00:00Nakatakdang magpalabas ng resolusyon ng National Police Commission para pagtibayin ang pagiging acting PNP Chief ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
00:12Kaugnay niyan isang espekulasyon ang mariing pinabulaanan ng DILG. Kaugnay sa pagpapalit ng liderato ng PNP.
00:20Si Ryan Lesigues sa Sentro ng Balita.
00:22Matapos masibak sa pwesto si dating PNP Chief Police General Nicolás Torre III, maraming espekulasyon ang lumabas kaugnay sa tunay na dahilan kung bakit ito natanggal bilang pinuno ng pambansang polisya.
00:36Kabilang na dito, ang umunoy pagtanggi ni Torre na sundin ang direktiba ni DILG Secretary Jun Vick Rimulya na bumili ng 80,000 piraso ng 5.56mm basalt rifle.
00:47Bagay na agad namang itinanggi ng DILG sa official statement ng kalihim na kasaad dito na wala siyang ganitong utos na inilabas.
00:56Sa halip, nang matanggap umano ng kalihim ang isang unsolicited proposal para sa pagbili ng nasabing dami ng armas,
01:03ipinag-utos niya kay Torre na suriin muna kung talagang kinakailangan ito para sa operasyon ng PNP.
01:08Ang ganitong uri daw kasi ng malakihang pagbili ay maaari lamang isagawa sa pamamagitan ng congressional insertion lalo na hindi ito kasama sa National Expenditure Program ng Pamahalaan.
01:19Noong August 12, sa pagdiriwang ng anibersaryo ng PNP, sinabi umano ni Torre Carimulya na hindi niya nakikitang kailangan ng pagbili ng naturang mga armas at sumangayon naman dito ang kalihim.
01:30Samantala, naglabas ang National Police Commission o NAPOCOM ng resolusyon para pagtibayin ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Jose Melencio Nartates Jr. bilang acting chief ng PNP.
01:42Sabi ni NAPOCOM Vice Chairperson at Executive Officer Attorney Rafael Kalinisan,
01:47layunin ng hakbang na bigyang kapanyarihan si Nartates na ganap na gampanan ang pamumuno sa PNP taliwas sa limitadong tungkulin ng isang officer in charge.
01:57We will make sure na it is all on board, kailangan po legal, so we will issue the supporting NAPOCOM resolution to help General Nartates in the performance of his tasks.
02:11Para wala rin hong question, so we will issue the corresponding NAPOCOM resolution, affirming his acting capacity.
02:18Tiniyak ng NAPOCOM ang patuloy na maayos na ugnayan sa PNP at ang kanilang buong suporta sa liderato ni Nartates.
02:24Importante yun. Bakit siya importante? Kasi kung OIC, ano lang yun eh, daily, rutinary functions of the office.
02:33Walang discretionary power. Kung ikaw ay acting, you have full powers.
02:39So you have the, in your tools, yung discretion. You can exercise your discretion.
02:47And the chief PNP, particular in this case, General Nartates, should have full control dun sa mga ganap dun sa Philippine National Police.
02:59Sa ngayon, mananatili daw sa three-star rank si Nartates hanggat hindi binibitawan ni Torre ang four-star rank.
03:07Mula dito sa Campo Karame, Ryan Lisigues.
03:10Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinos.
03:12Pilipinos.