00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Wala mang wind signal, nakaranas po na naman ng malakas na pagulan
00:14ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa trough o yung buntot ng Bagyong Tino.
00:20Kasama natin si Chris Uniga para sa detalye. Chris?
00:23Salamat Connie! Binaha ang ilang bahagi ng Baler Aurora kasunod ng malakas na ulan.
00:32Sa barangay Suklayin, kitang mabagal ang takbo ng ilang sasakyan dahil sa tubig sa kalsada.
00:37Halos tatlong oras daw na umulan doon, kaya bumaha.
00:40Nagdulot yan ang perwisyo sa mga residente, lalo't dyan daw ang pangunahing ruta,
00:45papasok at palabas ng mga terminal at palengke sa bayan.
00:49Nagkaroon naman ang rock slide sa Tinglayan, Kalinga.
00:51Humamba lang sa kalsada ang malalaking tipak ng bato at lupa
00:56dahil sa paglambot ng lupa kasunod ng pagulan sa lugar.
00:59Nagsagawa na ng clearing operations doon.
Comments