Skip to playerSkip to main content
  • 12 hours ago
Panayam kay Department of Energy Usec. Mylene Capongcol ukol sa automatic enrollment sa mga miyembro ng 4Ps sa 100% lifeline subsidy program ng pamahalaan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Automatic enrollment sa mga miyembro ng 4P sa 100% Lifeline Subsidy Program ng Pamahalaan.
00:06Ating pag-uusapan kasama si Department of Energy Undersecretary Mylene Kapongkol.
00:12Yusek, Mylene, magandang tanghali po.
00:15Magandang tanghali po sa ating lahat.
00:19Yusek, una po sa lahat, gaano po kalaki ang bilang ng kasalukuyang 4P members
00:24ang nag-avail po ng Lifeline Subsidy Program?
00:30Alam nyo po, base doon sa records namin, more than 3 million sana yung makaka-avail ng Lifeline Subsidy.
00:40Kaya lang, yung registration nasa below 7%, so ibig sabihin mga 300,000 plus consumers or 4P members ang nakaka-avail.
00:52Ma'am, paano po at paano yung nakikita ninyong dahilan ng DOE sa mababang bilang ng nakapag-enroll sa discounted power rate?
01:02Apo, as part ng monitoring natin, yung effectiveness ng plans and programs ng gobyerno,
01:10nakita natin na yung pinaka-major cause ng low registration rate ng ating mga 4Ps and marginalized industries
01:20ay yung registration requirement kasi kung nasa malayo kang lugar doon sa iyong distribution utility
01:29or yung nagbibigay, nagsusupply ng kuryente, gagastos ka pa.
01:34And then yung iba, ang tingin nila napakababa ng subsidy na ibinibigay like 20kWh per month consumption lang.
01:43So mostly, marami na rin tayong mga consumers kahit sabihin natin marginalize sila at kabilang sa mga 4Ps member
01:52ay kumakonsumo ng mas mataas sa 20kWh per month.
01:58Yusek, para po mas marami ang makinabang, gusto po ng DOE na gawing otomatiko yung enrollment
02:07ng 100% lifeline subsidy sa kuryente para sa eligible 4Ps members.
02:12Ano po yung isinusulong ninyong eligibility at kailan po inaasahan ang implementation nito?
02:20Tama po, part ng ating enhancement at gusto natin ma-reach yung as many as we can to avail the lifeline.
02:28Subsidy program at tugon na rin ito sa direktiba ng ating Pangulo na dapat i-expand natin
02:37yung availment ng lifeline subsidy kasi this directly benefit them in terms of energy supply and the cost sa atin.
02:48Alam natin na medyo mahal din yung kuryente natin.
02:50Pero ang ginawa po ng Department of Energy sa pakikipagtulungan sa DSWD at ng Energy Regulatory Commission
03:00ay EU uniform na po natin ang subsidy level or rate.
03:07Ibig sabihin, sa ngayon po, si ERC ay nag-conduct ng public consultation regarding dun sa proposed amendments dun sa lifeline rate.
03:18Kasi noon, kada isang utility or distribution utility, iba yung design ng lifeline.
03:25Meron kung maliit ka, hanggang 50% lang yung subsidy.
03:28Kasi yung iba naman, like Meralco, 100% at certain consumption rate.
03:35So ngayon, ang ginawa natin dahil pare-pareho naman tayong mga tag-consumo at lalo na yung mga poor fees natin,
03:42ang intention po ay maging uniform po ang subsidy level ng ating mga lifeline customer or marginalized end-users.
03:53And then, automatic na po ang registration.
03:57Ibig sabihin, pagka yung listahan ng isang poor fees ay ibinigay or sa listahan ng DSWD,
04:08wala na pong ihingiin ang distribution utility.
04:11Diretso po siyang eligible.
04:12Ngayon, meron tayong sinasabi na medyo may pagkaiba ng pag-spell or pag-sulat dun sa listahan.
04:22So, konting adjustment lang po, validation, and then automatically, they can avail already the incentive.
04:30So, pantay-pantay na po, like ang proposal po ng ERC na sinabject sa public consultation ay
04:37yung mga nagpo-consumo ng 50 kilowatt hour per month.
04:42So, lahat na po ng distribution utilities ay may panukala na ganun gawin ang lifeline subsidy rate.
04:52Thank you po.
04:53Yusek, paano po may sasagawa yung data sharing agreement sa pagitan ng DOE, DSWD, at ERC
04:59para hindi na kailangan po mag-apply ng mga kwalifikadong beneficaryo?
05:03So, po ang data sharing agreement ay agreement ng DSWD, ng Department of Energy, at ng Energy Regulatory Commission.
05:16Ito ay naglalayon na magkaroon ng seamless sharing of information, monitoring of the implementation ng ating lifeline subsidy program,
05:26data provision exchange of information.
05:30So, ibig sabihin po, nag-uusap-usap po ng tuloy-tuloy ang Department of Energy, Energy Regulatory Commission, at ang DSWD.
05:42So, ibig sabihin, si DSWD, meron siya mga obligasyon or responsibilities of providing us updated list of 4Ps.
05:53Tapos, yung mga hindi naman 4Ps na yan ay manggagaling sa Philippine Statistic Authority.
05:58Si ERC naman po, regularly mo-monitor niya yung effectiveness ng Lifeline Subsidy Program at ang Department of Energy na baan,
06:08ay yung overall program ng gobyerno mismo, yung Lifeline Subsidy Rate.
06:14Kasi part ng EPIRA and then yung mga life extension niya,
06:19ito po ay inaatang sa Department of Energy as the overall policy making body for the energy sector.
06:28Yusik, gaano naman po kalaki yung pagbabago sa proseso na mangyayari kapag tinuluyang ma-finalize na po itong updated policy
06:36at kailan po inaasahang lalabas ang bagong polisiya?
06:42Opo. Malaki po ang maitutulong nito na maapabilis yung abailment ng Lifeline Subsidy
06:50kasi wala nang kailangan na, hindi na kailangan pumunta na ang isang consumer ay pupunta sa DU
06:57para i-register yung kanyang name as part of the 4P and the marginalized end user.
07:06So, ito automatic magagaling mismo sa DSWT na tuloy-tuloy naman po ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ating mga 4Ps.
07:13So, less gasto sa pamasahe, less effort on the part of our consumers.
07:20So, may automatic availment and registration yung ating mga 4Ps.
07:28And even yung mga 4Ps, basta nasa below sila dun sa poverty threshold na dinefine ni Philippine Statistic Authority.
07:37Yusak, para naman sa mga 4Ps beneficiaries na ang electric bill ay hindi nakapangalan sa kanila,
07:43ano po yung pwedeng gawin para ma-avail pa rin nila itong Lifeline Rate?
07:48Yes, ito po yung part ng improvement and further actions na gagawin ng ERC, DSW, DND, OE.
07:57Kasi katulad nga po nang sabi ko, minsan, yung pa-apelido double L or double R.
08:04So, yung mga yan, yung iba naman, nakatira sila dun sa isang bahay, ibang pangalan yung nakaregister.
08:11So, ito yung mga konting pag-a-adjust lang.
08:15But once na merong submission na, pero minimal lang po mamueng yung ating requirement dito.
08:22So, talagang hindi siya katulad ng dati na ang daming hinihingi ng DU.
08:27So, dito minandato namin na dapat yung mga distribution utilities should be able to accomplish in less time yung betting and registration ng itong mga 4Ps.
08:41Kasama na yung mga nuances na hindi sila yung nakatira dun sa bahay na yun,
08:47hindi sa kanila nakapangalan yung metro, iba yung spelling ng pangalan.
08:52So, ito po yung mga itutuloy natin under the Supplementary Implementing Rules and Regulations na ilalabas po ng DOE together with ERC and DSWD.
09:05Yusik, ano po yung magiging papel ng distribution utility sa bagong sistema?
09:10May kailangan po bang baguhin sa kanilang proseso or requirements?
09:13Ay, opo. Sa ngayon po, dati kasi sila yung nagihintay lang sila.
09:20Tapos, pagka hindi nagmamatch yung name, i-erase lang nila.
09:26But ngayon, sila yung aming inatasan na i-countercheck, i-match yung mga pangalan,
09:35at i-coordinate po sa Department of Energy, sa DSWD, at siyempre sa Energy Regulatory Commission.
09:42So, may automation and digitalization tayo.
09:45Sila yung mismong magsasubmit at magre-register nitong mga 4Ps na ito.
09:51So, ma'am, paano naman po tinitiyak ng DOE na magiging ligtas, tama, at updated yung data na ibabahagi ng DSWD at ERC para sa programang ito?
10:01Ito po ba ay scam-proof na hindi siya madadaya or walang magte-take advantage?
10:09Sa ngayon po, talagang sinisiguro namin na tight yung coordination ng tatlong ahensya,
10:15plus yung mga information na manggagaling sa Philippines Autorities, Statistic Authority.
10:24Ngayon, pinag-iisipan din namin, kasi yung DevDep, yung dating NEDA,
10:30meron silang dineveloped na system, what we call yung Community Based Monitoring System,
10:38tsaka yung PMT na tinatawag or Pilot Modeling Something to Determine,
10:44ano talaga yung appropriate level at targeting the appropriate consumers na dapat ay considered as 4Ps and marginalized end-user po.
10:56So, tuloy-tuloy po yan at sa Department of Energy naman po sa pangunguna ng ating kalihim na Secretary Sharon Garin,
11:05talagang nakatutok po kami dito sa mga programa na mas makakabuti po sa ating mga consumers ng electricity.
11:13Yusek, sa ilalim po ng lifeline rate, gaano po kalaki yung matitipid at mararamdaman ng isang 4-piece household
11:22na gumagamit ng hanggang 50 kilowatt hours kada buwan sa ilalim nga po ng lifeline rate?
11:29Malaki po kasi parang halos wala na po siyang babayaran.
11:33Kung ang consumer niya ay below, halimbawa ma-approve po yung 50 kilowatt hour per month, wala na siyang babayaran.
11:40Very minimal na lang yung 5 pesos na membership niya lang.
11:43And then, they can avail the incentives.
11:46So, subsidize sila.
11:48Kasi dati, most of the lifeline rates level is nasa 20 kilowatt hour per month, napakababa.
11:57So, kapagka lumagpas pa sila ron, may binabayaran na silang depende sa bentahan or bilihan
12:06ng kuryente sa electric cooperatives or sa mga distribution utilities.
12:12So, halimbawa, kung 50 kilowatt hour per month ang kanilang consumer o mababa,
12:18talagang wala na pong cost sa kanila.
12:21Kasi parang libre na po yan.
12:23Yusek, sa directiva po ni Pangulong Marcos Jr. na mas marami pang 4-piece beneficiaries ang dapat ma-enroll,
12:30ano yung target na bilang ng DOE para sa mga susunod na buwan?
12:34So, ngayon po, ano yung from the initial 4 million plus lifeline customers,
12:42tapos noong September, bumaba siya sa 3 million.
12:46So, hopefully, lahat yun mabigyan ng sapat na assistance at ma-qualified na sila under 4-piece.
12:57Siyempre po, ang DSWD natin ay regularly ay nagtatakda or naglilista ng mga members ng 4-piece
13:05and then base doon sa poverty levels na in-set ng PSA natin.
13:12So, doon po tumatakbo yung ating policy enforcement.
13:17So, yung 3 million plus na consumer, tuloy-tuloy po yan.
13:23We will do promotion, education campaign, even in the municipalities kasi kasama din natin ang DILG po dito sa programang ito.
13:34Yusek, mensahe nyo na lang po sa mga pamilyang nasa malalayong lugar na nahihirapang mag-apply para ma-avail po ang programang ito?
13:41Opo, sa ating mga pamilya or mga 4-piece na nahihirapan noon, once masettle na po lahat,
13:51in very near future, or baka itong week na ito, mapirmahan na po yung mga dokumento,
13:57yung tripart data sharing agreement, yung supplemental IRR,
14:03at magkukonduct po kami ng public consultations or education campaign.
14:08Hindi na po kayo mahirapan kasi automatico na lang po ang pag-avail ninyo ng lifeline rate.
14:16As in, pwede na po kayong mag-sit down and relax sa inyong mga bahay, gawin nyo yung mga usual na ginagawa nyo.
14:24At malaking kabawasan na rin ito doon sa budget nyo sa transportasyon.
14:29Siyempre, pag lumabas kayo, kakain din kayo.
14:31So, patuloy po ang gobyerno, ang bagong Pilipinas, na mapagsilbihan po ang ating mga consumer,
14:40lalo na yung marginalized and 4-piece consumer.
14:44Thank you po.
14:45Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
14:47Department of Energy Undersecretary Maylene Kapongkol.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended