00:00Sa ibang balita, in inspection mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Davao River Bridge para personal na alamin ang kalidad nito.
00:07Inaasahan namang matutugunan ng bagong tulay na ito ang problema sa trapiko sa lungsod at mapabibilis ang biyahe at kalakalan sa Davao Region sa pagubukas nito sa publiko ngayong Desyembre.
00:18Ang detalya sa report ni Janessa Felix ng PTV Davao.
00:21Nobyembre taong 2023, sinimula ng konstruksyon ng Davao River Bucana Bridge na proyekto sa ilalim ng Unified Project Management Office, Bridges Management Cluster at pinunduhan sa pamamagitan ng Official Development Assistance Grant mula sa China, kung saan ang proyekto ay pinunduhan ng mahigit 3 bilyon pesos.
00:44Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasabing tulay sa Davao City kasama niya sa Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
00:58Nauna nang ipinagutos ng Pangulo na pabilisin ang konstruksyon ng nasabing infrastruktura na makakatulong sa traffic congestion sa lugar at para mas mapabilis ang connectivity sa eastern at western coastal areas ng Davao City.
01:10Na ang biyahe na dati halos dalawang oras ay mababawasan magiging mga 25 minutes, 20 minutes na lang at malaking ginhawa, lalong-lalo na ngayon na magpapasko tayo, alam naman natin ang nangyayari sa traffic.
01:28Personal ding inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. na sa December 15 ngayong taon, bubuksan na sa publiko ang Davao River Bucana Bridge.
01:36Malaking tulong anya ito, lalo na sa darating na holiday season.
01:40Ang nasabing tulay ang magsisilbing pangunahing daan ng mga motoristang babyahe papunta at pabalik sa Bucana Bridge at Davao City Coastal Road.
01:48Base sa handling projection, ang tulay ay makakapag-accommodate ng humigit kumulang 35,000 vehicles kada araw.
01:55Natulungan naman tayo ng ating mga Chinese na kontraktor dahil ang ganda ng technology nila kaya napakabilis at marunong talaga sila magpatayo ng magandang tulay, magandang infrastructure, na mabilis at nasa tamang gastos, nasa tamang presyo.
02:17Mas mabilis at maginhawa na ang magiging biyahe ngayon ng mga motorista dahil sa proyekto.
02:22Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment