Skip to playerSkip to main content
Unang Biyernes ng Disyembre mga Kapuso at papasok na ang long weekend! Inasaahan man ang traffic... hindi napigil ang christmas spirit sa pag-iilaw ng christmas tree sa lungsod ng maynila na may pa-concert pa!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Unang Biyernes ng Disyembre, mga kapuso, at papasok na ang long weekend.
00:05Inaasahan man ang traffic, hindi napigil ang Christmas spirit sa pag-iilaw ng Christmas tree
00:11sa lungsod ng Maynila na may pa-concert pa.
00:14At mula roon, nakatutok live si Jamie Santos.
00:18Jamie!
00:22Vicky, sabay-sabay na umapaw ang liwanag at hiyawan.
00:25Dito nga sa kartilya ng katipunan sa pailaw ng Christmas tree ng Maynila,
00:30hudyat na opisyal nang pumasok ang lungsod sa kapaskuhan.
00:34At ramdam na ramdam na nga ang Christmas rush.
00:36Dahil 20 days bago Pasko, napakatindi ng traffic sa halos lahat na parte ng lansangan.
00:42Pinabigat pa yan dahil nasa bayan ng long weekend.
00:463, 2, 1!
00:50Merry Christmas!
00:52Sa pagliwanag ng Christmas tree ng Maynila,
00:55tila naghilom ang pagod ng buong araw para sa mga pamilya at magkakaibigan na dumalo.
01:00Sa loob ng ilang segundo, napalitan ng ngiti at sorpresa
01:03ang bigat ng traffic at siksikan sa daan.
01:06Isang paalala na ang Pasko ay nananatiling panahon ng pag-asa at pag-uwi sa ligaya at pagmamahalan.
01:12Ang pailaw ngayong taon ay sinabayan ng Christmas concert.
01:16Tampok ang iba't ibang banda kabilang ang Manila City Band.
01:19Sa kanilang musika, muling sumigla ang crowd.
01:22Mula bata hanggang matatanda,
01:24nasabik makaramdam ng saya matapos ang mahabang araw ng paghihintay
01:27at mabigat na daloy ng sasakyan.
01:30Sa ilalim ng Christmas tree,
01:31isang tunnel ang makikitan na pinailawan gamit ang isang electric vehicle.
01:35Ayon sa Manila LGU,
01:37higit pa sa dekorasyon ang nayunin ng lighting ceremony.
01:39Ito ay pagbibigay diin sa mga pinahahalagahang mensahe ng kapaskuhan,
01:44pag-asa, pagmamahalan at sama-samang pagbangon ng komunidad at bawat pamilya.
01:50Tampok din namang ipinagmamalaki at mahuhusen na performing groups mula sa Manila
01:54na nagbigay kulay at enerhiya sa gabi ng pagdiriwang.
01:58Enjoy na enjoy ang inabutan naming nanonood ng pailaw at concert sa kabila ng matinding traffic ngayon.
02:03May mga bazarding makikita na tampok ang iba't ibang pagkain at mabibili ngayong Pasko.
02:08Sobrang saya pa kaya sobrang naramdaman po namin ang kabaskahan dito sa Pilipinas.
02:13Kahit ano mangyari di abat, maging masaya tayo dahil yun ang kapangnakan ng ating Panginoon.
02:24BK sa mga oras na ito ay nakakaramdam pa rin ng pagbigat ng daloy ng trapiko.
02:29Partikular nga dito sa tapat ng kartigan ng Katipunan.
02:32Dahil nga yung ilang commuters dito nahihirapang makasakay dahil yung mga PUV pagdating dito punuan na.
02:37Pagdating din sa May Quiapo Church ay bumper to bumper ang mga sasakyan dahil marami ang kumaten sa unang misa ng unang biyernes ng Desyembre.
02:46At yan ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa'yo Vicky.
02:49Maraming salamat sa'yo Jamie Santos.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended