00:30Pero yan po, dahil ASF-free na, may ilan, hindi pa lahat, nilift na itong closure order.
00:37Ito pong ating kinatatayan ngayon, isa yan sa mga nabigyan na o nalift na yung kanilang closure order.
00:44Pero tulad ng nakikita natin, eh hindi pa ho nagpapatuloy ang kanilang operasyon at tahinig pa ang kanilang mga litsunan.
00:52Ang tanong ngayon na mga litsunero, lalo na yung mga hindi pa rin nabawawala yung kanilang nalilift, ang kanilang closure order, kailan kaya sila muling makakapag-operate?
01:02At para sa rutin niyan, makakausap po natin ngayong umaga si Ms. Margie Mejia, ang head ng Quezon City Business Permits and Licensing Department.
01:10Ma'am Margie, magandang umaga po. Welcome sa Unang Balita.
01:12Magandang umaga po sa inyo and thank you for having me this morning.
01:21Yes ma'am, ang tanong po ng mga litsunero dito, kailan ho kaya makakapagbalik operasyon yung mga, merong mga temporary closure order?
01:29Kasi since diniklaran na nating ASF free, kailan ho kaya sila makakapagbalik operasyon?
01:34Sir, sa ngayon po, yung apat po, apat na po yung nabigyan natin ng lifting order nung kanilang temporary closure dahil po, unang-una po na declare na po na ASF free ang laloma.
01:49Pangalawa po, yung apat na po na yun ay nakapag-comply na po sa mga sanitary standards and requirements ng ating Quezon City Health Department.
01:57At ngayon din po, nakapag-comply na rin po sila sa mga documentary requirements ng City Veterinary Department.
02:04Nirecommendan na po sila na i-lift yung kanilang closure orders.
02:08The others naman, patuloy po yung aming pag-guide at sa kanila pagtulong para ma-meet nila yung mga kinakailangan para ma-lift na po, ma-issue na po sila ng lifting order.
02:22So ano po, hopefully po...
02:25So ibig sabihin, nasa kanila po, the sooner they comply...
02:28Yes. The sooner they can be opened. Yes, tama po yun.
02:37Okay. O para naman po sa mga mamimili, ma'am,
02:42paano kaya nila masisiguro na yung binibilihan nila ay talagang pasado sa standards ng Quezon City Government?
02:49Pero mga number one po, dapat may business permit po mula sa Quezon City Government.
02:55And pangalawa po, dapat po yung kanilang baboy, chicken bin po nila kung yung binibentang baboy ay galing sa mga pumasa at na-inspect ng National Meat Inspection Service.
03:08Ayun po yung mga dapat natin tingnan kapag pumibili tayo, hindi lang po ng lechon, kundi ganun din po ng mga karne ng baboy sa iba't ibang pamilihan.
03:19Yes, ma'am. Halos two weeks din, ano, ang kanilang temporary closure.
03:30Moving forward, paano po kaya natin masisiguro na mananatiling ASF-free, mananatiling ligtas, malinis ang mga lechonan dito sa Laloma?
03:39Para hindi na ho maulit itong kailangan pa natin ipasarapan samantala yung mga tindahan ng lechon.
03:44Yun naman po ang ating City Veterinary Department ay sustained naman po yung kanilang inspection, hindi lamang po dyan sa Laloma, kundi sa lahat ng parte ng Quezon City.
03:56And tinitiyak po natin, una, hindi po tatanggalin yung ating checkpoints dyan para masigurado na yung mga pumapasok na baboy ay may tatak nga po ng NMIS.
04:10At regular din po mag-iinspect ang ating City Veterinary Department and ang City Health Department para po masiguro na sumusunod po sa mga regulatory standards itong ating mga maninindad ng lechon sa Laloma.
04:25Ma'am Margie Mejia, ang head ng Quezon City Business Permits and Licensing Department. Maraming salamat po sa inyo. Magandang umaga.
04:37Thank you, Ivan. Thank you, Paul.
04:39Ilalabas na po mamaya na International Criminal Court Appeals Chamber ang desisyon sa apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa interim release.
04:48Habang hinihintay ang desisyon, nagsasagawa ng prayer vigil sa Maynila ang ilang taga-suporta ng dating Pangulo.
04:54May unang balita si Jomer Apresto.
04:59Nagdaraos ng prayer vigil ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa headquarters ng PDP Laban sa Santa Mesa, Maynila.
05:07Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, Deputy Spokesperson ng PDP Laban,
05:11iba't-ibang relisyon ang nagsama-sama para ipanalangin na pumabor sa dating Pangulo
05:15ang desisyon ng International Criminal Court o ICC para sa apelang interim release habang dinidinig ang kanyang kaso.
05:21Si Duterte ay nakulong sa ICC detention facility sa Daheg, Netherlands dahil sa kasong Crimes Against Humanity.
05:28Nagsimula ang programa ng alas 7 kagabi at magtatapos mamayaring alas 7 ng gabi.
05:32Ilan sa naabutan namin dito si na dating Energy Secretary Alfredo Cusi
05:35at dating Market Workers Secretary Abdullah Mamao.
05:38Nang tanongin naman namin si Atty. Topacio kung kumusta ang kalagayan ng dating Pangulo.
05:42Very restricted ang access sa kanya pero from what I heard from those in the know ay he is very hopeful.
05:53Kami po ay umaapila na because of his advanced age at sa kanyang health,
05:59if only for humanitarian reasons, hindi naman yan flight risk, hindi naman magtatagoyan, may karamdaman yan.
06:05Sinabi naman ni Topacio na handa na rin sila para sa gagawing kilos protesta kontra korupsyon sa linggo, November 30.
06:12Nakiusap na rin umano sila sa mga dadalo na iwasan ng kaguluhan para hindi na maulit pa ang nangyari noong nakarang kilos protesta.
06:19Hindi pa raw malinaw sa ngayon kung dadalo sa programa si Vice President Sara Duterte.
06:23At yan ang unang balita. Ako si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
06:28Hindi raw nagpaalam si Senador Bato de la Rosa sa kanyang mga pagliban sa Senado
06:33ayon kay Sen. President Tito Soto.
06:36Sabi ni Soto, hindi pa niya nakakausap si de la Rosa mula ng nagbaliksesyon ang Senado noong November 10.
06:42At hindi na rin pumasok simula noon ang Senador.
06:46Ilang araw yan, mataw sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remullia
06:48na may warrant of arrest na ang International Criminal Court para kay de la Rosa
06:53kaugnay na kanyang naging partisipasyon sa War on Drugs noong Administrasyong Duterte.
06:59Hindi naman kinumpirma ng ICC ang paglabas ng warrant of arrest.
07:02Kahapon, si Senate Finance Committee Chairman Wynn Gachalian
07:05ang nag-defend ng budget ng Department of National Defense sa plenario
07:09na dapat ay trabaho ni de la Rosa.
07:13Nagsabi daw kasi ang staff ni de la Rosa na hindi makakarating ang Senador kahapon.
07:17Aking kasoto, hindi ito dapat nangyayari.
07:20Titignan daw niya kung may parusa para sa mahabang pagliban sa Senado.
07:26Hindi okay yun.
07:28Sana, hindi mo kaya, hindi mo dapat hindi ka hiniling na makuha po yung servaship.
07:34Especially vice-servaship ng budget.
07:36Senyora Feds, napakahalagay.
07:40Lusot na sa Senado ang panukalang 889 million pesos na 2026 budget
07:47ng Office of the Vice President.
07:49Inapurbahan niyan ng Senate Plenary nang wala pang limang minuto.
07:53Nagbigay muna ng manifestation si Senador Robin Padilla
07:56para magbigay ng suporta kay Vice President Sara Duterte.
07:59Pagkatapos ay nagmosyon si Senador JV Ejercito na isara na ang pagdinig.
08:04Nagpasalamat naman ang vice sa pag-aproba ng Senado sa 2026 budget ng kanyang opisina.
08:11Nito miyakoles, mabilis ding inaprobahan ang Senado
08:14ang 27.3 billion pesos na budget ng Office of the President.
Comments