00:00Nagsagawa na ng road clearing operation sa Buraburan, Huban sa Sorsogon,
00:05kasunod ng pagputok ng bulkang Bulusan.
00:07Sa pangungunan ng Sorsogon Provincial Government kasama ng Bureau of Fire Protection,
00:12Philippine National Police at Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council,
00:18inilunsad ang clearing operation sa mga kalsada sa barangay Buraburan.
00:23Kaugnay nito, hinimok ni Sorsogon Governor Edwin Hamor ang mga motorista
00:28na iwasan muna ang pagdaan sa lugar para sa mas maayos at ligtas na road clearing.
00:33Nananawagan din ang opisyal sa publiko na maging alerto at sundin ang mga abiso mula sa otoridad.
00:40Nagkaroon ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan,
00:43pasado alas 4 kaninang umaga na nagresulta sa pagbubuga ng makapal na abo.
00:49Patuloy ang pagbabantay ng mga otoridad sa sitwasyon ng bulkan na itinaas na sa alert level 1.