Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsimula ng maglinis ang mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Verbena sa ilang lugar sa Bacolod City.
00:06Kaya update po tayo sa ULOT ON THE SPOT ni Aileen Pedreso ng GMA Digital TV.
00:12Aileen!
00:16Connie, matapos maranasan ang pagulan kahapon, putik at basura naman ang kinakaharap na problema ng mga binahang residente dito sa Bacolod City.
00:25Basa at puno ng putik ang mga gamit ng mga residenteng binaha sa Bacolod City kahapon.
00:32Gaya na lang sa Barangay Singkang Airport kung saan halos umabot sa mga bubong ang tubig baha.
00:36Pahirapan ang paglinis ng mga residente ng kanika nila mga bahay bago pa man makabalik mula sa evacuation centers.
00:42Ang ilan, naabutan naming naglalaba at nagsasampay ng mga damit.
00:47Ang mga gamit na pwede pang pakinabangan, nililigpit rin ng mga ito.
00:52Magdamag na nagsagawa ng flushing ang LGU ng mga basura, debris at iba pang nakakalat sa pangunahing kalsada.
00:59Ngunit makikitang may ilang kalsada pa rin balot ng putik kaya mahirap para sa mga motorista.
01:05Ang mahigit dalawang libong pamilyang lumikas na hatiran rin ng tulong ng LGU at DSWD.
01:11Samantala, sa tala ng RDR, RMC, NIR, may git 44,000 na pamilya ang apektado ng bagyo sa buong rehyon.
01:18Karamihan dito ay sa Bacolod City.
01:20Sa tala naman ng RDR, RMC 6, mahigit 11,000 na pamilya ang apektado ng masamang panahon.
01:27Sa Western Visayas, 85 na kabahayan ang nasira.
01:32Connie, panawagan ngayon ng mga residente ang dagdag tulong lalo na sa pagpapaayos na kanilang mga nasira ang mga bahay.
01:40Connie?
01:40Maraming salamat, Aileen Pedreso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended