Skip to playerSkip to main content
Mas pina-espesyal ang pagpapailaw ng higanteng Christmas tree sa Malabon dahil tampok doon ang mga volunteer na nagbigay ng kanilang 'di matatawarang serbisyo publiko.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas pina-espesyal ang pagpapailaw ng higanting Christmas tree sa Malabon
00:05dahil tampok doon ang mga volunteer na nagbigay ng kanilang hindi matatawarang serbisyo publiko.
00:12At nakatutok doon live si Jamie Sam.
00:15Jamie!
00:20Vicky, higit sa ilaw at kasiyahan, tampok ngayong gabi ang mga volunteers ng Malabon
00:26na nagbigay pag-asa sa gitna ng bagyo, kalamidad, sunog at maha
00:31at patuloy na nagpapadama ng tunay na diwan ng Pasko dito sa Malabon.
00:39Makulay at mas maliwanag ang pagsalubong ng Malabon City sa kapaskuhan ngayong taon.
00:45Sa Welcome Arc sa Barangay Tonsuya, opisyal nang pinailawan ang 40-foot giant Christmas tree
00:51nasinundan ng inang minutong fireworks display.
00:58Ang tema ngayong taon, May Your Wish Come True, ay sumisimbolo sa mga pangarapat at hikain
01:04na mga mamamayan ng lungsod upang gawing maunlad, inklusibo at kaaya-ayang tirhan ang Malabon para sa lahat.
01:11Tampok ngayong gabi ang 21 ahensya, organisasyon at volunteers
01:16mula sa mga tumulong sa mga biktima ng bagyo, baha at sunog hanggang sa mga nagservisyo sa iba't ibang programa ng lungsod.
01:23Bilang simbolo ng kanilang servisyo at malasakit, isa-isa nilang inilagay ang mga paron at Christmas tree
01:28na nagbigay ng espesyal at pakuloy na diwan ng Pasko sa programa.
01:32Masaya po, karangalan po namin yun ma'am na i-represent po ang Malabon City.
01:38Nandun na po yung kaba, pero mas nangingibabaw po kasi yung damdamin para makatulong sa mga mayan.
01:47Sa pag-recognition niya sa amin bilang mga kasundulan na sa pagdating ng sakuna,
01:53andyan po kami na kung kailangan nila ng tulong sa amin sa mga kasundulan dito sa Malabon,
01:59ay andyan po palagi kami para upang tumulong po sa mga.
02:02Kasabay ito ng pagdiriwang ng International Volunteers Day bilang pagkilala sa kanilang malasakit at walang sawang pagtulong sa komunidad.
02:11Umaasa naman ang LGU na lalo pang dadagsa ang mga bibisita sa lungsod sa mga susunod na araw.
02:17Ipinagdiwang din ang tagumpayan ng Cleanest and Greenest Barangay Winners,
02:21patunay ng disiplina, malasakit at pagkakaisahan ng bawat malabuenyo.
02:28Vicky, sa pagsisimula ng kapaskuhan dito sa Malabon,
02:31ipinapaalala ng mga volunteers na ang tunay na liwanag ng Pasko ay ang kusong handang maglingkod sa komunidad.
02:38At yan ang latest mula rito sa Malabon. Balik sa'yo, Vicky.
02:42Maraming salamat sa'yo, Jamie Santos.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended