- DA Sec. Tiu Laurel: May P75M halaga ng umano'y ghost farm-to-market road projects sa Davao Region at Zamboanga City
- Resignation ni Zaldy Co bilang kongresista, tinanggap na ni House Speaker Dy
- Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista
- Ilang bahagi ng Metro Manila, mabilis na binaha kahapon dahil sa malakas na buhos ng ulan
- PAGASA: Bagong LPA sa Pacific Ocean, posibleng maging bagyo
- Ilang bahagi ng Pangasinan, baha pa rin
- Gleer Codilla na akusado rin sa kaso ng mga nawawalang sabungero, tetestigo laban kay Atong Ang; dagdag-ebidensya, isinumite ng PNP-CIDG sa DOJ
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Hindi na lang sa mga flood control project na discovery po ng Department of Agriculture
00:05na mayroon na rin umanong ghost o hindi nagawang farm-to-market road projects.
00:10Sa Region 11 o Davao Region at sa Sambuanga City daw yan,
00:14at umaabot sa halagang 75 million peso.
00:17Sa panayam ng Super Radio DZDD kay Agriculture Secretary Francisco Tulao Real Jr.,
00:22sinabing DPWH ang implementing agency ng mga proyekto noong 2021 at 2022
00:28na may kabuong haba na 5 kilometers.
00:32Bago pa man pumutok ang tungkol sa mga manumalyo mo ng flood control projects,
00:36natukoy na rao nila na meron ning ghost farm-to-market road projects.
00:41Tinutukoy na rao nila ang punot-dulo nito at isa sa ilalim sa investigasyon ng mga sangkot na opisyal.
00:53Tinanggap ni House Speaker Faustino Bojid III ang pagbibitiw bilang kongresista
00:58ni Ako Bicol Partilist Representative Zaldi Ko.
01:02Itong pag-submit sa amin ng kanyang resignation, kami lahat ay nabigla.
01:08Pero kailangan talagang bumalik siya sa lahat ng parang na magawa.
01:12Kahit nagbibitiw sa pwesto si Ko, sinabi ni Dina dapat pa rin niyang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.
01:19Sa ngayon, hawak na rao ng Department of Justice at ng Independent Commission for Infrastructure
01:24ang investigasyon laban kay Ko.
01:26Pero dahil nag-resign, wala nang kapangyarihan sa kanyang House Ethics Committee.
01:31Wala pa rao silang impormasyon kung bumalik na ba sa Pilipinas si Ko.
01:34Inirekomenda na ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman na Kasuhan
01:42ang nagbitew na Ako Bicol Partilist Representative na si Zaldi Ko.
01:46Pati ang labing-bitong iba pa kaugnay sa maanumaliang manong flood control project sa Oriental Mindoro.
01:52Balitang hatiit ni Sandra Aguinaldo.
01:54Tapos na ang sampung araw na palugid para magbalikbansa si Ako Bicol Partilist Representative Zaldi Ko.
02:04Matapos bawiin ni House Speaker Faustino Bojidi III ang travel clearance ng kongresista.
02:10Pero walang Zaldi Ko na nagpakita sa kamara.
02:14Sahalip ipinose sa kanyang Facebook page ang kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng kamara.
02:20Ayon kay Ko, dahil yan saan niya'y totoo at malubhang banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
02:27Ipinagkait din umano ang kanyang karapatan sa due process.
02:31Agad-agad na epektibo ang pagbibitiw ni Ko.
02:33Nung Hulyo pa naka-medical leave si Ko sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects.
02:39Si Ko ang dating chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations na nabahira ng isyo ng budget insertions.
02:46Nagtungo ng Amerika si Ko para magpagamot pero binawi kamakailan ni Speaker D ang kanyang travel authority.
02:53Sa pinakahuling impormasyon ay wala na sa Amerika si Ko na sinasabing nasa bansang Spain ngayon.
02:59Sa kanyang sulat, sinagot ni Ko ang ethics complaint na isinampalaban sa kanya ni Navotas Representative Tobitianco.
03:06Itinanggini ko na siya ang naging utak ng inihabol na insertions at realignment sa 2025 national budget.
03:14Malabu raw kung hindi man imposible na nakapagpasok siya ng insertions nang hindi nalalaman ng mga miyembro ng Kamara at Senado.
03:23Dumaan din aniya dapat sa mabusising pagsusuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang General Appropriations Act nung pinirmahan niya ito.
03:32Mainam daw kung hihintayin muna ng Ethics Committee ang desisyon ng Supreme Court at Ombudsman sa mga kaso kaugnay nito.
03:39Kaugnay naman sa pagkwestiyon ni Tiyanko na nag-medical leave si Ko kahit walang ibinigay na medical certificate,
03:46sabi ni Ko hindi naman ito requirement.
03:49Itinanggini ni Ko na ipinagmamayabang nila ng kanyang pamilya ang kanilang yaman.
03:54Wala raw nagbago sa kanilang pamumuhay mula ng mahalal siya sa pwesto.
03:58Itinanggini ni Ko na kumita siya bilang kongresista mula sa mga proyekto ng SunWest Inc. na dati niyang pag-aari.
04:07Sasagutin daw ni Ko ang mga akusasyon laban sa kanya sa tamang panahon at tamang forum.
04:12Sabi pa ni Ko, ipatatanggal na niya ang kanyang mga personal na gamit sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa.
04:19Ang party list aniya ang mag-aabiso sa kamera kung sino ang papalit kay Ko.
04:24Sa iwalay na sulat, nag-leave din si Ko mula sa akobical party list.
04:28Sa ilalim ng Batas, ang papalit sa nagbitiw na party list representative ay ang susunod na kinatawan sa listahan ng mga nominee na isinumitin ng grupo sa Komele.
04:40Giit naman ni Tianko, kahit nag-resign si Ko bilang kongresista, hindi siya makakatakas sa mga kaso sa korte.
04:46Pag-iwas yun sa mas marami pang tanong sa ethics committee. Kahit naman mag-resign siya, hindi naman siya makakaiwan.
04:55Sa ombudsman, isa si Ko sa mga inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure na kasuhan kaugnay sa irregularidad sa flood control project sa Oriental Mindoro.
05:06Posible pong magsampa ng kaso paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa procurement law po sa violation ng revised penal code specifically sa provision ng malversation and falsification.
05:24And of course, isa po dito ay yung paglabag sa Code of Conduct of Public Officers and Employees.
05:33Inirekomenda rin ng ICI na kasuhan si dating DPWH Mimaropa Regional Director, Engineer Gerald Pakanan, Assistant Regional Directors na sina Jean Ryan Altea at Ruben Santos Jr.
05:47At siyam na iba pang DPWH official. Damay rin sina Aderma Angeline Alcazar, ang Presidente at Chairman of the Board of Directors ng SunWest, pati ng apat na miyembro ng Board of Directors.
06:00Ang ICI nga, gaya po sa parating sinasabi, ay nagbabase po sa ebidensa. The stronger the evidence we have, the more complete our evidence we have, that's the time that we will file our recommendation to ombudsman.
06:14Hindi po basta-basta kaming nagre-rely o umaasa sa mga single testimony o sa isang affidavit po lamang.
06:25Sinusubukan namin kunin ang panik ng mga inirekomendang kasuhan.
06:29Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, tuloy pa rin ang mga kaso laban kay Coe.
06:35Humiling na rin ang DOJ ng Blue Notice mula sa Interpol para kumalap ng karagdaga impormasyon ukol sa aktibidad at lokasyon ni Coe.
06:44I don't expect him to come home. I mean, the way that everything is right now, I don't think he will just go home.
06:50Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:59Mabilis na namang binahangil ang bahagi ng Metro Manila kahapon dahil sa malakas na buhos ng ulan.
07:05Pinailarang sagipin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga stranded sa barangay Talayan dahil sa lampas taong baha.
07:14Itinulak na lang ang isang van na tumirik sa Biak na Bato Street.
07:17Naglutangan naman ang mga basura sa baha sa kahabaan ng Araneta hanggang E. Rodriguez Avenue.
07:25May ilang sasakyan na nagpumilit dumaan sa abot bewang na baha.
07:28Nagdulot yan ang matinding traffic kahit sa G. Araneta Underpass.
07:33Nalubog din sa baha ang Mother Ignacia Avenue, Corner Summer Avenue.
07:37Sa Maynila, binaha ang kahabaan ng Espanya Boulevard na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
07:44Abot binti ang bahang nilusong ng ilang estudyante.
07:48May mga binaharin sa Mindanao.
07:51Abot binti ang baha sa ilang bahagi ng Dato Odin Sinsuat, Maguindano del Norte dahil sa malakas na ulan.
07:57Ilang bahay sa barangay populasyon ang pinasok ng tubig pasado alas 6 kagabi.
08:02Ang tubig na rumagasay mula sa bulubunduking bahagi ng bayan.
08:05Ang ulan sa Maguindano del Norte at iba pang bahagi ng bansa, epekto ng Easter Leaks.
08:11Mainit na balita, may bagong low pressure area ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
08:27Namataan po yan na pag-asa 1,360 kilometers sila nga ng southeastern Luzon.
08:33Sa mga susunod na oras, posibleng po itong pumasok ng PAR.
08:37May chance na rin po itong maging bagyo.
08:39Kung sakali, tatawagin niyang Bagyong Paulo.
08:43Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang LPA.
08:47Easter Leaks ang magdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa,
08:52pero posibleng magbuhos ng mahihinang ulan, lalo na sa silangang bahagi.
08:57Halos buong bansa kasama ang Metro Manila ay uulanin base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
09:04Kaya maging alerto sa heavy to intense rains na maaari rin hong maranasan sa ilang lugar.
09:10Pwede po itong magdulot ng baha o landslide.
09:19Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
09:24Baha pa rin ang ilang bahagi ng Pangasinan.
09:27Dahil sa mga nagdaang Bagyong Nando at Opong.
09:30Saan-saan ba ang mga lugar dyan sa Pangasinan, Chris?
09:34Connie, baha pa rin sa ilang lugar dito sa Dagupan City na isinilalim na sa State of Calamity.
09:40Halos 30 barangay sa lungsod ang nakararanas pa rin na epekto ng mga nagdaang bagyo at sa manang panahon.
09:47Tulad sa Dagupan, baha pa rin sa mga bayan ng Kalasyao at Santa Barbara.
09:52Ayon sa PD-RRMO, mahigit sa siyam na raang residente ang nasa evacuation center pa rin sa Dagupan at Kalasyao.
09:59Bukod sa Dagupan City, nasa State of Calamity din ngayon ang mga lalawigan ng Cagayan at Oriental Mindoro.
10:05Kater Stigo, laban kay Atong Ang, ang isa sa mga akusado sa pagkawala ng 6 na sabongero sa Manila Arena noong 2022.
10:21Saka ang security personnel na si Glear Codilla.
10:24Kabilang ang affidavit niya sa limang inihay ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice bilang dagdag na ebidensya.
10:31Para yan sa mga reklamong murder, kidnapping at serious illegal detention laban sa mga sangkot sa pagkawala ng tatlumpung sabongero.
10:41Nakapaghahain na rin ang mga salaysayang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan at mga kapatid na sina Elakim at Jose.
10:48Nakatakda sa November 3 ang pagsusumite ng mga kontra salaysay na mga inirereklamo.
10:53Naunda nang naghahain si Gretchen Barreto ng kanyang kontra salaysay.
10:56Patuloy naman ang paninindigan ng mga kaanak na mga nawawala na hindi sila bibitaw sa paghahanap ng hostisya.
Be the first to comment