00:00Solo parents si Lin Mel Kayahamon sa kanya ang gastusin sa araw-araw, lalo na at apat ang kanyang anak.
00:08Kaya para makatipid, lagi siyang nagpupunta sa Walang Gutom Kitchen o WGK ng DSWD sa Pasay.
00:15Tampok kasi rito ang libreng pagkain para sa mga individual o pamilya na kapuspalad.
00:21Malaking survive po sa amin ito. Sobrang laking tulong po ng Walang Gutom.
00:25Kasi nakakatipid po. Minsan po kasi sa isang araw bilang solo parent, imbis na na ibibili ko ng bigas, na itatabi ko pang baon ng bata.
00:34Kanina personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang WGK.
00:39Gusto kasi niyang masilip ang operasyon nito at matiyak na nasiservisyohan ng mga nangangailangan.
00:44Suot ang kanyang apron. Nag-ala service crew ang Pangulo dahil siya mismo ang nagsilbi ng tray ng pagkain.
00:50At nakapaloob sa tray na yan ang mga masusustansyang pagkain na layong gawing malusog ang mga binipisyaryo.
00:56Game na game din ang Pangulo na nakisalo sa mga binipisyaryo na kinantahan pa siya ng happy birthday para sa kanyang kaarawan noong September 13.
01:04At ang cake, may disenyo na sumasalamin sa datos na bumaba ang hunger incident sa mga binipisyaryo ng Walang Gutom program batay sa SWS Survey.
01:13Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!
01:25Laking pasalamat naman ang ilang binipisyaryo sa Walang Gutom Kitchen dahil malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan lalo na sa pagkain.
01:34Hindi katulad na sa labas kami na kasansa kami kung nakikikain, nagaanap ng pagkain, kasas kami natutulog.
01:40Maraming salamat po sa pagkain na hindi kayo po sa amin para sa pagkain sa pang-araw-araw.
01:49Sabi ng DSWD, mahigpit daw na bilin ang Pangulo na tuldukan ang kagutuman sa bansa at isa ang Walang Gutom Kitchen sa hakbang ng ahensya para tugunan ito.
01:58Kaya direktiba rao ng Presidente na madagdagan pa ang ganitong mga inisyatiba.
02:03Tinatayang nasa 6 na raang katao ang naseservisyohan ng Walang Gutom Kitchen na bukas para sa lahat mula alas 6 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.
02:12Sa datos ng DSWD hanggang nitong September 17, aabot na sa mahigit 108,000 ang naservisyohan ng WGK, kung saan umabot na sa mahigit 152,000 ang pagkain na ipamahagi.
02:24Bukod sa masasustansyang pagkain, hatid din ang WGK ang mga iba pang serbisyo gaya ng Tara Basa Tutoring Program na layuning maisama ang pagkatuto ng mga bata bula sa mga pamilyang benepisyaryo.
02:37Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bago, Pilipinas.