Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
11 tauhan ng MPD-DEU, inireklamo ng isa pang delivery rider matapos ang umano’y ilegal na pag-aresto at pangingikil | ulat ni Ryan Lesigues

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nadagdagan pa ang reklamo laban sa ilang membro ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District.
00:06Ito'y matapos magsampan ang reklamo sa Napolcom ang mismong Umanoy, kanilang iligal na kinulong at kinikilan.
00:15Si Ryan Lesigues sa Sentro ng Balita.
00:19Nagtungo na rin sa National Police Commission si Nicole para magsampan ang reklamong administratibo
00:24sa labing isang opisyal at tahuan ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District.
00:29Ito'y matapos umano siyang arestuhin habang nakikipagkwentuhan sa kaibigang delivery rider sa Sampaloc, Manila.
00:36Ayon kay Nicole, tinakot at binugbog siya ng mga polis sa loob ng sasakyan katulad ng kanyang kaibigang si Alias Chester.
00:43Kinuha din umano ang kanyang cellphone, 10,000 pisong cash at kanyang motorsiklo.
00:49At hindi pa umano dito natatapos dahil ikinulong din siya at sinampahan pa ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act
00:57kahit wala naman naniyang nakuha sa kanila na iligal na droga.
01:01Handa ko pong ipaglaban yung pataruhan ko po dahil wala pong ibang ginawa hindi alagaan lang po ang aking anak
01:12at tulungan ng aking asawa sa pangaraw-araw.
01:18Wala pong ibang tinasangkutan o iba pa mang pangyayari.
01:26Pero ang MPD nanindigan na may basihan at lihiti mo ang pag-aresto kay Nicole.
01:32Hinikayat naman ni MPD Spokesperson Police Major Philip Ines si Nicole
01:36na magsampan ang reklamo hinggil sa di umano'y pananakit sa kanya habang nakakulong.
01:40Nakalaya si Alias Nicole matapos na ipag-utos ng Korte dahil sa kawalan ng ebedensya.
02:00Hindi ko na po alam ang gagawin ko po sir kasi sa pananakot po nila mga panunutok na mga baril.
02:10Normal na tao lang po kami na nagtatrabaho.
02:13Nagulat na lang po kami na may pinapa-bigay po sa amin na...
02:26Mula sa pito, nasa labing isang pulis na ang natukoy ng Napolcom na sangkot sa insidente.
02:37Positibo namang kinilala ni Nicole ang mga pulis na umaresto sa kanila sa video na ipinakita ng Napolcom.
02:44Kuha umano ang video sa isa pang kwestyonabling operasyon noong June 20, 2025
02:48kung saan kita na may inaresto ang mga pulis habang ang iba naman ay may bit-bit na ilang gamit.
02:55Lumanabas na parehong grupo ang nag-operate noong June 20 at nitong September 9.
03:00Kita rin sa video na tila nag-alala ang mga pulis nang makita nila ang CCTV sa gusali.
03:05Inatasan na ni Napolcom Vice Chairperson Attorney Rafael Vicente Kalinisan
03:10ang kanilang inspection, monitoring and investigation service or IMIS
03:14na magsagawa ng motoproprio investigation sa nasabing operasyon.
03:18Hindi pa rin tama na uhulihin mo isang tao habang walang ginagawa.
03:24So that is... that should be made clear.
03:28Lahat ng tao, kahit sino pa yan, kahit ano estado niya sa buhay, may karapatan pang tao yan.
03:32Noong biyernes, naghahain na ng kasong administratibo sa Napolcom
03:36ang kasamahan ni Nicole na si alias Chester
03:38na nanatili na ngayon sa Pihaw ang labing siyam na opisyal ng MPDDEU.
03:44Kasamang pitong pulis na may direktang kinalaman sa operasyon,
03:47mananatili sila sa floating status habang gumugulong pa ang investigasyon.
03:52Mula dito sa Kampo Karame, Ryan Lisigues
03:55para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended