Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 11, 2025


- Rehabilitasyon ng EDSA Busway, sinimulan na; pagkakaroon ng elevator at maayos na ilaw, kabilang sa mga hiling ng mga commuter


- Matarik na hagdan mula sa LRT-1 EDSA Station palipat ng MRT-3, problema ng ilang pasahero | Init, mahabang pila, at siksikan sa LRT-1 tuwing rush hour, inirereklamo ng ilang pasahero | LRT-1 EDSA Station, iniinspeksyon ni DOTr Sec. Vince Dizon


- DepEd sa mga eskuwelahan: Paigtingin ang seguridad at hakbang laban sa school-based violence | ACT Teachers Party-list: Kailangan ng dagdag na guidance counselors at health professionals para magabayan ang mental health ng mga estudyante


- PAGASA: Bagyong Gorio, posible pang lumakas bilang typhoon


- PHIVOLCS, nagbabala sa posibleng pagputok ng Bulkang Taal


- Dating SC Assoc. Justice Azcuna: Impeachment proceedings vs. VP Duterte, hindi labag sa Konstitusyon dahil inaksyunan "not more than once a year" o sa isang araw sa isang taon | IBP President Atty. Allan Panolong, iginiit ang interpretasyong "not more than one a year" sa pagsisimula ng impeachment proceedings vs. VP Duterte


- South Korean superstar Hyun Bin, nagpakilig sa Pinoy fans sa kaniyang first-ever fan meet and greet sa Pilipinas


- Mala-Spider-Man at MJ mirror selfie ng Team "BreKa," kinakikiligan ng fans | Kilig vibes na hatid ng Team "BreKa," lalo pang naglayag sa "The Big ColLove" kagabi


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:04.
00:06.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28Igan, good morning. Isa itong Monumento Station ng Edsa Busway dito sa Kalokan doon sa apat na estasyon na kabilang doon sa Rehabilitation Project ng Department of Transportation.
00:39Tinanong ko Igan yung mga suki ng Edsa Busway dito sa lugar kung ano nga ba yung mga gusto nilang mabago sa mga estasyon.
00:49Ang maliwalas at kompletong pasilidad ng North Edsa Station ng Edsa Busway, gustong gayahin ng Department of Transportation para sa iba pang estasyon.
00:57Kaya sa sa ilalim ang mga ito sa rehabilitasyon.
01:00Kabilang sa Phase 1 ng rehabilitasyon ng North Avenue Station na karaniwang dinaragsa ng mga pasahero.
01:05Ang bagong barrio station sa Kalokan, kapansin-pansin na hindi gumagana ang isa sa tatlong elevators.
01:11Sa Monumento Station naman, hindi masyado makita ang pangalan ng estasyon dahil sa pondidong ilaw.
01:16Pahirapan ang mga pasahero dahil hagdan lang ang inaasahan nila para makapunta sa mismong estasyon.
01:22Gaya ng PWD na si Al, na itong sinasakyan araw-araw papasok sa kanyang trabaho.
01:27Siguro nga yan sa hagdanang, kailang baguhin. Lagyan naman ng PW-friendly naman yung kanilang paglakaran, diba?
01:34Lagyan ng escalator kaya elevator lang.
01:36Sa lahat naman yung makakatulong, hindi lang para sa akin. Kahit yung matatanda, makakatulong.
01:40Si Murphy naman na galing pang Bicol, hirap sa pagbuhat ng kanyang bagahe. Hiling niya magkaroon ng elevator sa Monumento Station.
01:47Mahirap yung babaakit ka, lalo na pag may dala. Doon ako nahirapan. Pagdating kasi sa taas, buti nalang inakyat nung mama. Kasi kung hindi, hirap na hirap po talaga ako. Pagod na pagod na ako.
02:01Para kay Maria Cecilia, nasuki na rin ang busway. Mas mainam na may mabago rin sa sistema ng biyahe ng mga bus.
02:07May mga tigil-tigil pa na naante, pinupulo. Maganda sana kung pagkasakay mo, alis agad. Tulad nyan, maaga ako umalis. Sigurado yan, tagal ko rin dyan. Minsan, madilim. Madilim. Yun lang. Sana mabago.
02:24Sabi ng DOTR, kasama rin sa rehabilitasyon ng Guadalupe Station sa Makati City.
02:29Sa matalaigan, target din ang DOTR na magdagdag ng dalawang estasyon pa ng EDSA busway, isa sa Cuba at isa sa PITX, na inaasahang matatapos sa susunod na taon.
02:44Silipin naman po natin yung lagay ng trafiko dito sa EDSA Monumento sa Kalooka na nakikita nyo po ang mga sasakyan na galing doon sa area ng Kamanaba na bumabagdas dito sa southbound lane ng EDSA.
02:55Maluwag pa naman po yung sitwasyon ng traffic maging doon sa northbound lane.
02:59At nakikita ko dito naman po sa estasyon ng Monumento, ay wala pa naman ganong pila ng mga pasahero ngayong umagad.
03:04Kung magkaroon man ang pila, ay agad na umuusad at marami din naman po mga carousel bus na naghihintay dito ng mga pasahero.
03:11Yan ang mga balita mula rito sa Kalooka City. Ako po si James Agustin para sa Jemmy Integrated News.
03:17Ngayong Monday morning rush hour, iba-ibang problema na naman ang dinarana sa mga sumasakay sa LRT1.
03:24Hinig nila, matugunan daw ito ng DOTR na mag-iinspeksyon doon.
03:29Live mula sa Pasay.
03:32Mungunang balita si Gayetong Lak.
03:34Gaya.
03:38Igan, mahabang pila, siksikan sa tren at matarik na hagdan sa overpass.
03:42Ilan lang yan sa mga reklamo ng mga commuter na nakausap natin dito sa LRT1 EDSA station.
03:49Mataas? Mataas ang hagdan?
03:51Madaling araw pa lang, nasubok na agad ang mga tuhod ng 56 anyos na si Tatay Melchor na galing Cavite.
04:00Matarik kasi ang hagdan sa dadaanan niyang overpass mula LRT1 EDSA patawid para sumakay ng MRT3.
04:07May buhat pa siyang mga gamit.
04:09Biyahing mandaluyong si Tatay Melchor para ihatid ang anak niya sa trabaho.
04:14Nakakapawid sa pagtaas. Kapag Monday, medyo siksikan dito. Masyado mataas. So bakit nga yung tuhod ko?
04:21Ang grade 12 student naman na si Jessica, papasok pa lang ng eskwelahan pero tumatagaktak na ang pawis pagbaba ng tren.
04:29Pag rush hour po, sobrang siksikan po. Ang hirap pong pumasok, tapos ang hirap din makalabas.
04:34Mahirap since nakatakong po ako, may times na madulas, lalo na po pag maulan. So ayun po, bukod sa masakit sa paa yun, nakakabad din po humakbang.
04:44Si Joshua naman na papasok pa lang ng trabaho, may dala ng portable fan para iwas pawis sa commute ngayong umaga.
04:51Yung pila po, lalo na po pag-uwi yan kapag rush hour. Yung inaakit pa yan, nakakapagod lalo na pag galing sa trabaho.
04:59Lalo na po yung pag may nagmamadali po, tapos nag-uunahan sa pagtap ng BIP card, tapos sa pagpasok po ng LRT.
05:07I-inspeksyonin ni Transportation Secretary Vince Dizon ng LRT 1Ed sa station ngayong umaga.
05:17Iga noon going na yung inspeksyon ni Secretary Dizon kung saan isa sa mga napunan niya, yung mga vendor na nakaharang sa mga dinaraanan ng mga commuter.
05:25Sabi naman ang mga nakausap natin, di hamak na nakakatipid sila sa biyahe kapag sumasakay sila ng LRT 1,
05:31pero siguraduhin lang daw ng gobyerno na ligtas at accessible pa rin ito para sa lahat.
05:37At yan ang unang balita mula rito sa Pasay, Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
05:42Ipinagutos ng Department of Education sa mga paaralan na higpitan pa ang pagpapatupad ng mahakbang para labanan ang karahasan sa eskwelahan.
05:50May unang balita live si EJ Gomez.
05:55Susan, mas pinaiigting ngayon ng Department of Education o DepEd ang mga hakbang nito laban sa school-based violence,
06:07kasunod ng nangyaring shooting incident sa loob ng isang eskwelahan sa Nueva Ecija.
06:12Matapos ang nangyaring pamamaril ng 18-anyos na lalaki sa kanyang 15-anyos na ex-girlfriend sa loob mismo ng paaralan sa Nueva Ecija,
06:23nagbaba ng utos ang Department of Education o DepEd sa mga field office nito na maging alerto
06:29at magpatupad ng mas mahigpit na preventive measures laban sa mga karahasan sa mga paaralan.
06:35Sa isang memorandum, binigyan din ang DepEd ang tungkulin nitong panatilihin ang ligtas at protective learning environment para sa lahat ng estudyante, guro at school personnel.
06:47Iginiit din ang DepEd na kabilang sa Child Protection Policy ang pagbabawal sa pagpasok sa school premises ng mga deadly weapons, droga, alkohol, toxic substances at pornographic materials.
06:59Si Mirna, araw-araw na hatid sundo ang kanyang anak na grade 6 students para panatagdawang loob niyang ligtas ang kanyang anak.
07:07Mas maganda, mas prioritize ng mga school na safe ng mga bata.
07:16Tsaka bawal din ng outsider dito tapos hindi sila basta-basta nagpapapasok ng iba.
07:23Tsaka kung sinong sundo, yun lang po makakakuha sa bata.
07:27Kampante naman po ako sa school regulation nila kasi parang safe silang inahandle yung mga bata.
07:38Hindi sila basta-basta nagtitiwala.
07:41Mahigpit daw ang security measures na ipinatutupad sa elementary school na ito sa Marikinas City.
07:464 AM po, pumapasok pa ako ng maaga kasi inalalayan ko rin yung mga bata na maaga silang pumapasok at nandyan na sila sa labas.
07:57Pinagbabawalan ko silang lumayo.
07:59Nandito lang sila sa loob ng bakod ng school.
08:02Mayroon kaming CCTV dito ma'am, paikot po yan lahat dyan, mayroon dyan.
08:05Alito ma'am, nakapila lahat ang bata dyan.
08:08No parent allowed inside.
08:10Binigyang diin naman ng Alliance of Concerned Teachers Philippines ang pangangailangan sa dagdag na guidance counselors at mental health professionals
08:18para magabaya ng mental health at psychosocial needs ng mga estudyante sa mga eskwelahan.
08:24Sisikapin naming kunan ang reaksyon ng DepEd ukol dito.
08:27Susan, binigyan diin din ng DepEd sa policy guidelines nito sa pagpapatupad ng revised school-based management system
08:39na may shared duty ang school communities para masiguro ang safe, secure, inclusive, resilient at learner-centered na learning environment para sa lahat.
08:51At yan, ang unang balita mula po dito sa Marikinas City.
08:55EJ Gomez, para sa GMA.
08:57Integrated News.
08:59Samantala, kumustuhin natin ang magiging lagay ng panahon ngayong may Bagyong Goryo.
09:04Makaprem natin live si Dr. John Manalo, weather specialist mula sa Pagasa.
09:08Dr. John, good morning po.
09:09Good morning, Andrew. At ganoon din sa ating mga taga-subaybay.
09:13Nasa na po ngayon itong si Bagyong Goryo?
09:16Kagabi ng 1120 ay pumasok na ito ng Philippine Area of Responsibility
09:21at sa kasalukuyan ay nasa 1,325 kilometers na ito east ng extreme northern Luzon.
09:28Dr. John, lalakas pa ba itong si Goryo?
09:30At kailan po yung naasahan na magiging typhoon category na siya?
09:33Sa kasalukuyan kasi ay nasa severe tropical storm siya
09:38at yung paglakas niya ay hindi pa rin natin inaalis sa mga susunod na oras at araw.
09:43Pero nakikita natin na kung hindi magbabago yung mga kondisyon
09:47ay posible na maging typhoon ito sa mga susunod na oras
09:53and eventually ay hihina.
09:54Babalik siya sa severe tropical storm sa mga susunod na araw
09:58and by Thursday ay manunumbalik ito sa tropical storm sa labas ng par.
10:04May mga uulanin na po bang lugar dahil po dito kay Bagyong Goryo?
10:09Dahil sa may distansya ito, may kalayuan siya
10:12at yung habagat natin sa kasalukuyan ay hindi ganun kalakas
10:16ay wala itong magiging epekto sa anumang parte ng ating basa
10:19at wala rin magiging enhancement ng habagat.
10:21Pero kung sakali man na magbago yung truck niya at mag-move pa southward
10:25posibleng maapektuhan.
10:27Pero limitado lang ito sa extreme northern Luzon,
10:30particular na sa Batanes.
10:32So lili namin ko lang, Dr. John, hindi niya ihilahin
10:34at paralakasin itong hangi habagat. Tama ba?
10:36Tama po, opo.
10:37Dok. John, ito last question po.
10:40May posibilidad bang bumaba po yung galaw nitong bagyo,
10:43yung iba po ng landas?
10:44Maaari po ba mag-landfall ito sa Pilipinas?
10:47Sa ngayon po, ay hindi natin nakikita na mag-landfall ito
10:50sa anumang parte ng ating basa.
10:53Pero hindi natin inaalis yung posibilidad
10:55na bahagyang bumaba yung truck niya.
10:57At kung bumaba man, ang maapektuhan lang ay yung Batanes.
11:01Maraming salamat at magandang umaga po,
11:03Dr. John Manalo, weather specialist mula sa Pagasa.
11:06Ingat po kayo.
11:06Salamat din po.
11:08Nagbabala ang FIVOX sa posibleng muling pagputok ng Bulkang Taal.
11:12Base sa inilabas na advisory na obserbahan na FIVOX,
11:15ang pagtaas ng seismic energy.
11:17Kasabay nito ang patuloy na volcanic tremor
11:19at pagkakaroon ng plume o usok mula sa crater.
11:23Nasa labinsyang na volcanic earthquakes na naitala mula August 9.
11:27Mula Hunyo naman, naitala ang low levels ng sulfur dioxide mula sa Taal.
11:32Nasa 374 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre kada araw
11:37ang huling naitala noong August 8.
11:39Ang mga ito, indikasyon daw na maaaring magkaroon ng phreatic
11:42o minor phreatomagmatic eruption.
11:46Nananatiling nasa alert level 1 ang Bulkang Taal.
11:50Ibig sabihin, bukot sa mga nasabing eruption,
11:52posible rin ang minor asphalt at volcanic gas.
11:55Bawal din pumasok sa Taal Volcano Island.
11:59Pinaiiwas din ang paglipad ng mga aeroplano sa ibabaw ng Taal Volcano Island.
12:03Patuloy ang abiso sa mga lokal na pamahalaan
12:06na maghanda sa posibleng efekto ng mga aktibidad ng vulkan.
12:09Hindi raw unconstitutional ang impeachment proceedings
12:23kay Vice President Sara Duterte
12:25ay ang gandating Supreme Court Associate Justice
12:27at 1987 Constitution Premier Adolfo Azcuna.
12:32Lahat daw kasi ng apat na complaint inaksyonan sa loob na isang araw,
12:35sa isang taon o not more than once a year.
12:38Ibang interpretasyon naman ang iginigit ng Presidente
12:41and Integrated Bar of the Philippines.
12:44May unang balita si Ian Cruz.
12:48Sa social media po,
12:50si dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna,
12:53isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution.
12:57Nagka-eureka moment daw siya
12:59tungkol sa depinisyon ng one-year ban rule
13:02kaugnay sa impeachment proceedings.
13:04Batay sa saligang batas,
13:05walang impeachment proceeding
13:07ang maaaring i-initiate laban sa iisang opisyal
13:10more than once within the period of one year.
13:14Sabi ni Azcuna,
13:15hindi sinabing not more than one a year
13:17o hindi mahigit isa sa isang taon,
13:20kundi not more than once a year
13:22o hindi mahigit isang beses sa isang taon.
13:26Ang apat daw na initiated complaints,
13:28ginawa ang initiation sa iisang araw
13:31na aniyay may tuturing na ginawa
13:33once o isang beses lang
13:35sa loob ng isang taon.
13:37Ibig sabihin daw,
13:38ang initiation proceedings na nangyari
13:40sa loob ng isang araw
13:41sa loob ng isang taon
13:43ay hindi umanulabag
13:44sa Section 3, Subsection 5
13:46ng Article 11 ng Konstitusyon.
13:49Ang rason daw ng once a year rule
13:51ay para malimitahan ang panahon
13:54na makukuha mula sa official duties
13:56ng iniimpeach na opisyal
13:58at ng Kamara.
13:59Ang multiple days daw
14:01ay kumukunsumo ng mas maraming araw,
14:04ngunit ang multiple
14:05o maraming reklamo
14:07na hinarap lahat sa loob ng isang araw
14:09ay kumunsumo lamang ng isang araw
14:11sa kasalukuyang mga kaso
14:13kahit parawag gamitin
14:15ang new definition
14:16ng pag-initiate ng impeachment.
14:18Ang apat na impeachment complaint
14:20kay Vice President Sara Duterte
14:22ay initiated o pinasimulan
14:24sa isang araw ng sesyon ng Kamara
14:26noong February 5.
14:282025.
14:29Sinisika pa ng JMA Integrated News
14:31sa makuwang panig
14:32ng iba pang legal luminaries
14:33at mga mambabatas
14:35ukol sa tila bagong depinisyon
14:37ng inisiyasyon ng impeachment proceedings
14:39sa pananaw ni Azkuna.
14:41Pero ang National President
14:43ng Integrated Bar of the Philippines
14:45sinabing ang kanilang posisyon
14:47ay ang umiiral na interpretasyon
14:49na not more than one a year
14:52kognized sa pagsimula
14:53ng impeachment proceedings.
14:54Ito para maiwasan niya
14:57ang hindi kailangan
14:58o harassment complaint
14:59laban sa mga impeachable na opisyal.
15:02Ito ang unang balita
15:04Ian Cruz
15:05para sa
15:06JMA Integrated News.
15:07Akilig-filled weekend
15:17ang hatin ni sub-Korean superstar
15:19Hyun Bin
15:19sa kanyang first-ever fan meet and greet
15:22sa Pilipinas.
15:23Game na game
15:30na sumakay sa iba't ibang pakulo
15:32ang crash landing
15:33on you star
15:33gaya ng larong
15:34have been
15:35or haven't been
15:36kung saan tinanong
15:38ang aktor
15:38kung may naitago siyang prop
15:40as souvenir
15:41mula sa mga naging project niya.
15:43Ang sagot ni Hyun Bin
15:44ang kanyang wifey
15:45at leading lady
15:46sa serya na si Sonia Jin.
15:48Inamin din niyang
15:49minsan na siyang lumabas
15:51na naka-disguise
15:52bilang matandang lalaki.
15:54May lucky fans namang
15:55nakakall si Hyun Bin
15:57sa larong crash call
15:59with been
15:59at na-meet
16:00ng malapitan si Opa.
16:03Ipinamalas din
16:03Hyun Bin
16:04ang kanyang Filipino
16:05speaking skills
16:06sa pagbanggit
16:07ng mahal kita.
16:09Sa huli,
16:09pinasalamatan ni Opa
16:10ang warm welcome
16:11at energy
16:12ng Pinoy fans.
16:14Gusto mo bang
16:15mauna sa mga balita?
16:16Mag-subscribe na
16:17sa JMA Integrated News
16:19sa YouTube
16:19at tumutok
16:20sa Unang Balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended