00:00Iingat naman tayo sa pagdedekorasyon ngayong Pasko para hindi matulad sa dekor ng isang munisipyo na pumutok at nasunog.
00:10Maging mapanuri sa mga binibili at sa paggamit ng mga palamuti, kahit mga simpleng Christmas lights lang.
00:17Alamin naman at safety tip mula sa pagtutok ni Dano Tingkongko.
00:22Biglang nag-apoy at pumutok pa mga dekorasyong pampasko sa munisipyo ng Subic, Zambales.
00:35Ayon sa ilang saksi, nagsimula yan sa Spark bago tuluyang nag-apoy.
00:39Pero agad namang naapula ng Subic Public Order and Safety Office bago kumalat.
00:44Hindi na bago ang mga sunog na ang mitsa ay Christmas decor.
00:48Pinakakaraniwang dekorasyon na maaaring mauwi dyan ang Christmas lights.
00:52Kaya tuloy, paalala ng Department of Trade and Industry,
00:55siguruhin lehitimo ang kalidad ng mga bibilhing ilaw pampasko.
00:59Kasama dyan ang pagsigurong merong Philippine Standards Mark o PS at ICC Mark ang binibili lalo na kung dekoriyente.
01:06Ganyan din ang paalala ng Bureau of Fire Protection.
01:09Bumili ng dekalidad.
01:10Huwag magtipid sa Christmas lights.
01:13Para sigurado lang naligtas ang lahat at hindi pa tayo makadamay sa ibang pamahayan.
01:18Maging maingat din dahil baka delikado kung lumang Christmas lights.
01:21Kung nabili yan last year pa, not everyone has a good storage.
01:27Yung iba ang napapansin namin, for example, sa bahay lang namin, gamitin ko ng example,
01:33pagtanggal ko sa aming mga old decors, decorative lights or Christmas lights,
01:38marami na siyang mga cobwebs, marami ng mga dust, and these are very combustible.
01:44Gusto ko na masigurado ko na safe ang members na aking pamilya, then I will not be using it anymore.
01:51Dagdag pa ng BFP, huwag dapat babad sa gamit.
01:54Pwedeng hayaang nakasinde kung gising.
01:56Pero kapag matutulog na, huwag na itong iwanang nakabukas.
01:59Kung binabad na kasi natin yun and sumobra na sila sa ilang operating capacity,
02:05the tendency is umiinipin yung wire kasi that is a live current.
02:11Kung hindi natin pagpahingayin yun, it will come into a moment where yung nagkakaroon siya ng overheating.
02:22So mas maganda talaga kung bigyan ng breather.
02:26For example, 4 hours, pagpahinga ng 1 hour or 2 hours.
02:30Kung naulan na naman, mainam pa rin daw na obserbahan kung magkakaproblema kahit pa sinasabing all weather ito o pwede sa ulan.
02:38Kung aalis naman ang bahay, lalot marami ang nagbabakasyon pagpasko, ugaliing hugutin ito sa saksakan.
02:44Maaari hindi natin alam kung anong nangyayari sa loob ng bahay.
02:48Lalong-lalo na pag may mga pests or certain animals tayo around,
02:53minsan ito ay napaglaruan, kinakagat, and maaari mag-cause din ito ng sunog.
03:00Para sa GMA Integrated News, dahan natin kung ko nakatutok 24 oras.
Comments