00:00Sisimulan na ng Justice Department ang preliminary investigation sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan sa susunod na linggo.
00:08Positibo ang DOJ na matatapos ang pagdinig sa loob ng isang buwan.
00:13Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:16Ipinasagbina na ng Department of Justice ang mga sangkot sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan.
00:23Ayon kay Justice OIC Secretary Frederick Vida, sinimulan na ang personal na pagpapadala nito sa mga respondents sa reklamo.
00:32Some of the subpoenas have been personally served, yung initial na 5 cases, wherein the DOJ has been deputized by the office of the ombudsman.
00:42Kung matatandaan, ang reklamong ito ay ang isinampa ng NBI sa DOJ noon at ipinasa naman ng DOJ sa ombudsman.
00:50Pero, ibinigay muli ng ombudsman sa DOJ para masimula ng preliminary investigation.
00:56Ang reklamo ng NBI ay malversation through falsification, perjury at paglabag sa anti-graft and corrupt practices.
01:04Ang mga respondents dito ay ang mga dating DPWH officials na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez, RJ Domasig, JP Mendoza, Sally Santos at apat na iba pa.
01:17Tiniyak naman ang DOJ, bibigyan pa rin ng due process ang mga respondents.
01:22May karapatan din. Diba? Pare-pareho may mga karapatan. At hindi ito tayo dapat mawawaglit sa rule of law.
01:29Kasi pag nag-shortcut ho tayo, dan ho tayo magkakawindang-windang. Sundin natin ang proseso.
01:36Gaano man ho kabagal, umiikot po ang proseso. Pero pinipilit po natin pagalawin ng tama.
01:41Kinumpirma naman ni Prosecutor General Richard Fadolion na sa November 10 o sa susunod na linggo simula na ng preliminary investigation.
01:51Positibo pa rin raw ang DOJ na sa loob lang ng isang buwan tapos na ang pagdinig sa reklamo.
01:56By December, may filing of cases na sa quarter?
02:00Yes, yes. Especially for this yung initial batch. Yes. Yes, we're without prejudice to the regular processes.
02:11Again, diba? My appeal is that we follow the process.
02:15Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.