Skip to playerSkip to main content
  • 4 days ago
Davao River Bucana Bridge, ininspeksyon ni PBBM bago ang pagbubukas nito sa Dec. 15 | ulat ni Janessa Felix - PTV Davao

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaasahan na mapabibilis pa ang biyahe at kalakalan sa region ng Davao.
00:06Ito'y dahil sa loob lamang ng dalawang taon ay natapos na ang bagong tulay sa Davao City na inaasahang tutugun din sa problema sa trafiko.
00:15Kung kailan yan bubuksan sa mga motorista, alamin natin sa sentro ng balita ni Janessa Felix ng PTV Davao Live.
00:24Yes Angelique, personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:29ang 400 meter na Davao River Bridge o mas kilala bilang Bucana Bridge sa Davao City ngayong araw.
00:36Kasama rin niya sa pagbisita sa Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon.
00:42Ito ay matapos ipag-utos ng Pangulo na bilisan ang konstruksyon ng nasabing imprastruktura
00:47na makakatulong upang maibsan ang traffic congestion at magpapadali ng connectivity sa eastern at western coastal areas ng Davao City.
00:54Ang tulay ay isang 4-lane, 6-span extra-dosed structure na may habang 420.20 meters at may karagdagang 1,340 meters na approach roads.
01:06Una nang inanunsyo ng DPWH Regional Office 11 na plano nilang buksan sa publiko ang tulay kapag nakumpleto na
01:13ngayong buwan ng Desyembre ang asphalt road patungo sa Quezon Boulevard.
01:16Ito ang magsisilbing pangunahing daan ng mga motorista na babiyahe papunta at pabalik mula sa Bucana Bridge at Davao City Coastal Road.
01:25Base sa handling projection, kaya ng nasabing tulay na mag-accommodate ng mahigit 35,000 vehicles daily.
01:31Ang proyektong ito ay pinatupad ng Unified Project Management Office, Bridges Management Cluster at pinunduhan ng mahigit 3 billion peso
01:38sa pamamagitan ng Official Development Assistance Grant mula sa China.
01:43Narito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:45Na ang biyahe na dati halos dalawang oras ay mababawasan, magiging mga 25 minutes, 20 minutes na lang.
01:55Kaya't malaking ginhawa, lalong-lalo na ngayon na magpapasko tayo, alam naman natin nangyayari sa traffic.
02:04Angelic sinimula ng konstruksyon noong November 2023 at bubuksan na ito sa publiko ngayong December 15, 2025.
02:12Mula dito sa Davao City, Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:19Maraming salamat sa iyo, Janessa Felix.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended