asa, trough o buntot ng bagyong tino ang nagpapaulan sa ilang lugar sa Mindanao.
02:24Isang malaking bitak ang nadiskubre sa pundasyon ng Datu Paglas Bridge sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
02:34Panawagan ng kundisista sa lugar, suriin ito ng DPWH at palitan na kung kailangan para maiwasan ang mas malaking pinsala at abala sa mga motorista.
02:45Wala pang pahayag ang DPWH.
02:48Sa ngayon, ipinatutupad muna ang one-way traffic at one-lane system sa tulay.
02:54Daanan ang tulay ng mga bumabiyahe sa pagitan ng Davao Region at mga lalawigan ng Sultan Pudarat at Maguindanao del Sur.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended