00:00Bukas daw ang Philippine National Police Drug Enforcement Group sa anumang investigasyon,
00:06matapos mauwi sa shootout ang ikinasan nilang by-bust operation sa Cubao nitong nakaraang araw.
00:12Sa enkwentro, tatlong drug suspects ang napatay habang isang polis at isang confidential agent ang sugatan.
00:30Wala pong kwanton, hindi naman sinasabing may kasalanan sila pero procedure po yun to include all other examinations to be conducted.
00:39Kanina, inilabas na ng PDEG ang CCTV footage ng by-bust operation.
00:44Sa video, makikita ang kulay maroon na kotse nito kung saan nakasakay ang civilian asset at ang polis na nagpanggap na buyer.
00:51Sa kaliwang bahagi ng sasakyan, makikita ang isa sa sospek na papalapit sa kotse para sa bilihan ng droga.
00:58Habang makikita din na dinakmana ng mga polis ang isa pang lalaki na kasunod nito.
01:03Ayon sa PDEG, planong i-double cross ng mga sospek ang kanilang katransaksyon na di nila alam ng mga polis.
01:10Kitang-kita din sa video ang isa pa sa mga sospek na nakasuot ng green shirt na noon ay bumunot at agad nagpaputok ng baril.
01:18Ang bala, tumagos sa bintara ng sasakyan na ikinasugat ng civilian asset at driver na polis.
01:25Probably, that was the intention po talaga na i-set up yung tropa, maitatakbo nila yung staff at makukuha pa yung pera.
01:35Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Almaragay, nasa listahan ng kanilang high value individual,
01:41ang isa sa mga sospek dahil sa pagsusupply umano nito ng iligal na droga sa NCR, Region 3 at iba pang kalapit na probinsya.
01:50Bagamat may napatay sa operasyon, nanindigan ng PDEG na nananatiling bloodless ang kanilang kampanya kontra iligal na droga,
01:58isina sa ilalim na sa forensic examination ang sampung bloke na nginihinalang shabu na may market value na aabot sa 68 million pesos.
02:06As I've said, kami naman po sa PNP, we still maintain that battle cry, bloodless operation.
02:17Nakita nyo naman po yung effort ng tropa to arrest in the video clip.
02:21But then again, how would that affect us kung kami ang tinamaan?
02:26As a commander or director, how would that affect me kung ako ang nawalan ng tropa?
02:31So, it's just a matter of doing our jobs, doing our mandate.
02:38Sa huli, ay nanindigan ng PNP DEG na lihitimo ang kanilang operasyon,
02:42bagamat may mga nagsasabi na hindi droga, kundi parang pansit daw ang laman ng mga kahon na kanilang nakumpiska.
02:49Matagal na rano nilang minamanmanan ang mga sospek,
02:52ng ilan ay dati ng sangkot sa iba pang krimen.
02:56Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.