00:00Arrestado sa Valenzuela ang isang lalaking nag-drespass o pumasok sa isang tindahan at tinangka yung pagnakawan.
00:08Gate po ng suspect na gawa daw niya ang krimen para magkaroon ng pamasahe.
00:14Balitang hatid ni Bea Pinlock.
00:21Nagkagulo sa tindahan na ito sa Valenzuela City pasado alauna ng madaling araw nitong lunes.
00:26Nahuli kasi ang 21 anyos na lalaking niyan nang pasukin niya ang tindahan at tinangkapaumanong pagnakawan.
00:35Ayon sa pulisya, mismong ang may-ari ng tindahan ang nagsumbong sa mga otoridad.
00:41Kanyang napansin na mayroong bukas na bintana sa kanyang tindahan.
00:46Dahilan sa kanyang pagsilip at napansin po niya na mayroong chinelas at saka payong po doon sa loob.
00:53Agad po siyang kinutuba na mayroong tao sa loob.
00:55Agad rumisponde ang barangay at pulisya.
00:59Naabutan pa nila ang suspect sa tindahan.
01:01Gulo-gulo na po doon sa loob ng tindahan.
01:04Nakolocated po doon sa bahay ng ating biktima.
01:08During that time na nahuli po siya, wala pa naman po siya nailabas o nanakaw mula sa tindahan.
01:13Aminado naman ang suspect sa krimen.
01:16Ang nagtulak-umano sa kanya para gawin ito, kakulangan sa pera.
01:20Ginawa ko lang po kasi kailangan ko po ng pamasahe pa ako.
01:23Wala po akong makuha ng trabaho po.
01:26Reklamang qualified trespass to dwelling ang isinampa laban sa suspect na hawak nga ng Valenzuela City Police.
01:33Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments