00:00Dumaan sa butas ng karayong pero nakalusot pa rin sa budget deliberations ng Senado ang Panukalampondo ng Office of the Ombudsman at Department of Justice.
00:10Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:30Humingi ng public apology si Sen. Rodante Marcoleta kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa naging budget deliberations ng Senado ngayong araw.
00:44Anya, hindi kasi dapat palagpasin lang ang pagsangayon ni Remulia sa tanong na pwede bang mabaluktot ang batas o bendalo.
00:52Sinubukang magpaliwanag ng budget sponsor na si Sen. Sherwin Gatchalian sa ngala ni Remulia.
00:58This is an opportunity for the current Ombudsman to clarify his statements and this is actually the clarification that he is expressing to this August body that he will abide by the rule of law and he will not bend the law.
01:15Pero hindi pa rin na kontento si Marcoleta.
01:18Can I respectfully move that maybe we can suspend our rules? I want to hear personally the Ombudsman to say it for himself.
01:29Kinailangang mag-usap-usap ng mga Senador at hindi nasunod ang gusto ni Marcoleta na pagsalitain si Remulia.
01:36Very rarely given way to such a motion to suspend the rules especially during budget plenary deliberations with all due respect to Sen. Marcoleta.
01:52So I apologize that it may not be possible also this morning.
01:56Sa kabila naman ang iba pang tirada ni Sen. Marcoleta, tinggil sa restitution at pagbibigay ng timeline ni Remulia sa paglabas ng warrant of arrest,
02:06nakalusot pa rin ang panukalang budget ng Ombudsman.
02:09Sumunod namang dininig ang budget ng Department of Justice.
02:12At ang napuntiriya ay ang biglaraw paglogo ng confidential funds ng office ng DOJ Secretary noong 2025.
02:20Hindi ko po masyadong nasasakyan, Mr. President, kung bakit noong 2025,
02:29tumas po ng 800% ang confidential funds ng Office of the Secretary of Justice.
02:35Sa ibinigay na datos ni Marcoleta, noong 2020, nasa 193 million lang ang confi funds ng Office of the Secretary ng DOJ.
02:44Pero sa loob lang ng limang taon, itong 2025, ay lumobo ng 1.5 billion pesos ang pondo.
02:52Ang paliwanag naman dito ni Sen. Gatchalian.
02:55Noong 2025, ang kanilang confidential funds is 34 million.
03:03Ang nagdagdag po ay Kongreso.
03:06Hindi po sila ang nagdagdag.
03:08So, at that time, itong 2025, I assume na yung mga legislators nakita na marami silang hinahawakan na kaso.
03:19Ang konteksto naman doon, that time, iniimbestigahan po yung missing Sabongero,
03:25yung po yung pinaka high-profile case at that time.
03:28May mga case build-up na even before.
03:31Kaya nag-request sila ng ganun amounts.
03:34Pero at this time, hindi na ho ganun kalakay yung kanilang ini-request.
03:38Para sa 2026 budget, ang proposed confidential funds ng DOJ's secretary ay 729 million.
03:45Nais naman itong patapyasan ng kalahati at maging 364 million na lang para mailagay ang pondo sa Office for Alternative Dispute Resolution.
03:55Pero ang pondo raw kasi ngayon, nakalaan para sa Witness Protection Program.
03:59Kaya pag-aaralan pa ang pagtapyas nito.
04:02Sa huli, nakalusot din ang budget ng DOJ's sa plenario.
04:06Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment