Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Davao City, handang-handa na sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival | Janessa Felix - PTV Davao

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakalatag na ang paghahanda para sa Kadayawan Festival sa Davao City sa August 17.
00:05Ngunit ano nga ba ang Kadayawan Festival at kung bakit taon-taon itong ipinagdiriwang?
00:10Si Janessa Felix ng PTV Davao sa Detalye Live.
00:15Yes, yes, nandito ako ngayon sa mismong tribal village dito sa Magsaysay Park sa Davao City.
00:21Suot itong traditional nakasuota ng tribong bang sa kagan kung saan humingi rin ako ng pahintulot mula sa tribo upang masuot ito.
00:29Isa lang ito sa labing isang tribo sa Davao City na hanggang ngayon ay nananatili pa rin buhay sa lungsod.
00:37Ang Kadayawan Festival ay isang paraan upang i-promote ang kaalaman at pagkilala sa labing isang tribo ng Davao City.
00:45Layunin din ang selebrasyon na maunawaan ang pinagmula ng lungsod at ang papel ng mga tribo sa pag-unlad ng Davao ngayon.
00:52Binubuo ang labing isang tribo ng limang katutubong tribo o indigenous people at anim na Moro tribe.
00:59Kabilang Samoro tribe ang bang sa kagan na siyang itinuturing na mga katutubo o native inhabitants ng lungsod.
01:06Ang salitang kag sa kagan ay nangangahulugang to warn dahil noong unang panahon sila ang mga frontliner na nagbibigay babala kapag may paparating na kaaway.
01:16Matatapang din ang mga kagan dahil sila ang nanguna sa pagpapaalis sa mga Amerikanong mananakob sa Davao noon sa pamumuno ni Datumangonlayon at Datumanubilan.
01:25Maliban sa kagan, nakipaglaban din noon sa mga mananakob ang tribong magindanawan.
01:32Bagamat hindi sila orihinal na mula sa lungsod oriyon, nagtungo sila sa Davao laban sa pananakob.
01:38Pinangunahan sila ni Datumabago na ikinasal sa anak ni Datumanubilan upang mapatatag ang alyansa ng dalawang tribo para sa proteksyon ng lungsod.
01:47Kilala rin ang tribo bilang People of the Flood Plains.
01:51Ang bang sa Iranon ang itinuturing na kauna-unahang na lumipat sa lungsod.
01:56Layunin ang kanilang paglipat ay ang pagkalat ng Islam.
02:00Itinuturing silang mga pirata ng kanilang kalaban.
02:03Dahil gusto nilang pigilan ang mga kaaway sa dagat pa lamang bago makapasok sa lupa.
02:08Eksperto sa pakikidigma sa dagat at ayaw pasakop sa kanino man.
02:11Ang ira sa pangalan ng tribo ay nangangahulugang residue at ang nun ay people therein o mga naiwang tao na hindi nagpasakop.
02:21Ang bang sa Tausog ay isa rin sa tribo na lumipat sa lungsod upang palawakay ng kanilang kabuhayan.
02:27Mula sila sa hulo at nanirahan sa Davao dahil sa kaayusan at katahimikan ng lugar.
02:32Ang salitang Tausog ay nangangahulugang taong mula sa hulo dahil ang sog ay mula sa lumang pangalan ng hulo.
02:38Ang bang sa Maranao ay kilala bilang People of the Lake na galing sa Lanao del Sur at lumipat sa Davao para magnegosyo.
02:47Isa sa mga simbolo ng kanilang tribo ang Sarimanok na sumisimbolo ng kanilang karangalan, pagkakaisa at katatagan.
02:56Ang bang sa Sama ay isa rin sa mga tribo na hindi orihinal na mula sa lungsod ngunit nanirahan na rito.
03:01Mula sa Tawi-Tawi at Sulu, kilala ang mga Sama bilang mapayapa at umiiwas sa kaguluhan.
03:08Naninirahan sila malapit sa dagat at ang pangunahing hanap buhay ng kalalakihan ay pangingisda.
03:14Ang karamihan sa mga Moro tribes sa lungsod ay mula sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
03:19Pinili nilang manirahan sa Davao dahil sa kapayapaan at pagunlad ng lungsod.
03:23Dahil na rin sa kanilang mga produkto at natatanging pagkahakilanlan, lalo pang umuunlad ang Davao City.
03:29Ang Davao City ay tahanan na ng limang tribo ng katutubo o indigenous peoples na bahagi ng kabuoang labing isang tribo sa lungsod.
03:38Sila ang mga orihinal na naninirahan sa syudad bago pa man dumating ang iba pang tribo na ngayon ay kasama na rin sa mga residente ng lungsod.
03:46Isa na rito ang pinakamatandang tribo sa syudad, ang Obomanuvo, na kasalukuyan ay nasa Marilog District.
03:52Isa pa sa limang pangunahing tribo sa lungsod, ang Bagobo Klata, na sa kasalukuyan ay nasa Katalunan Grande patungo sa Baguio District.
04:01Gaya ng Obomanuvo, ang kanilang orihinal na tirahan ay ang kapatagan.
04:05Ang pangalang Bagobo Klata ay nagmula sa salitang klatang ang kanilang espesyal na hagdana na maaring tanggalin para mahirap pasukin ng kalaban.
04:12Samantala ang ata ay kilala bilang People of the Mountains dahil sila ay naninirahan sa kabundukan.
04:21Kasalukuyang nasa Pakibato District ang kanilang komunidad.
04:24Kilala sila bilang mahiyain at may mabuting puso ngunit hindi rin basta-bastang galitin.
04:31Ang Matigsalog naman ay naninirahan rin sa kabundukan ng lungsod.
04:35Ang pangalang Matigsalog ay nangangahulugang mula sa Salug River.
04:39Kilala rin ang tribong ito na mahilig sa kapayapaan, maawain at mapagmahal.
04:45At ang Bagobo Tagabawa na sa kanilang wika ang taga ay nangangahulugang mula sa
04:50at ang bawa ay timog kaya sila ay kilala bilang People of the South.
04:55Sila rin ang itunuturing ng mga tagapagtanggol ng Mount Apo dahil naninirahan sila
05:00sa paana ng bundok na tinatawag nilang Apo Sandawa.
05:09Slama Janessa Felix

Recommended