00:00Pinawag ng Malacanang na desperado ng hakbang ang mga paratang ni Sen. Aimee Marcos kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07Nanindigan din ang palasyon na hindi magbibitiwang Pangulo dahil hindi nito ugali ang takbuhan ang problema.
00:13Nagbabalik si Kenneth Paciente.
00:17This is definitely a desperate move.
00:21Yan ang naging patutsada ng Malacanang sa mga mabibigat na paratang ni Sen. Aimee Marcos
00:26laban mismo sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30Giit ng palasyo, halatang may motibo ang Senadora dahil sa pag-arangkada ng imbestigasyon patungkol sa maanumalyang flood control projects
00:37na maaaring magdawit sa mga kaalyado nito.
00:40At kung alam na raw nito ang patungkol sa issue, bakit ngayon lang siya nagsalita?
00:45Gayong mismo ang St. Luke's Medical Center sa BGC Taguigna ang nagpatunay sa pamamagitan ng isang medical certificate na wala itong katotohanan.
00:53Ano ang dahilan ng disperadong galawan ni Sen. Aimee Marcos laban sa sarili niyang kapatid?
01:04At pati kay First Lady.
01:06Kung di makapanira lamang.
01:11Walang basihan.
01:12Dahil kung itong test na to, na siyang kinumpirma ng St. Luke's na negative, ang Pangulo.
01:24Pagdating sa drug test.
01:28Bakit hindi siya tumutol noon?
01:29Alam natin kung anong motibo niya.
01:37Dahil ba maaari ng
01:38lumarga ng lumarga ang pag-iimbestiga tungkol sa korupsyon.
01:49At maaaring tamaan na ang kanyang mga kaalyado.
01:52Mga kaalyado sa Senado?
01:57Katakataka rin daw na biglang bumalik sa isyong ito ang Senadora.
02:00Samantalang dati ay hindi naman nito pinuna.
02:03Ang ginawang pag-amin noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ito ng fentanyl.
02:08Hamon ng palasyo kay Senadora Aimee.
02:11Suportahan na lang ang ginagawang imbestigasyon sa korupsyon sa mga proyekto kontrabaha
02:15na pinasimulan mismo ng Pangulo.
02:17Anong klaseng kapatid si Senador Aimee?
02:22Anong klaseng Pilipino si Senador Aimee?
02:26Kung totoong makapilipino ka at totoong makabayan ka Senador Aimee,
02:31tumulong ka sa pag-iimbestiga,
02:34dapat na ma-pinpoint, dapat maituro kung sino talaga ang sangkot sa korupsyon.
02:42Huwag mong sirain ang kapatid mo.
02:44Hindi ito ang issue ngayon.
02:45Matagal ng issue ito, pero since wala kayong makita sa Pangulo na anumang issue ng korupsyon,
02:52kung saan saan nyo dinadala ang issue.
02:56Nakakahiya, Senador Aimee. Nakakahiya.
03:00Tinawag naman ni House Majority Leader Sandro Marcos na hindi asal ng isang tunay na kapatid
03:06ang mga tinuran ng Senadora.
03:08Nakalulungkotan niya na umabot na sa ganitong punto ang Senadora,
03:11lalo na sa paglikha ng sarisaring kasinungalingan para guluhin ang pamahalaan
03:16at itulak ang sarili niyang ambisyong politikal.
03:20Iresponsable din anya ang ginawang akusasyon nito
03:22at iginiit na wala itong basihan at pawang mga kasinungalingan.
03:26Masakit din daw para sa mambabatas na tila pinagtaksilan ni Senador Aimee ang sarili niyang pamilya,
03:31lalo't mataas ang respeto nito sa kanya dahil sa mga ambag nito sa kanyang buhay politika.
03:36Ipinunto ng kongresista na ito ang panahon para magkaisa sa likod ng katotohanan,
03:41hindi para palakasin ang mga kwentong nilalayong pabagsaki ng pamahalaan.
03:45Giit niya, mas napapanahon ang pagtutulungan at hindi ang pagsisimula ng gulo at destabilisasyon.
03:52Kenneth Pasyente
03:53Para sa Pambansang TV
03:55Sa Bagong Pilipinas