00:00Bantay bulkan po tayo, muling nag-alboroto ang dalawang bulkan sa bansa.
00:04Una, ang bulkan taal na nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption pasado alas 6 ngayong umaga.
00:12Ayon sa PHIVOX, nagtagal yon ng isang minuto.
00:15Umakyat ang plume ng 500 metro mula sa main crater.
00:20Paliwanag po ng PHIVOX, ang phreatomagmatic eruption ay nangyayari kapag ang init mula sa magma ay nagkakaroon ng interaksyon sa tubig.
00:28Nag-buga naman ang abo ang bulkan kanlaon sa Negros Island pasado alas 9 kanina.
00:34300 metro ang taas ng ibinugang abo bago ito tangayin ng hangin sa west-northwest na direksyon.
00:41Sa nakalipas na 24 oras, nananatili sa Alert Level 2 ang kanlaon habang Alert Level 1 ang taal.
00:49Kapag Alert Level 2, bawal ang pagpasok sa itinakdang 4-kilometer radius permanent danger zone.
00:55Bawal din po ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
01:00Dahil Alert Level 1, hindi pinapayagan ang pagpasok sa taal volcano island, lalo sa main crater at ang Castilla Fishers.
01:09Hindi rin maaaring mamalagi ang sino man sa taal lake.
Comments