00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay po ang isang rider ng motorsiklo matapos siyang masalpok ng isang SUV sa Mangaldan, Pangasinan.
00:17Chris, ano ang nangyari?
00:21Connie, ayon sa polisya, nag-overtake ang SUV sa isang jeep kaya nabangga ang motorsiklo.
00:27Sa kuha ni CCTV, kita ang pagtilapon ng dalawang sakay ng motorsiklo matapos na mabangga ng SUV.
00:34Hindi umabot ang buhay sa hospital ang rider habang sugatan ang kanyang angkas.
00:38Damay din ang nakaparadang motor at pickup sa gilid ng kalsada.
00:43Ayon sa polisya, negatibo sa alcohol breath test ang driver ng SUV.
00:48Nakipag-usap na raw ang driver ng SUV sa pamilya ng mga biktima.
00:52Wala pang pahayag ang driver at ang kaanak ng mga biktima.
00:57Ito ang GMA Regional TV News.
01:02Tungkol naman sa lindol na nangyari dyan sa Cebu,
01:05lumalaki raw ang mga bitak sa lupa sa bayan ng Tabogon
01:09na lumitaw kasunod nga po ng magnitude 6.9 na lindol doon noong September 30.
01:15Cecil, bakit daw lumalaki? May eksplanasyon na ba?
01:20Connie, hinala ng mga residente ay dahil yan sa mga aftershock ng lindol.
01:25Kwento ng isang residente ng barangay Tapul,
01:28maliit lang noong una ang bitak sa lupa hanggang sa umabot na sa loob ng kanilang bahay.
01:34Dahil dyan, hindi na muna sila pinayagan ng MDRRMO na manatili sa bahay.
01:39Ayon sa MDRRMO, sinusuri na ng Prevox at DOST ang mga bitak sa tatlong barangay,
01:45pati ang mga dance line area sa pitong barangay.
01:49Hanggang ngayon ay may mga nakuhulog pa rin daw na malalaking bato mula sa bundok.
01:54Dahil sa bantan ng tiligro, hindi muna pinadaraanan ang ilang kalsada
01:58at patuloy na minomonitor ng mga otoridad.
02:01Bye.
Comments