00:00O obligahin na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na gumamit ng energy efficient products at paggamit ng solar rooftop.
00:07Ito'y para isulong ang matipid na paggamit ng kuryente.
00:10Sa resolusyon ng Interagency Energy Efficiency and Conservation Committee na pinamumunuan ng Department of Energy,
00:17inatasan ang lahat ng government offices na sumunod sa minimum energy performance standards,
00:22nagtataguyod ng paggamit ng clean technologies.
00:24Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang bawat pisong matitipid sa kuryente ay pwedeng mailaan sa iba pang mahalagang programa ng gobyerno
00:34at makatutulong pa ito sa pangalaga ng kapaligiran.