Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa GMA Regional TV.
00:09Marami pa rin pong residente sa Samar ang nananatili sa evacuation centers.
00:14Kasunod ho ng pananalasa ng bagyong uwan.
00:17Cecil, anong latest sa inyo dyan?
00:21Honey, problema ngayon ng maraming evacuees kung saan sila uuwi
00:25dahil nasira ng bagyong uwan ang kanilang mga bahay.
00:29May ulat on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
00:33Nico?
00:34Cecil, nanatili pa dito sa evacuation center sa Katbalogan City sa Samar
00:40ang ilang mga residente yung nasiraan ang bahay
00:42dahil sa paghampas ng malalaking alon dala ni Bagyong Uwan.
00:48Pangalawang gabi na nakagabi, nanunuluyan ang ilang residente sa evacuation site
00:52sa Samar National School.
00:54Nakauwi ng iba sa kanila matapos humupa ang bagyo.
00:58Pero ang mga natitira, mga wala nang uuwian pa.
01:02Sila yung mga nasiraan ang bahay sa tabing dagat malapit sa pier.
01:06Dahil sa malalakas na hampas ng alon, na wash out ang kanilang mga bahay.
01:11Isa sa kanila, si Aling Rebecca, na mahigit sa 30 taon nang nakatira sa nasabing lugar.
01:16Wala siyang naisalba dahil lumika sila nang bumayo ang bagyo.
01:21Ayon kay Katbalogan City Mayor Dexter Uy,
01:24nakaapekto ang high tide na sinabayan ang malakas at walang hintong ulan
01:28kaya nasira ang mga bahay sa tabing dagat.
01:32May isang nasawi matapos madaganan nang nawasak niyang bahay.
01:36Ramdam din ang Super Typhoon Uwan sa lungsod ng Kalbayog dito pa rin sa Samar.
01:40Nagsimulang naranasan ang malakas na ulan at hangin madaling araw kahapon
01:45na nagtuloy-tuloy hanggang tanghali.
01:48Bunson nito, nakaranas ng pagbaha ang tatlong barangay
01:51at nawalan din sila ng supply ng kuryente.
01:55Sa ngayon ay kinoconsolidate pa ng Office of Civil Defense Region 8
02:00ang kabuang danios at mga reported incidents dito sa buong Eastern Visayas
02:04epekto ng Bagyong Uwan.
02:07Cecil?
02:08Maraming salamat, Nico Sereno.
02:10Maraming salamat, Nico Sereno.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended